Bite for Eternity

15 3 1
                                    

by: Annie Vallano

Nagulat ang umiiyak na babae habang nakaupo sa isang bench. Bigla na lang kasing may puting panyo na humarang sa harap nya.

"Hindi dapat iniiyakan ang ganoong klase ng lalake, dahil kung mahal ka nya, hindi siya magpapadala sa mga tukso na nakapaligid sa kanya. Kagustuhan ng lalake na may mangyari sa kanila ng babae na 'yon," sabi ng boses.

Tumingala si Yzabelle para matingnan kung sino ang nagsalita. Mas lalo siyang nagulat ng makilala. Ang kapitbahay niya ang nag-alok ng panyo, si Salvatorre. Ito lang naman ang ubod ng kasupladohan at parang siya lang ang tao sa mundo na walang pakialam sa paligid na kapitbahay niya. Nakapagtataka kinausap siya gayong hindi man lang ito nakipag-usap sa mga tao sa kanilang lugar.

Kalat din ang balita na ito raw ay isang bampira dahil hindi nila nakikita o gumagala kapag may liwanag. Lumalabas lang ito sa bahay kapag gabi.Natatakot tuloy siya at baka kagatin siya nito.

Pero naisip din niya, paano kaya kung magpakagat na lamang siya dito? Para tuluyan na siyang hindi makaramdam ng paghihinagpis dahil sa pagtataksil na sana ay magiging asawa niya. Ilang linggo na lamang sana ay mag-iisang dibdib na sila. Pero bigla na lang sumulpot ang isang babae at sinampal sa kanya ang masamang balita na buntis ito. At ang magiging asawa pa nya ang ama.

"Are you a vampire?" Tanong ni Yzabelle.

"If I said yes, what would you do? Scream? Run?" Balik tanong ng lalaki sa kanya.

"K-kakagatin mo ba ako, I mean papatayin mo ba ako?"

Isang panandaliang katahimikan ang dumaan bago siya sinagot ng katabi.

"Kung gusto mong mamatay dahil sa walang kwentang lalaki na iyon, di kita papatayin. Walang hustisya ang magiging kamatayan mo. Mas matutuwa pa 'yong babae niya dahil mawawala ka sa landas nila, walang balakid na mang-aagaw sa lalake nya," sagot ni Salvatorre .

"Hindi mo ako papatayin o kakagatin?" ulit niya.

"Pwede kitang kagatin pero hindi ka mamamatay.
Nasa iyo na 'yon kung magpapakagat ka sa'kin," sabi ni Salvatorre.

Naguluhan si Yzabelle kaya tinatanong nya si Salvatorre kung ano ang ibig ipahiwatig nito, pinaliwanag naman ni Salvatorre. Kakagatin lamang siya nito kung bukal sa kalooban niya ang mangyayari dahil ang klase ng kagat nito sa kanya ay magiging endless.

Nalaman din ni Yzabelle na matagal na pala siyang gusto nito, hindi lang ito nagpapansin dahil baka matakot lang siya. Inamin din ni Salvatorre na matagal na siya nitong mahal. At alam nito na imposibleng magkagusto siya dahil isa itong bampira.

Naglakas loob lang si Salvatorre na lumapit kay Yzabelle dahil sa nakikitang paghihinagpis ng kalooban. Hindi makapaniwala si Yzabelle na minahal pala siya ng labis ni Salvatorre.

Si Yzabelle ay nahiyang umamin na may gusto din siya kay Salvatorre. Natatakot lang siya sa kumakalat na balitang bampira ang lalaki.

"I can read your mind, you know. That you love me too but you're scared to show your feelings," nakangiting wika ni Salvatorre.

Gulat si Yzabelle dahil nalaman ang sekreto nya. Lalo siyang nakaramdam ng hiya. Isang mahinang tawa ang narinig ni Yzabelle. Agad niyang tiningnan ang lalaki, nasurpresa siya dahil ngayon niya lang ito nakita na ngumiti, mas lalo na ang tumawa.

Tinitigang maigi ni Yzabelle si Salvatorre, ngayon lang niya lubosang napagmasdan ang anyo nito. Hindi naman nakakatakot ang anyo, katunayan nga head over heels ang kagwapohan nito, lahat inangkin na.

"Did I pass your rate?" nakangiting sabi ng bampira.

Taka si Yzabelle sa sinabi nito kaya tinanong nya kung anong pass at rate ang pinagsasabi ng supladong si Salvatorre.

"If you let me into your life, I will show you the true meaning of love that you're longing for forever, because only the vampire can love until eternity."

Tinitigan ni Yzabelle si Salvatorre, kung nagsisinungaling ba ito.

"I'm not lying, I'm telling the truth. I'll let you feel what I've said."

Pinatayo siya ni Salvatorre at sa isang iglap, nasa ibang lugar na sila. Isang magandang tanawin na akala mo bumaba ang mga bituin sa langit.

Marami pang ginawa si Salvatorre na ikinalubos ng ligaya ng Yzabelle. Hindi naramdam ni Yzabelle ang sakit naramdaman niya kanina. Ibang-iba ang pakiramdam niya ngayong kasama si Salvatorre. Mas magaan, buo at masaya siya.

Hanggang dinala siya sa bahay ni Salvatorre, hinayaan siya nito na mamasyal sa loob ng kanyang pamamahay. Si Yzabelle naman ay naaliw sa pamamasyal, tuwang tuwa pa ito at madaming tinanong sa lalaki.

Nang mapagod na si Yzabelle, hinatid siya sa isang kwarto at doon pinapahinga. Tumingin si Salvatorre sa bintana, malapit nang lumabas ang haring araw para magsabog ng masayang liwanag.

"Magpahinga ka na, alam mo naman siguro paano lumbas sa aking pamamahay. Tandaan mo, ito ang una at huling pagkikita natin," ani Salvatorre.

May kirot siyang naramdaman sa puso dahil sa narinig. Ito ang una at huli nilang pagkikita. Akala ba niya mahal siya nito hanggang eternity? Bakit ngayon sinabihan siyang 'di na sila pwedeng magkita?

"B-bakit hindi na tayo pwede magkikita akala ko ba mahal mo ako, akala ko ba mahalin mo ako na walang katapusan?" Maluha-luhang tanong ni Yzabelle.

Lumapit si Salvatorre sa kanya. Pinunasan ang tumulong mga luha sa mga mata niya saka dahan-dahang hinalikan ang kanyan labi.

"If you want us to be forever, I'll bite you. A bite for eternity to bind us together," wika ng bampira.

"I want to be with you forever cause I love you for a long time," sagot ni Yzabelle, hinawi ni Yzabelle ang kanyang buhok sa may leeg at lumantad ang makinis niyang leeg sa lalaki.

"Bite my neck for eternity," utos ni Yzabelle. Dahan-dahang nilapit ni Salvatorre ang bibig sa leeg ng babae. Ibinuka niya iyon at lumabas ang matulis na pangil na siyang kakagat sa leeg ni Yzabelle.

A tiny love bite, that will bind their love until eternity.

all right reserve annie vallano 

Repost Sept. 9,2020

Você leu todos os capítulos publicados.

⏰ Última atualização: Sep 09, 2020 ⏰

Adicione esta história à sua Biblioteca e seja notificado quando novos capítulos chegarem!

Bite for Eternity [ one shot]Onde histórias criam vida. Descubra agora