CHAPTER 2

2 0 0
                                    

CHAPTER 2

Present Time...

"Ang haggard ng hitsura mo 'ha?"

"Hangover," walang ka-ene-energy kong sagot kay Coleen—officemate ko. Lasing na lasing ako kagabi at sobrang aga ko pang pumasok sa opisina. Gusto ko sanang mag-absent kaso iniisip ko palang na lalong matatambakan ako ng trabaho kapag nag-absent ako, mas lalo akong nawawalan ng energy kaya kahit hirap na hirap at nahihilo pa ako kaninang umaga, wala akong choice kung hindi bumangon.

"Sino naman kasing nagsabi sa 'yo na maglasing ka kagabi, may pasok tayo ngayon."

"'Yung mga kaibigan ko kasi nag-aya," sagot ko naman.

"Pwede namang tumanggi unless nandoon 'yung jowa mo," ani niya.

Umirap ako. "Hindi ko nga jowa 'yun!" depensa ko.

Wala akong masiyadong kaibigan o ka-close na officemate ko. Halos si Coleen lang ang kasa-kasama ko sa opisina at alam niya rin kung ano ang relasyon namin ni Jordan. Alam niya 'yung estado namin na 'walang label'.

"E 'di jowain mo! Ikaw naman ata kasi 'yung may ayaw."

"Gurl, gustong-gusto ko. Ako pa ba? Papayag ba ako na tumagal ng halos isang taon na 'tong walang label na relasyon namin kung hindi ko siya gusto? Choosy ba pa ako?"

Frustration—yan ang nararamdaman ko. Totoo naman. Ako ang unang nahulog, ako ang unang nagkagusto sa kanya. Simula noong halikan niya ako sa bar, iba na ang tingin ko sa kanya. Hindi ko man pinahalata, umiwas pa rin ako sa kanya. At simula rin nang gabing halikan niya ako, hindi na namin napag-usapan 'yun. Ano ba kami? Bakit niya ginawa 'yun? Oo sinabi niyang gusto niya ako pero lasing siya noon, hindi ko alam kung totoo ba o hindi na gusto niya ako. Umabot ng halos isang taon pero ni minsan hindi ko pa ulit narinig na sabihin niyang gusto niya ako—o mahal niya ako.

"So, hinahayaan mo nalang na magpatuloy 'yang no label relationship niyo kasi—"

"Kasi gusto ko siya. No! Mahal ko na nga siya e. Hulog na hulog na ako!"

"Iyon naman pala bakit hindi mo sabihin?"

Ayaw ko! Ayaw ko kasi natatakot ako. Paano kung hindi naman niya ako mahal? Paano kung gusto niya lang 'tong ganitong set-up pero wala naman siyang balak na seryosohin 'to? Paano kung sasabihin ko sa kanyang mahal ko na siya tapos umiwas siya? Masasaktan ako lalo.

"Alam mo Kate, kung ano man 'yang iniisip mo, mas mabuti na habang maaga—I mean hindi na maaga kasi mag-one year na pero hangga't hindi ka pa tuluyang hulog na hulog sa kanya, tapusin mo na 'yan. Linawin mo na. Less pain. Isipin mo naman 'yung sarili mo," ani ni Coleen at bumalik na sa cubicle niya. Saktong 8am na rin at nagsimula na kaming magtrabaho.

Buong araw itinuon ko ang atensyon ko sa trabaho. Iniwas ko ang issue sa aming dalawa ni Jordan dahil ayokong ma-distract ako at hindi matapos ang trabaho ko. At isa pa, ayoko lang isipin dahil 'yung fact palang na hindi niya ako mahal, ang sakit sakit na.

Saktong alas-singko na ng hapon nang makatanggap ako ng text message galing kay Jordan. Susunduhin niya raw aka at sabay raw kaming mag dinner. May parte sa utak ko na tumanggi pero mas malaki yung kagustuhan ko na sumama sa kanya. Mahal ko na nga kasi!

"Hindi ka pa uuwi?" tanong sa akin ni Coleen. 5:15pm na pero nasa opisina pa rin siya dahil hinihintay niya rin na mag-out 'yung boyfriend niya.

UNEXPECTEDWhere stories live. Discover now