"Sinong dalawa? At sinong señorita?"

Napatigil sa pag tutupi ang matanda at nag angat ng tingin sa akin.

"Di mo siya kilala? Ano kabang bata ka." Iiling iling nitong sagot.

Lumapit pa ito sa akin at inangat ang salamin niya pang mata para tingnan ng husto ang larawan na nasa pader.

"Ito oh," sabay turo niya sa isang batang babae na nasa tabi ng isang madre. "Siya si Señorita."

Napalunok naman ako ng laway habang nakatingin din sa batang nasa larawan.

Carmela....

"Kilala ko siya." Sagot ko ng di man inaalis ang mata sa larawang nasa harapan ko.

Dahil kababata ko siya noon dito sa orphanage na ito,

"Aba syempre naman... Kababata mo ang batang yan."

"Kilala mo ako?" Sabay turo ko sa sarili ko.

"Aba siyempre, dito na ako tumanda iha, lahat nangyayari dito ay alam ko. Lahat ng mga taong dumaan sa akin ay kilala ko parin."

Kunot noo lamang akong nakatingin sa matanda habang patuloy itong nag sasalita.

Aaminin ko naman na wala na talaga ako matandaan sa mga sinasabi niya.
"Ang cute niyo nga noon dalawa eh, alam mo ikaw lang ang nag papangiti sa batang yun. Lagi kasi malungkot kapag wala ka, eh pano.... Oras-oras Sinasaktan ng Ina niyang walang kwenta. Palibhasa kinahihiya ang anak niya dahil sa isa siyang Madre."

She's right.... Sa pag ka alala ko ang dami niyang pasa kapag dumadalaw kame noon ni Mama Ofelia dito. Diko apam ang dahilqn pero ngayon alam ko na.

"Carmela is doing well, simula ng matagpuan ka niya muli ay bumubuti na siya at pinag papatuloy na niya ang medication niya muli."

"Medication?" Pag uulit ko.

"Bakit iha? Di mo ba alam?"

"Teka-teka manang, nahihilo ako sayo eh. Bakit pakiramdam ko parang sinasabi niyo na kasa-kasama ko si Carmela."

"Dahil talaga naman kasa-kasama mo siya iha."

"Manang."

Napatigil naman ang matanda sa pag sasalita ng marinig namin ang tinig ni Valerie.

"Señ--"

"Leave." Madiin nitong utos.

Dali-dali naman umalis ang matanda at natatarantang kunin lahat ng mga tela na naka lapag sa upuan.

Tumingin pa ito sa akin na parang may ibig sabihin ang bawat titig nito bago tuluyang umalis.

Napalingon ako may bintana ng makarinig ako ng ingay.

Mga lalake na bumaba sa itim na Van habang buhat-buhat nila ang isang lalake.

What was that

"It's all settled...  Umuwi na tayo Love" nakangiti nitong pag aya sa akin at ikinawit pa ang kamay niya sa braso ko.

Diko alam bakit, pero maagap kong binawi ang braso ko at na una ng mag lakad palabas ng bahay.

Nanginginig kinuha ko sa pantalon ko ang susi ng kotse ng biglang tumunog ang telepono ko kaya sinagot ko muna ito bago pumasok.

"H-Hello?"

"Athena, I've already got the DNA results of your wife. Nasaan ka? Para madala ko na jan sayo."

Athena Guevara Series: Cruel Intentions (Killing Me Softly)Where stories live. Discover now