Lahat kami ay nagulat nang mag-announce si Mrs. Dacer ng surprise quiz. Aligaga ang lahat sa paghagilap ng quarter paper.

"Penge papel."

"May extra ka pa d'yan?"

"Hati tayo." Nakangisi na kinalabit ako ni Aries nang makitang naglabas ako ng lengthwise paper. Dahil quarter paper lang ang kailangan kaya naman hindi na ako nagdamot.

"Alexa, penge ako pulbo." Pigilan ko ang pag-ikot ng mga mata nang marinig ang tinig ni Emmalyn. Malapit na kasing mag-uwian kaya kailangan nang mag-retouch.

"Huy, penge ako pulbo," pangungulit niya nang makitang hindi ako kumikilos. Hindi ko napigilan ang paghaba ng nguso. Okay lang sana kung siya lang ang gagamit subalit ang kakawang pulbo ko ay pinagpasa-pasahan ng ibat-ibang kamay. Imbes na maging personal na gamit ay naging pulbo na iyon ng buong klase.

Pagkatapos ng klase, hindi lang excited ang lahat para umuwi kundi para kumain din ng mga tindang streetfood sa labas ng eskuwelahan. Nagmamadali na hinila ko si Emmalyn para bumili ng paborito kong gulaman ni Manang.

"Kain tayo fishball," yaya ni Emmalyn sa akin ngunit agad akong tumanggi.

"Ikaw na lang. Diet ako."

"Diet ka d'yan. Kung ayaw mo ako lang ang bibili!" Basta na lamang niya akong iniwanan at tinungo ang kinaroroonan ng fishball cart.

Bigla akong napalingon nang maramdaman kong may kumakalabit sa aking likuran. Hindi na ako nagulat nang makita si Anthony. As usual kasama na naman niya si Randy na palagi na lang walang imik.

"Alexa, penge piso."

"May pinatago ka?" Masungit kong tugon. Araw-araw na lang kasi ay nanghihingi siya sa akin.

"Sige na. Kulang ng piso ang pambili ko ng gulaman."

Hindi ko rin natiis si Anthony at inaabutan ko siya ng piso.

"Ako rin. Pengeng piso."

Agad na umangat ang kilay ko nang marinig ang tinig ni Randy. Ito yata ang unang pagkakataon na kinausap niya ako. Gusto ko sanang magsungit sa kanya subalit bigla akong nag-alinlangan. At sa halip ay walang kibo na dumukot ako sa bulsa ng aking palda at inabot ang piso sa nakalahad na palad ni Randy.

"Tara na!" Yaya nito kay Anthony at nagmamadaling umalis. Hindi man lang nagpasalamat sa akin.

Nang sumunod na araw ay muli akong nilapitan ni Randy para hingan ako ng piso. This time hindi na niya kasama si Anthony. Dahil oras ng recess, palabas na kami noon ni Emmalyn ng canteen nang makasabulong namin si Randy.

"Pengeng piso," matipid nitong sabi sabay lahad ng palad sa akin. Dahil ayoko ng kinukulit kaya naman agad ko siyang binigyan. Pagkatanggap ng piso ay agad kaming tinalikuran ni Randy sabay alis.

"Salamat ha!" Pahabol kong sigaw. Asa pa ako na maririnig ko iyon mula sa kanya.

Nasundan pa ng nasundan ang paghingi sa akin ng piso ni Randy. Hanggang sa nakasanayan ko na. Wala eh, utu-uto ako! Ewan ko ba kung bakit tila natutuwa pa ako sa tuwing mangungulit siya sa akin.

"Baka may crush sa'yo si Randy," komento minsan ni Emmalyn.

"Hindi naman siguro." Mabilis kong kontra. But deep inside ay hindi ko napigilan kiligin.

Nang mga sumunod na araw ay hindi lang piso ang kinukulit sa akin ni Randy, nanghihingi na rin siya ng papel, candy at pati pulbo sa akin pagtataka. Iyon pala nauso sa mga lalaki ang pagpupulbo lalo sa may mga oily face. Hindi lang naman siya nakita kong naglalagay ng pulbo kundi pati na rin ang iba ko pang kaklase na lalaki.

Short Story CollectionsWhere stories live. Discover now