A notification popped up from my phone, and it came from my Facebook account.
I immediately opened it, and guess what I just saw? Ace accepted my friend request!
Napatalon-talon ako sa kama ko at ang sobrang saya ko nang makita ko iyon. Imagine, my crush just accepted it! My long-time crush! Oh my God!
I'm Keana, a girl who admired Ace for seven years since grade school. Siya lang talaga ang una kong naging crush, at hanggang ngayon ay siya pa rin. Ewan ko, napaka-loyal ko sa kaniya e kahit 'di niya ako napapansin.
I mean, hindi naman talaga literal na hindi niya ako napapansin. Actually, noong grade five pa kami, grabe, halos magpaka-maid ako sa kaniya no'n at sa mga tropa niya para umani ng ganda points.
Araw-araw kong binubutasan ang alkansiya ko para malibre siya at 'yong mga kaibigan niya. Hindi naman ako nagsisi noon kasi nga pinupuri ako ng mga kaibigan niya. Pero ngayon? Grabe, labis na ang pagsisisi ko kung ba't ginawa ang mga iyon.
I'm literally cringing as hell right now.
Pero, let's just leave those cringy memories behind. What's important right now ay ang pag-accept niya sa akin sa Facebook. Hindi na kasi kami magka-schoolmate ni Ace, nasa ibang private school na siya ngayon, I mean, it's an academy.
It's 8 PM right now, so tamang-tama, sigurado akong nakahiga nalang siya ngayon sa higaan niya. A right time to confess! Wish me luck, guys.
Huminga ako nang malalim, at halos magdasal na sa lahat ng santo'ng puwede kong pagdasalan. Nawa'y bigyan nila ako ng lakas na loob na i-confess ang lahat at tanggapin ang kung anumang magiging consequences ng gagawin ko ngayong gabi.
I pressed his name at nakita kong may green dot sa tabi ng profile niya, so it means, online siya. Great!
Nginig-nginig kong ini-type ang message ko, but I was able to send it properly. With a clean typings to make it look sincere, since, sincere naman talaga ako.
Keana: Uhm, hi! I really have something important to tell to you.
Ace: what is it, hello.
Oh my God! Nag-reply siya!
This is it, Keana, kaya mo 'to!
Keana: Huwag ka sanang mabibigla. Crush kita, Ace. Matagal na, since grade school, hanggang ngayon.
Pinagpapawisan ako rito kahit naka-aircon naman ang kuwarto ko. Nagtagal ng ilan pang mga minuto at wala pa siyang nagiging reply. Ire-remove ko nalang sana ang mensaheng iyon pero na-seen na niya pala, at ngayon ay typing na.
Kinakabahan ako sa magiging reaksyon niya. Pero handa naman akong tanggapin ang kahit anong magiging reply niya.
My phone popped again, and it's a messenger notification.
I nervously opened it. Pero bumagsak ang mga balikat ko sa nabasa ko. Lalo na no'ng tinawag niya ako ng 'miss', na para bang hindi niya ako nakilala.
Ace: i am sorry miss, but i cant like you back or should i say, never will i. : ).
Again, he just called me 'miss'. Para bang wala man lang kaming pinagsamahan, ah? Ang sakit no'n oy.
I just sent an 'it's okay' sticker to him, and logged out.
I had feelings for him, seven years, hindi biro 'yon. Habol lang ako nang habol sa kaniya, na halos nagmumukha na akong tanga.
I guess, that's it. Masakit pala na ma-reject, ano?
Ayan, umasa kasi.
Kung alam ko lang na ganiyan pala, e'di sana, hindi na ako nagkagusto. Never na akong magkakagusto.
YOU ARE READING
"Rejected" (One Shot)
Non-FictionKeana had a crush on ace for 7 years,ano kayang kakalabasan nung umamin sya kay ace?
