"I like you." parang tumigil ang mundo sa pagbigkas nya ng salitang iyon. Lalo yatang kumirot yung letseng bagay dito sa kaliwang dibdib ko. Ano ba to? "Ha? Sigurado ka ba dyan? Pano na lang kayo?" kunwari pa to eh. Gusto nya din naman. Pero bakit sya pa? Sa dinami dami naman kase bat siya pa. "No, I don't like you." Seryoso ba talaga siya? Muntik na kong maniwala kanina eh. Kala ko masisira na talaga.--"I think I love you."-- Those words. Srsly? Bakit pag sa movies and tv series ansaya pag sinabi to? Bat sakin ang sakit. Masakit. Masaya sila. Masayang masaya sila. Kitang kita sa mga mata nila. Pero di ko na kayang tagalan. Aalis na lang ako dito. Bakit inutusan pa kase ako. Yan tuloy. Dami ko pang nadadatnan na di kanais nais. Ansaya talagang tumakbo lalo na pag umuulan. "ANO PA BANG KULANG?" sigaw ko sa ulan. "Ginawa ko naman lahat, di pa ba talaga ako sapat? Masakit. Bat sakanya pa?" sabay ng pagtulo ng luha ko, unti unting lumiliwanag papalapit ng papa--KAI!
