PROLOGUE:

14 2 0
                                        

" Waaaah! " Napatakip ako sa dibdib ko ng may bigla bigla nalang sumulpot na lalaki sa harapan ko. Buti nalang naka tuwalya na ako. Ang walang hiya nakatulala parin habang nakatingin sakin. Dali dali kong ibinato sakanya yung bottle ng shampoo, sabon , at brush na saktong tumama sa kanya.

" A-aray ko! " sigaw niya saka napasapo sa kanyang noo ng dumapo rito yung Bottle na ibinato ko.

"Stop it. A-aray!" pagdaing Niya habang sinasalo yung inihahagis ko patungo sakanya. Abot sa nahahawakan ko ay ibinabato ko.

Dumampot ulit ako ng bagay sa may side ko saka binato sakanya. Nanlaki yung mata ko Ng masalo Niya Yung bra ko.

HALA! YUNG BRA KO!

"Akin na nga yan!"

Nakakahiya, sinuri pa niya ito na para bang ngayon Lang sya nakakita ng bra. Seriously?

"  Anong bagay ba ito? Ang liit Naman" Wika Niya na syang nakapag pa inis sakin. Paglingon ko sa gilid ko nakakita ako Ng panghilod. Dinampot ko ito saka muling ibinato sakanya. Ngunit nagulat ako Ng bigla itong naglaho. Naramdaman Kong tumayo Yung balahibo ko sa batok and this time I know na nasa likod ko sya. Parang may Mali. Napalunok ako sa sobrang kaba. Nanigas ako sa kinatatayuan ko ng may malamig na kamay Ang humawak sa balikat ko saka dahan dahan akong lumingon sa likod

"AHHHHHHH!" sigaw ko ng makita ko ulit yung lalaki. This time duguan na sya saka nakakatakot yung mukha Niya. Dali-dali akong tumakbo palabas ng banyo. Naka tuwalya lang ako saka wala pang sapin sa paa. Duh uunahin ko paba Yun?kesa makaalis dun sa nakakatakot na nilalang na yun. Dire-diretso akong lumabas. Pagkarating ko sa may likod nakakita ako ng dalawang batang babae tsaka isang lalaki. Trabahador siguro ito nina daddy. Agad akong tumakbo papalapit sa kanila. Ng makalapit na ako napahawak ako sa tuhod ko sa sobrang hingal.

" Uy? Miss ? Nganong gadagan man kah?" (Oh ? Miss? Bat ka tumatakbo?)

" K-kuyaaa, T-tulong....Hina...hin..hinahabol ako ng.. mul...multo" hinihingal kong wika.

Nagkatinginan naman silang tatlo saka nagtaka ako kase bigla nalang silang tumawa.

" Pano ba yan ate, e mga multo rin kami"

Pagkasabi nung batang babae, bigla nalang akong nanghina, kahit na pagsigaw ay hindi Kona magawa.

Kailan ba ako lulubayan Ng mga multong eto!?

Yung paghinga ko ay hindi kona mahabol hudyat na inaatake na naman ako ng asthma. Bigla nalang nandilim yung paningin ko kasabay nun ay ang pagka wala ng aking malay.

💛

Let's Fight GhostStories to obsess over. Discover now