Una sa lahat, ayoko ng pinag-uusapan ako kapag nakatalikod ako.
Ikalawa? Ayoko ng kinaaawaan ako.
Lumabas agad ako ng cr ng marinig ko ang sinabi ni Yno para hindi na humaba pa ang usapan nila, baka sumabog nalang ako bigla at maupakan ko 'tong lalaking 'to.
Hindi na sana ako magpapahatid pa pero nagpumilit si Yla na ihatid ako ni Yno kaya kasama ko siya ngayon sa bahay.
Andito kami ngayon sa sala, nakaupo sa sofa at nagmemeryenda. Kanina ko pa napapansin na nakangiti siya.
"Anong problema mo at ngiting-ngiti ka?" ako
"Wala akong problema at tsaka ang alam ko walang taong nakangiti kapag may problema haha"
"Maraming taong nakangiti kahit na may problema. Hindi lahat ng nakangiti at tumatawa ay masaya" ako
"Talaga?" siya
"Oo"
"Mga baliw ata yung tinutukoy mo" siya
"Ewan ko sayo. Sana mapunit yang bibig mo" ako
"Ang sama mo. Hahaha! Ah bomb! May naalala 'ko" sabi niya habang may kinukuha siya sa bulsa niya "ito" iniabot niya sakin ang isang libo.
"Ano yan?" Ako
"Yung isang libong ibinigay mo sakin noon. Di talaga yan akin e"
"O?" ako
"Promise! Hindi talaga akin yan"
Kinuha ko ang isang libo sa kamay niya at inilagay ito sa bulsa ko.
Nagpagutom ako, naputulan ako ng tubig at kuryente tapos may isang libo naman pala ako sa bulsa ko?! Tek yan.
"Uhm.. The bomb, nagtataka kasi ako, ano.. Asan pala ang mga kasama mo dito sa bahay?" siya
Napataas ang kanang kilay ko sa tanong niya.
Una, sinabi niyang nakakaawa ako
Ikalawa, tinawag niya akong the bomb at;
Ikatlo, itinatanong niya kung asan ang mga kasama ko sa bahay. (Ang topic na ayaw na ayaw ko sa lahat)
May idadagdag pa ba siya? Kasi nabibwisit na ako sa mga pinagsasabi niya.
"Patay na silang lahat" sagot kong ikinagulat niya.
"You mean, both of your parents are dead? Wala ka bang mga kapatid?" siya
"Patay na rin" ako
"Grabe, so—" siya
"Wala ka ba talagang gusto sakin?" ako
"Ha? Balik na naman tayo sa topic na 'to? Di ba sinabi ko sayong wala nga?" siya
Tumayo ako sa harapan niya, ibinend ko ang katawan ko para magpantay ang mga mukha namin.
"Anong—"siya
"Shhh.."
Tinignan ko siya sa mga mata bago ako pumikit, hinawakan ko ang chin niya pagkatapos ay inilapat ko ang labi ko sa labi niya.
