CHAPTER 10

149 25 0
                                    

Jaz Pov.

Wala namang masyadong nangyari kanina sa lunch time namin. Same padin na sabay kaming kumaing apat. Nandito ako ngayon sa labas nang room na mag isa at nakatingin lang sa mga Vincentian na nasa group floor na sumakay sa mga rides. Wala nga pala ang tatlo dahil may emergency daw ito kaya ako nalang mag isa dito kasi ang mga classmates ko ay nasa carnaval.

Biglang may tumabi sa akin si kyle. Buti at nandito siya kaya hindi ako lonely ngayon HAHAHA

" Hi Jaz. " Pagbati nito sa akin sabay ngiti. Smile back din ginawa ko yung mala wave back HAHAAH charot.

" Hello kyle. Bakit ka nandito? Hindi kaba sasakay sa mga rides?" Tanong ko sa kaniya.

" Ha? Hindi na wala naman akong kasama " sabay tawa nito. Anong nakakatawa? Hayst

" Ahh.." wala na akong ibang masabi kaya ahh nalang.

" Hm.. I can ask a question jaz?" Nag tatanong na naman siya diba haha

" Oum ano yun?"

" Are you in a relationship with Glenn?"

Nagulat ako sa tanong niya kasi bakit yun pa? Pwede naman yung " tumae kana jaz?" Bakit yun pa? Hindi ko talaga magawang sumagot kasi naiisip ko na walang kami. Charchar lang ata ang lahat parang " Chinarot pero hindi jinowa "

" Walang kami hehe" ayun nasabi ko din, mahirap man isipin na ang sweet niya sa akin pero walang kami HAHA

" Weh? Ang sweet niyo nga. Kanina din nakita ko haha" hayst oo nga ang sweet niya.

" Ah.. oo.. basta walang kami.."

" Alam kong nasasaktan ka. Pero mag ingat ka sa kaniya jaz" Sabi nito sabay alis at naglakad papasok sa room.

Ano kayang ibig niyang sabihin? Bakit naman ako mag iingat kay Glenn? Aswang ba siya? Kumain ba siya nang dyosa? Hala!! Baka vampire siya!! Bakit hindi ko yun naisip?

Seryoso akong nakatingin sa kawalan, iniisip ko kung bakit iyon nasabi ni Kyle sa akin. Sasaktan ba niya ako? Ewan pero alam ko na happiness to pain.

Yan kasi sa una magiging masaya ka muna hanggang sa hindi mo namalayan na nasasaktan kana pala.

Di joke lang wala lang akong jowa kaya hugot muna pag may time!

Bakit ang tagal nila? Malapit na mag 5pm pero hindi parin sila bumabalik. Hayst hindi kaya ako excited sa date namin ha baka isipin niyo. Joke lang.

Wala padin sila pero may nag text sa akin na unregister number.

" meet me in boulevard light tower. 5:30pm "

Iyan yung nasa text. Sino naman kaya to? Si Glenn kaya? Wala na kasing ibang nakakaalam nang number ko, baka nga siya ito.

Naghintay ako nang sasakyan dito sa labas nang school, ilang minuto ay nakasakay na ako at sinabi kay manong driver kong saan ako pupunta.

Nandito na kami sa boulevard. Grabe walang pinagbago ang lugar na ito. Mas lalong gumada ito kisa nong dati at mas lalong dumami ang mga namamasyal dito sa boulevard. Nasa basketball court na kami at patuloy parin hanggang sa malapit na kami sa light tower na ito ay nasa pinakadulo.

Bumaba ako at nagbigay nang bayad kay manong driver. Ang ganda pala talaga dito! First time kong nakapunta dito kasi hindi naman ako pinapayagan ni mama na sumasama sa aking mga barkada.

Naglakad ako patungo sa luob nang light tower. Nakita ko si manong guard at nag hello ako sa kaniya. May hagdan ito na paikot ikot kaya para akong nababaliw charot! Parang sumasakit na ang ulo ko dahil sa langyang hagdan na ito!.

Malapit na ako sa 3rd floor nang nadinig ko ang dalawang taong tumatawa. Isang babae at lalaki. Hindi ko alam pero parang may kutob ako na si Glenn yung lalaki, pero sana hindi, sana mali ang aking kutob.

Hanggang sa nandito na ako sa 3rd floor, nakatalikod si Glenn. Oo si Glenn yun! Shyt! Parang sumasakit ang aking dibdib dahil sa nakita ko na bigla niyang hinalikan ang magandang babae na parang model.

Shit! Habang nakatayo ako dito at tumutulo na ang aking mga luha dahil diyan sa nakita ko. Shyt! Ang sakit! Bakit nasasaktan ako? Oo Mahal ko siya! Pero wala akong karapatan dahil wala namang kami diba? Pero grabe ang sakit. Napatingin ang babae sa akin pero akala ko na magugulat siya pero parang natutuwa ito nang makita niya ako. Tatalikod na sana ako pero..

" Jaz? Bakit ka nandito? " Nakita ako ni Anthony na galing pa ata ito sa taas at kasama niyo si Jv na dala dala ang kaniyang libro.

Napatingin ako sa kaniya at ngumiti nang mapait. Hindi ko alam kong anong gagawin ko pero ang nasa isipan ko ay aalis dito!

"Jaz?.." si Glenn yan. Pisti! Dahil sa sweet niya kaya nahulog ako sa kaniya! At ako naman si tanga na hindi alam na may girlfriend pala ito. Shyt ang sakit..

Hindi ako lumingon sa kaniya at daling dali umalis sa lugar na iyon. Ayaw ko siyang makita!

" Wait.. jaz.. let me explain.." mahinang sabi nito sa akin hanggang hinawakan ang aking kamay para pigilang umalis. Tinignan ko nalang siya na parang walang nangyari.

" Ha? Bakit naman? Wala namang tayo diba? Hehe" pilit kong tumawa pero hindi ko talaga kaya at tumakbo ako pababa nang hagdan. Shyt! Hindi man lang siya ako sinundan? Hayst oo nga pala hehe nakalimutan ko pala na wala akong karapatan na mag selos pero may karapatan akong masaktan! Puta sila!

Sabi niya pa na magkita daw kami sa light Tower para lang non? Galing niya ha? Ako naman tong si tanga na hindi mapigilan ang pagtulo nang aking mga luha.

Kanina palang ay masaya kami sa subrang saya ay hindi ko akalaing aabot sa ganito. May jowa na pala ang puta! Putangina siya! Huhu..

Napatingin naman ako sa necklace na binigay niya sa akin kanina..

" Bakit mo pa ako binigyan nito?.."

" Bakit pa nagbigay ka nang mutibo.."

" Bakit? Ginawa mo akong laruan.."

Iyak na iyak kong sabi sa aking sarili. Madami akong tanong pero hindi ko alam Kong paano sagutin ito. Nandito lang ako nakaupo sa semento na pwede umupo at nakaharap sa dagat, walang masyadong tao dito dahil nasa stage ko malapit.

Hayst.. bakit niya nga nagawa sa akin to? Hindi talaga humihinto ang aking mga luha sa pagpatak. Alam mo niyong nakuha niya first kiss ko at ang sweet niya pa sa akin pero.. pinaglaroan niya lang pala ako hehe.. masakit besh. Subrang sakit.. nong nakita kong naghahalikan sila.. shit! Pati sipon ko tumutulo na. Wala pa naman akong panyo para punasan ang aking sipon ngayon hayst. Ang malas..

Ito ba ang sinasabi ni Kyle na mag ingat ako sa kaniya? Ito ba? Kung ito nga pakyu sila! Pakyu sagad sa bato!! Ang sakit besh!! Letche!!

May biglang nag text sa akin. Sino naman kaya ito? Puta pag siya na naman! Nakakagago lang.

" Jaz? Saan ka ngayon? Gala tayo dali... Libre ko "

" Jaz.. mas gusto akong e share sa iyo"

" Jaz.. ang sakit"

" Jaz.. wala akong ibang malapitan"

Hala? Si Charles ito best friend ko nong nasa public school ako. Haydt. Na miss ko siya hayst same pala kami nang nararandaman ngayon kaya sige sasama ako sa kaniya. Tinawagan ko ito at tinanong niya kung saan ako para masundo niya ako.

" Ey jaz hehe" Alam kong fake ang pagtawa niya kaya ngumiti nalang ako sa kaniya at sumakay sa motor niya.

_________________

LOVE WITHOUT LABEL (Orchid Series #1) COMPLETEDWhere stories live. Discover now