PROLOGUE:

20 3 0
                                        

Kumaripas ng takbo ang isang dalaga habang tinatahak nito ang kahabaan ng masukal na kagubatan. Hindi nito alintana ang napakadilim na daan na kanyang tinatakbuhan.

Samantala, nasa mga sampung kalalakihan na may dalang gasera ang patuloy na naghahanap sa kanya.

Napahinto ang dalaga habang hingal na hingal. Napahawak sya sa kanyang tuhod at pilit na hinahabol ang kanyang hininga. Halos matumba naman sya ng marinig ang boses ng isa sa lalaking humahabol sakanya.

" Mga kasama narito siya! "

Agad tumalikod ang dalaga saka nagsimulang tumakbo ulit. Napahinto siya ng makitang wala na syang matatakbuhan pa. Nasa isang malalim na bangin sya na ang dulo ay isang ilog na siyang nakakonekta sa karagatan.

Sa paglingon niya ulit sa humahabol saknya, halos mawalan sya ng lakas ng makitang pinapaligiran na sya ng mga lalaking naka bandana.

"Please maawa kayo. W-wala po akong ginawang masama sainyo. Saka baka naman nagsho-shooting Lang kayo. Huhu Mali po kayo ng hinahabol hindi Po ako artista" pagmamakaawa ng dalaga habang unti-unting napapaatras. Napansin rin Niya na halos lahat ng lalaki ay naka kamiso de tsino.

" Wag ka ng magkaila pa binibini. Mga kasama HULIHIN nio sya!"

Naalarma naman ang dalaga sa sigaw ng lalaki kayat nagsalita muli sya " S-sige ! Lumapit kayo kundi tatalon ako rito" sabay turo sa bangin. Nanginginig man ngunit pilit parin niyang inihahakbang paatras ang kanyang mga paa. At isang hakbang nalang ay malalaglag na sya.

" HAHAHA! Ang tapang mo. Edi sige tumalon ka at tingnan nalang natin kung san aabot yang katapangan mo binibining Tanya HAHAHA" malakas na sigaw ng lalaki sabay hugot ng baril sa kanyang tagiliran. Kinalabit niya ito saka pinaputok na agad ring tumama sa tagiliran ng dalaga. Dahil sa lakas ng epekto ng bala ng baril , nawalan ng balanse ang duguang dalaga na sanhi ng kanyang pagkahulog sa bangin.

" Tayo na. Tiyak na matutuwa dito ang señorita." Utos ng kanilang lider saka sila nagsi-alisan.

Samantala, ang dalaga ay dire-diretsong nahulog sa ilog. Kumikirot man ang sugat sa tagiliran ngunit pinipilit parin niya ang sarili sa paglangoy. Ngunit sa kasamaang palad hindi na niya nakayanan. Pilit niyang iminumulat ang kanyang mga mata ngunit may napakalakas na sinag ng liwanag ang syang tumatama sakanya. Lumalakas ito at para bang bumabalot ang liwanag sa katawan niya. Bago paman nia maipikit ng tuluyan ang kanyang mga  mata ay may naaninag sya na isang taong pilit na lumalangoy patungo sakanya.

" Lo siento "

💛💛💛

Right Time, Right Moment (On-going)Stories to obsess over. Discover now