"Namimiss mo ba siya?" bigla niyang tanong habang nakatitig sa kawalan.

Umawang ang labi ko, hindi mahagilap ang tamang salitang sasabihin kaya naman matagal ako bago nakasagot at kapagkuwan ay mapait akong ngumiti.

"Oo naman,"

Sobra.

"Gusto mo siyang makita?"

I weakly nodded my head in response. "Gustong-gusto pero-"

"Tutulungan kita. . ." pagputol niya sa sinasabi ko.

Napatanga ako sa kaniya at naguguluhang tumitig. Anong iniisip niya? Imposible 'yon! Hindi sapat ang pera ko para makalipad patungong ibang bansa! Sa mga bill pa lamang namin sa apartment at sa ibang bayarin ay hindi na sumasapat pa. Kaya nga kahit gusto kong iakyat sa korte iyon at kampanteng mananalo ako ay hindi ko magawa.

Hindi ko magawa kasi wala akong pera.

"Pagsasamahin natin ang inipon nating pera, Rose. Magtatayo tayo ng negosyo. Mag iinvest tayo. Para saan pa ang mga alam natin sa business kung hindi naman natin gagamitin?" Her forehead creased as she continued to pursue me with her plans. "Kahit ano gagawin natin mabawi lang natin ang-"

Hindi ko na pinatapos pa ang sinasabi niya at agad siyang dinampa ng yakap. Walang pagsidlan ang sayang nararamdaman ko dahil sa sinabi niya. Tila ba sa tinagal-tagal ko sa dilim ay ngayon lamang ako nakakita ng liwanag.

Batid kong hindi pa gano'n kalaki ang naipon naming dalawa dahil katatapos pa lamang namin ng kolehiyo. So I was thinking that I will borrow money from lending companies or find some investors for our coffee shop. Kahit ano. I would do anything just to get him back. Desperada na kung desperada pero gagawin ko ang lahat.

Hindi naman ako nagsisi dahil naging maayos ang lahat at matagumpay naming naitayo ang negosyo. Lumipas pa ang dalawang taon at naging maayos naman ang Blue Rose Café. Ako ang madalas magbantay roon dahil bukod sa Café ay mayroon pang isang trabaho si Bluie.

"Good morning Si―Luke?"

Gulat na gulat ako ng bumungad sa akin ang lalaking ilang taon ko nang hindi nakita. Eventually, my vision became blurry when our gaze met. Suminghot ako at nanginginig ang mga kamay na tinanggal ang suot

kong apron. Kahit nagwawala ang sistema ko na sinabayan pa ng panginginig ng tuhod ay nagawa ko pa ring kausapin ang isang empleyado at inutusan siyang asikasuhin ang iba pang customers.

Lumakad ako patungo sa pinakadulong bahagi ng Café. Nanginginig ang mga tuhod ko na sinabayan pa ng panlalamig ng mga kamay. Umupo kami sa pang-dalawang table, malayo sa mga tao at siguradong walang makakarinig sa amin.

Nag-uumapaw ang puso ko sa samu't saring emosyon, ngunit handa akong tapangan ang aking loob. Matagal kong hinintay ang pagkakataong ito na bumalik siya at makaharap ko.

He became more mature now, huh? Ang singkit niyang mga mata, makapal na kilay, matangos na ilong at mapupulang―tangina, bakit ko ba pinupuri ang gagong ito?

Tapos na ako sa kalandian at pagkabaliw ko rito. Tapos na ako sa mga araw na nagbulag-bulagan ako.. Hindi ito ang tamang panahon para purihin ang mga katangiang sa kaniya'y nagbago. Sabihin na nating gwapo siya pero hindi no'n matatakpan ang katotohanan na isa siyang malaking gago.

Gago siya at ginago niya ako.

Nang makita siyang muli ay tila isang malaking dagok sa akin. Muling bumuhos ang mga masasakit na alaala sa isip ko. Naninikip ang dibdib ko kasabay ng panginginig ng aking mga kamay at kalamnan. Itinago ko ang lahat ng iyon sa pamamagitan ng isang tikhim.

My face remained stoic as I arched my brows at him.

"Kailan ka pa bumalik?"

He was looking at me, longing and sadness was evident in his eyes. Gusto kong mahabag sa kaniya ngunit pasensyahan na lang dahil hindi na ako iyong dating Rose na mabilis bumigay at mauto. I know him very well since from the very start. Baka mamaya ay ginagamit lamang niya ito para makuha na naman ang gusto niya.

He was good at manipulating people. . . just like his most beloved woman.

"Last night. I still don't have enough sleep pero hindi na ako makapaghintay na makita ka. . ."

I laughed sarcastically and shook my head. "Ano na namang drama mo, Luke? Ilang taon kang nawala at isinama mo pa ang anak ko―"

"Anak natin, Rose," he corrected me.

I clenched my fist as I threw a dagger look at him.

Yes, anak natin! Anak natin so ibig sabihin pareho tayong may karapatan sa bata pero anong ginawa mo? Sinira mo ang tiwala ko at tinanggalan mo 'ko ng karapatan bilang isang ina.

"Ibalik mo na lang siya sa akin, Luke. Gustong gusto ko na siyang makita at makasama. Y-You don't know what I've been through. . ."

"Hindi ko siya ibabalik sa 'yo, Rose. . ." he uttered with finality, "Kung gusto mo, ikaw ang sumama sa akin. Magsimula tayo ulit." Sinubukan niyang hawakan ang kamay ko pero mabilis kong tinabig iyon.

"Hinding hindi ko 'yan gagawin. Gago ka talaga 'no?! Ibalik mo sa akin ang anak ko! Wala kang puso!"

"I told you." He flashed an arrogant smirk. "Kung gusto mo siyang makasama, sumama ka sa akin. You're still my liability after all."

Nanigas ako sa kinatatayuan kasabay ng pagbalatay ng gulat sa aking mukha. Matinding sakit ang gumuhit sa dibdib ko dahil sa katagang binitawan niya. Tila ba na-blangko ang aking utak at kahit anong pilit na ibuka ang bibig ay walang lumalabas na salita.

So all this time. . . gano'n lang pala ang tingin niya sa akin?

Wala sa sarili akong tumawa nang pagak at dahan-dahang tumango. "Yeah ano pa nga bang aasahan ko sa'yo, Luke? You never loved me and you just see me as your liability. . . just your liability."

I wiped my tears and stood up. He shouldn't see me crying like this. He shouldn't see me being weak because he'll use this weakness against me.

Damn you, Luke! Gagawin ko ang lahat para lamang makuha siyang muli at simula ngayon, para sa akin ay isa ka na lamang malaking pagkakamali.

Just Your Liability (Accounting Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon