Chapter 21: Can't fight this feeling...

365 6 8
                                    

[Jessica's POV]

"You can't do this Jessica, napakalaking project nito, hindi mo to pwedeng tanggihan dahil sa lintik na lovelife na yan!!"

"I'm completely decided, uuwi na ko. I know I might be losing the biggest project I can ever have, but gusto ko naman piliin si Jake THIS TIME."

"Jessica! this time?? bakit this time pa?? Bakit hindi noon na maliliit na projects pa lang ang lumalapit sayo? I don't know if you're thinking, WELL YOU'RE NOT REALLY THINKING! don't you know how much will this project pay you??? 500,000.00 BUCKS, shit Jessica, kalahating milyon, tapos uuwi ka lang?? ang daming sponsors ng project na to, you can't just run away, pagkatapos nito, siguradong sunod sunod ang project mo, please Jessica, wag ka namang magtanga tangahan, kung kinakabahala mo yang syota mo, jusko naman, kung mahal ka nyan, makakapag antay pa siya, 3 buwan na lang titiisin mo at pwede ka ng lumayas, ano?? pag-isipan mo Jessica, I'm still not giving up on you"

huling bulyaw sakin ng manager ko dahil nilayasan ko siya.

Honestly, napapaisip talaga ko kung anong gagawin ko. This is my dream ever, ang maging famous international model. Iniwanan ko si Jake because of this dream. Tiniis namin maghiwalay ng ilang taon. Marami akong naging pagkakamali sa mahabang taon na pinagsamahan namin but he never left me. At ngayon na nararamdaman kong anytime baka siya naman ang mawala sakin because of fulfilling this dream, sa tingin ko, hindi ko naman kakayanin.

[Flashback]

"Babe, I miss you so much, kelan mo ba ako babalikan dito sa pinas?" malambing na tanong sakin ni Jake sa phone

"Very soon babe, I miss you more" sagot ko naman..

"Lagi ko na lang naririnig yang very soon mo, ganu ba katagal sayo ang "very soon"?"

"Seriously this time, totoo na to, I don't care anung projects pa ang dumating sakin, basta I want to be by your side SOON."

"Sabi mo yan a, i love you..."

"I love you too" huling sagot ko bago namin binaba ang phone

Paano na to? Paano na si Jake? paano ko sasabihin sa kanya kung sakaling mag-aantay pa ko ng 3 buwan? balak ko ng magbook ng flight next week, pero this damn project hinders me from doing it. It's not just about the money, it's about the opportunities that may come my way. tatlong buwan, hindi naman na siguro matagal yun? sigurado ko sa tatlong buwan na bubunuin ko, uuwi agad ako pagkatapos at isasama ko na siya pabalik para hindi na kami magkahiwalay, please Jake, sana maintindihan mo..

[Jake's POV]

Ngayon nagsisimula na kong ituwid ang buhay ko at layuan na si Andrea, magfofocus na lang talaga ko sa taong mahal ko.

Gustong gusto ko na siyang makita, gustong gusto ko na siyang yakapin, pero wala siya, wala siya sa tabi ko at pansamantalang pinunan ni Andrea ang mga pagkukulang niyang yun pero hindi deserve ni Andrea na maging rebounder lang ni Jessica.

Hindi ko maintindihan kung bakit mabigat ang loob ko sa nakikita ko sakanila si JC, hindi ko alam kung selos to, pero pano mangyayari yun ngayong alam ko naman na mahal ko ang girlfriend ko? siguro kasi gusto ko din si Andrea?

ARGH!! ANG GULO!! KELAN PA KO NAGING CASSANOVA?? Siguro sa mga pagkakataong to, naiintindihan ko si JC, minsan hindi mo mapipigilang magkagusto sa iba kahit may mahal ka na.

Alam kong mali, sorry na, kaya nga lumalayo na kay Andrea di ba? Tatawagan ko na lang girlfriend ko tutal parang hindi ko siya nakausap ng matino kanina..

Not like the UsualTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang