CHAPTER 21

128 17 4
                                    

Jaz Pov.

Parang biglang nawala ang sakit dahil sa pag uusap namin ni Glenn at hindi pala totoo yung mga narinig ko na nagkabalikan silang dalawa. Assuming din minsan ni shereen no? Buti pa ako. ASSUMING din at marupok ako diba kaya okay na kami ni Glenn at hinatid niya pa ako sa bahay ay langya kapitbahay ko pala siya malamang uuwi din siya sa kaniyang bahay. Ang boba din

Mga beshie ko masarap magkagusto sa kapitbahay mo HAHAHA kiri lang to. Pero talaga nasaktan ako sa sagot niya pero okay na bahala na basta nalaman kong hindi pala totoo yung mga sinasabi nong pusit na yun.

Papasok na ako sa bahay nang may nakita akong box sa tapat nang pinto namin.

" Ano to? Gift? Wala namang may birthday sa amin ha?"

Kinuha ko ito at pumasok sa bahay. Pagkapasok ko sa kwarto nilock ko ang pinto para walang makatapos dito. Bubuksan ko sana ang box na kulay rainbow ngunit may nahulog na papel?

" Ano naman to?" Binasa ko ang nakalagay wow! Ang sweet ha?

" Smile before you open! " With matching heart heart pa! Kaloka kanino kaya galing to? Binuksan ko na at nagulat ako sa nakita ko

.

.

.

.

.

.

" WHAAAAA!!!!!!!!! SHIT!! WHAT IS THIS!! " Napasigaw ako bigla dahil hindi ko inaasahan na ito ang laman nang box! Para akong nasusuka na ewan.

Isang tatlong pugot na ulo sa pusa!! Tumutulo ang aking luha dahil sa awa at galit. Naaawa ako sa pusa!! Inosente sila!! Demonyo talaga gumawa nito!! Walang awa!!! Nanginginig talaga ang aking kamay dahil don. May napansin din akong letter kaya binuksa ko ito.

Leave Glenn or something will happen. Think before you click my dear.

Leave Glenn? Ayaw ko!! Pero baka may mangyari sa kaniya kong hindi ko susundin ang nakasulat at baka matulad si Glenn sa pusa. Huhu ayaw kooo!!!

Mula nong nakatanggap ako nang box ay sunod sunod na ang natanggap ko katulad non at may nag tetext din sa akin katulad nong nasa letter. Takot na takot ako kung ano na naman ang susunod!!! Baka ulo na ni Glenn ang nasa box.. wag naman huhu

1 week ang lumipas simula nong nakatanggap ako nang box kaya para akong baliw dito dahil ayaw kong lumabas sa bahay. This Monday na pala ang laro namin pero miisa hindi pa ako nakapag practice. Hayst!! Bahala na.

Sasabak ako sa laro kahit walang practice!!

Saturday pala ngayon at sabi ni Glenn pupunta daw siya dito sa bahay mag dadate daw kami!!

Charot lang hayst assuming ko talaga

Hinihintay ko lang si Glenn ngayon kasi nga pupunta daw siya dito kaya nagluto nadin ako para sa lunch namin.

Ayun! Perfect

Adobo ✓
Chicken curry ✓
Chocolate cake ✓
Fruit salad ✓
Rice ✓

Done na lahat

" Sure ka ate chanak pupunta si Kuya Glenn dito?" Tanong nito sa akin habang tinutulongan akong mag lagay sa table. Ay oo nga pala sinabi ko na din sa kaniya yung nangyari kaya ayun buto na ulit siya kay glenn.

" Oo nag text nadin ako sa kaniya" sabi niya diba pupunta siya kaya mag hihintay nalang kami dito 11:57Am pa kasi may 12 pa kaya tiis muna.

" Okims sabi mo e"

Yun palang nakitang babae ni Mama nandito siya kaso hindi pa nagigising pero sabi naman ng private Doctor namin ay magigising din siya kailangan niya lang ng pahinga. Para nga siyang si Sleeping beauty dahil maganda din ito.

Napatingin naman ako sa relo ko. 12:51 na pero walang Glenn ang dumating tapos si mama din may inaasikaso kaya wala siya dito.

"Cause it's 12:51~" napatingin naman ako sa kapatid kong chanak na kumakanta ngayon! Parang nagpaparinig pa ito sa akin ha?! Langya siya huhu hindi ba dadating si Glenn? Ganon nalang? Akala ko pa naman ay okay na kami.

" Kain na tayo ate gutom na akooo" sabay hawak sa kaniyang tiyan. Gutom na din ako pero ayaw ko munang kumain baka dumating si Glenn ngayon.

Text
Tawag
Text
Tawag

Paulit ulit kong ginawa pero hindi naman sumasagot.

" Sige kumain ka nalang diyan chanak pero wag mong uubusin ha?" Ayaw ko munang kumain kasi hihintayin ko siya

" Yez!! Gutom na gutom na talaga ako ate chanak " Ang takaw talaga nito kahit kailan hayst hindi naman tumataba.

Tumango nalang ako sa kaniya at nagpatuloy sa pagtext kay Glenn pero wala talagang reply kaya napagisipan ko na puntahan siya sa kanilang bahay. Baka wala siyang load at nakalimutan niyang pupunta siya dito sa bahay.

Nag doorbell na ako sa labas kaso walang nagbubukas nang pinto pero hindi naman ito naka lock kaya hmm.. papasok nalang kaya ako? Kilala naman nila ako dito at tsaka hindi naman ako magnanakaw.

Saan kaya siya? Open naman yung pinto kaya pumasok nalang din ako sa luob. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad habang hinahanap siya kaso parang may narinig ako sa likuran nang kanilang bahay.

Habang nakatingin sa kanila na masayang naguusap ay parang hindi ako makahinga sa subrang sakit.

Kaya pala hindi siya pumunta sa bahay dahil may kasama pala siya ngayon at parang masaya naman siya kaya aalis nalang ako hehe. Gusto niyong malaman sino? Edi yung Shereen! Grabi kong makakapit kay Glenn! Parang higad bhes!

Baka nga ito na yung sign na lalayo ako sa kaniya hehe ako lang naman kasi yung nagpumilit diba? Hayst okay lang ako. Nakikita ko namang masaya siya kaya okay na yun sa akin.

Gusto kong lumayo para naman hindi ko makita ang kaniyang mukha. Sana naman makamove on ako HAHA ay wala palang kami hayst! Ang duga naman.

" San ka pupunta ate?" Nasa bahay na pala ako ngayon. Sayang yung effort ko nagluto pa ako para sa kaniya.

" Pupunta ako ngayon sa Banbanan. "

" Ah sama ako atee" tong chanak nato parang buntot

" Dito ka lang, bukas lang ako uuwi at kung may maghahanap ha wag mong sabihin kong saan ako" baka hanapin ako ni Glenn pero malabong hanapin niya ako.

" Ang assuming mo naman te HAHA walang maghahanap sayo" batukan ko kaya to? Real talk talaga no?

" Che! "

Ngayon ay nagmamaniho ako papuntang Dapitan tapos may binili din akong mga pagkain. Gusto kong tumaba ngayon. Pagkatapos ay papunta na ako sa banbanan kung saan ay soon nakatira ang aking Lola. Ang ganda kaya don tapos walang signal kaya naman napili ko sa banbanan para walang isturbo sa akin don.

Gabi nang makarating ako sa bahay ng aking Lola.

" Good evening po Lola" sabay mano sa kaniya.

" Oy apo napadalaw ka?"

" Wala lang po Lola hehe uuwi din naman ako bukas nang hapon. Nandito ba mga pinsan ko lola?" Namiss ko sila dito kasi matagal na nong pumunta ako dito.

" Oo pasok ka apo"

Ay wow complete sila ngayon ha? Anong meron?

" Oyy jazz!! "

" Woy jazz walang jowa" wow kala mo may jowa?

" Ikaw din walang jowa" HAHAHA

" Oy ikaw lang walang jowa dito ngayon" wow?

" HAHAHAHAHA"

" HHAAHAH"

Ayun nga pinagtutulongan na naman nila ako ngayon mga walang awa!! Edi sila na may jowa huhu maghihiwalay din naman.

Sina Kenji, Yori, Micheal at trisha mga pinsan ko yan bibinta ko na kapos ako ngayon.

_______________

LOVE WITHOUT LABEL (Orchid Series #1) COMPLETEDWhere stories live. Discover now