My Boyfriend is a Gay (ONE SHOT)

217 14 6
                                    

"Bhe hindi kami makakapunta ni Axl mamaya sa tagpuan natin ah. Kung gusto mo isama mo na lang muna yung pinsan mong si Jasmin" malambing na sabi sakin ni Ken.

"Bakit bhe? San na naman lakad niyo ni Best?" tanong ko. Si Axl yung tinutukoy kong Best.

Nandito kami sa Parking lot ng School.

"May pinapagawa kasi samin si Maam eh." sagot niya

"Nasan ba yang si Best at may sasabihin ako." tanong ko.

"Umuwi na. Nauna ng umuwi kasi nga aalis na kami myamya" sagot niya.

"Tara hatid na kita." sabi niya sakin saka ako pinagbuksan ng pinto ng kotse nya.

Hinatid niya ko sa Kanto lang ng Subdivision namin. Hindi pa kasi ako open magbf kila mama eh.

"Babe ingat kayo mamaya ah. Magpapasama na lang ako kay Jasmin mamaya. Bye. I love you" sabi ko saka nagflying kiss sa kanya.

Tumagal kami ni Ken ng 2years na secret lang ang relationship.

---

Nandito kami ngayon sa Tiangge, naglilibot. Kasama ko si Jasmin, pinsan ko.


"Dami nating napamili ah." sabi ni Jasmin sakin.

"Oo nga dami nating bitbitin. Hahaha" sabi ko naman.

"Marie meryenda muna tayo! Pagod na ko eh." yaya sakin ni Jasmin.

"Cge.. Burger na lang sakin saka Juice" sabay turo ko sa Burger tsaka Pineapple Juice.

Nagmemeryenda kami habang naglalakad pauwi. Naisipan kong daanan si Ken sa kanila tutal madadaanan namin yun pauwi eh.

"Jasmin mauna ka na ah. Pakidala na din mga napamili ko. May dadaanan lang akong classmate ko. Pakisabe na lang kay Mama ah. Salamat." sabi ko kay Jasmin sabay abot ko ng mga dala ko.

"Cge, Marie una na ko ah. Ingat kna lang. Ako ng bahalang magsabi  kay Tita." paalam nya saka naglakad na papunta sa direksyon ng bahay namin.


Naglakad na ko. Masusurprise sigurado si Bhe nito.

"Lalalalala." pakanta kanta pa ko habang naglalakad.

Nakarating na ko kila Ken.

Teka... Bakit iniwang bukas ni Ken yung gate nila tsaka pinto. Nandito pala si Best. Nandito kasi yung kotse nya eh.


Pumasok na ko ng tuloy tuloy. Hindi na ko tumawag.

Walang tao sa Sala...

Wala din sa kusina....

Nasan kaya sila..


Umakyat ako papunta sa kwarto ni Ken. Nakabukas din. Aba! Di kaya pinasok na sila ng magnanakaw? o baka naman Holdaper..

Nagmadali akong pumasok sa kwarto ni Ken.....


Nakita ko sila ni Best....


Naghahalikan... Half-naked!


Sa sobrang gulat ko hindi agad ako nakapagsalita. Bakas din sa mukha nila ang pagkagulat.

Tuloy tuloy ng naglandas sa mukha ko ang mga luha ko.

"Mga manloloko! *sniff* Shit!! Kelan nyo pa ko ginagago!" sigaw ko sa kanila.

Nanginginig na ko sa galit. Naghahalong emosyon ang nararamdaman ko. Lungkot, galit at pandidiri sa kanilang dalawa.

"Best pakinggan mo muna..."

*PAK!*

Hindi ko na pinatapos si Axl dahil sinampal ko siya.

"Hwag mo kong matawag tawag na Best! Wala akong Bestfriend na manloloko! Wala akong bestfriend na ahas!" sigaw ko sa kanya.

"Bhe, let me..."

*PAK!*

"Ano na namang ipapalusot mo?! *sniff* Tama na! *sniff* Nakita ko na! Nahuli ko na kayo!" sigaw ko sa kanya.

"Kaya pala sa 2 years na pagsasama natin. Wala man lang Holding Hands o kahit anong Physical Contact kasi... *sniff* Kasi...... BAKLA KA!" sigaw ko sa kanya.

"Magmula ngayon wala na kong Boyfriend...... At wala na din akong Bestfriend. Nakakadiri kayo! sigaw ko saka ako tumakbo paalis ng bahay nila Ken.


Patuloy pa ding umaagos ang mga luha ko. Dinala ako ng mga paa ko sa Park malapit sa bahay nila Ken kung san kami madalas tumambay tatlo. Ako , si Ken at si Axl .

Nandidiri ako sa inyo. Bakit niloko nyo ko. Ikaw Axl, bestfriend pa naman kita pero ginagago nyo na pala ko ng talikuran.. Ang sakit e . Manapa sana kung iba yun, hindi ako masasaktan ng ganitong sobra sobra. Pinagtutulungan nyo na pala ko. Pinagmukhang tanga.. Bestfriend kita eh.. Bestfriend kita eh.

Ikaw naman Ken. Minahal kita. Akala ko nirerespeto mo lang ako kaya wala tayong physical contact kahit holding hands.. Bakla ka pala Ken.. Nakakadiri ka. Mas masakit to kumpara sa first heartbreak ko dahil sa lalaki ako pinagpalit ngayon at sa Bestfriend ko pa.

The End..

◇◇◇
(a/n)
Pagpasensyahan nyo na first One Shot story ko to.

Pls Vote and Comment. Salamat. :))

maykiLig_22
mikeeCABRERA

My Boyfriend is a Gay! (One Shot)Where stories live. Discover now