Hello po, First story ko po ito and sana magustuhan niyo. Hindi po ako gaano kagaling mag sulat pero susubukan ko para sainyo. Sorry kung may mga typo dyan, enjoy reading po.
******************
Nakipag siksikan sa maraming tao na tila ba hindi na makahinga sa pinag halong amoy ng usok at alak na kanyang nalalasap sa loob ng isang bar, isang bar kung saan halos lahat ng kabataan ay nasisiyahan at sumasabay sa musika. Hindi inaasahan ni Athena na ganeto ang itsura sa lugar kung nasan siya ngayon. Hindi din naman niya ito ginusto dahil napilitan lamang siyang sumama sa mga tinuri niyang kaibigan na ngayon ay tinalikuran at isinawalang bahala nalang Halos maiyak siya sa nararamdaman niya dahilan ng pagkabangga sa lalake na tinignan niya lamang at hindi na nakapag hingi ng pasensya dahil sa kanyang sitwasyon.
Si Athena ay lumaki sa bahay ampunan at hindi alam kung sino ang kanyang mga tunay na pamilya, nakapag aral ito ng high school sa tulong ng bahay ampunan kaya nang makatungtong sa edad na 16 ay naisipan niyang umalis sa bahay ampunan upang makapag trabaho at mag aral ng kolehiyo. Na ngayon ay 2nd year college sa kursong HRM, at nag tatrabaho sa isang fast food bilang isang crew. Kaya ganun na lamang siya nasaktan sa kanyang mga kaibigan dahil tinuri na rin niya itong pamilya.
Habang papaalis ito sa lugar na iyon ay napadpad siya sa likod ng bar, hanggang sa humagulgol ito ng iyak subalit napatigil siya nang may isang taong nasa harapan ngayon ay nakatingin sakanya. Isang matangkad na lalake na may makapal na kilay na ngayon ay nagkasalubong sa pag kunot neto, mala grey na mata, matangos na ilong at saktong pula ng kanyang labi. Nakasuot ng grey v-neck shirt at black pants na sinabayan ng black rubber shoes na bumagay sakanya dahil sa kaputian niya, nakapamulsa ang kanyang mga kamay na tila ba'y may gustong sabihin sakanya. Ito din ang lalakeng nakabangga niya sa loob kanina, kaya naman lakas loob din niyang tinitigan ito at hinihintay kung ano ang pakay niya at sinundan siya neto.
Ngunit sa kanyang pagtitig sa lalake ay may kung ano itong naramdaman na tila ba konektado sila sa isat-isa, na para bang parehas sila ng nararamdaman. Hindi alam ni athena kung guni guni lamang niya ito pero mas naguluhan siya ng bilang bumilis ang kanyang puso na ngayon lamang niya naramdaman. Ilang minuto ang lumipas bago ito magsalita.
"Sino ka?" Tanong ng lalake na nagbalik sakanya sa realidad at nagtaka ito ng iyon ang tanong niya.
"Ikaw sino kaba?" Balik netong tanong na puno ng pag tataka.
Ilang sandali pa ay may biglang nagsi datingan na parang nanggaling pa sa dilim ang mga ito na mas lalo niyang pinag taka, nilakasan niya lamang ang kanyang loob ng sa ganun ay maipag tanggol niya ang sarili niya sa mga ito kahit sa loob loob niya ay takot na takot na ito.
"Blake, anong meron? Bat bigla mo kaming pinatawag?" Sabi ng isang lalake na medyo maliit ito sa lalakeng nakaharap sakin na mukhang playboy sa ganyang tindig at bigla na lamang ito tumingin sa kanyang direksyon.
"Don't tell me pinatawag mo lang kami dahil sa babaeng yan? Gusto mo bang ishare ang pang gabihan mo ganun ba?" Babae naman ang nag salita at parang hindi makapaniwala at iritable sa nangyayare, makinis ito at napaka sexy na babae na hinahangaan ng mga kalalakihan at tumingin na rin ito sa kanya na mas lalong pagtataka ni Athena.
ATHENA POV
"Ishare and pang gabihan? Ako ba tinutukoy neto?" Tanong sa isip ni Athena na mas lalong nagpakaba skanya, anong gagawin nila sakin? Bat ako pa? Sa dinami raming tao sa loob bat ako pa? Dahil ba naibangga ko ito kanina kaya ganeto ang nagyare? Ang malas ko naman ngayong araw.
Napatigil ako sa pag iisip ng biglang nag salita ang taong tinawag nilang Blake na mas lalong nagilabot sakin.
"I THINK I FOUND IT" sabi neto na maypagka husky na pinaghalong lamig ng kanyang boses na hindi inalis sakin ang kanyang kakaibang mga mata. And I find it sexy. Wait? Ano ba tong pinag sasasabi ko?! Ugh!!!!
Pagkatapos neto mag salita ay wala nang nag tangkang magsalita pa kaya kinuha ko na itong pagkakataon para mag salita at tanongin kung ano ang mga pinag sasasabi nila kahit alam kong ako ang pinag uusapan ng mga ito.
"Ako ba ang pinag uusapan niyo? Dahil kung hindi ay aalis na ako" sabi ko ngunit bago pa ako maka hakbang papaalis sakanila ay biglang nag salita ang isang lalake sa likuran ng Blake na yan.
"Don't tell me siya na yan?!" Gulat na pag kakasabi neto at hindi makapaniwala sa sinabi ng Blake na yan at natataranta na kung akala mo'y may mangyayare na di maganda na mas lalo lamang ako nag taka sa mga pinag sasasabi nila.
Bat ano bang meron sakin? Alam ba nila na galing akong bahay ampunan at balak nilang ibenta katawan ko sa mga sindikato????? Naku naman hwag naman sana!
"Kung siya nga ay kelangan na natin mag ingat bago pa malaman ng iba na nahanap mo na siya" sabi ng babae at napatigil sandali sabay tingin sakin at sabay sabing "Na nahanap mo na ang iyong Mate" sa pagkakataong eto ay mas lalong lumakas ang tibok ng puso ko.
His Mate??? Anong Mate???? Anong nagyayare?????
*******************
Sana magustuhan niyo po ang chapter 1 po, comment lang po kayo if may mai suggest po kayo or mag comment lang. Thankyou for reading.
