CHAPTER 5

4 0 0
                                    


CHAPTER 5

Every single night she's praying hard frustrate na frustrate na kasi siya before going to bed she keep asking if she's good enough, why she keeps suffering all she wants just happiness.

She's hugging her bear so tight keep wiping her tears kailangan na niyang matulog kasi bukas she needs to pull herself together and be strong.

Some people are comparing to her cousin na ang tagal tagal na daw sa work niya how come she's not she keeps ignoring it pero masakit sa pakiramdam niya e no one is proud having me.

Buti na lang may close siyang pinsan kahit third cousin na lang sila who keeps encouraging her actually mortal enemy sila ni Ranzel noong bata sila suntukan, hampasan ng tsinelas worst walis tingting but now they are close like siblings sharing some chismis to each other.

Kaya sobrang tahimik lang niya maghapon, she's thinking kung ano ba ang dapat niyang gawin no one knows how hard trying her best.

She loves to read books pero wala ubos na kaya ginagawa na lang niya nag-bro-browse na lang siya ng some stories sa wattpad and there are times nagsusulat siya ng story.

One time she message her Auntie na asawa ng Uncle niya.

Anne: Tita good morning may tanong sana ako sa ating dalawa lang okay lang ba?

Auntie: ano yun?

Anne: wala bang hiring diyan sa Olongapo? Kasi dito sa Pampanga wala ng masyado

Auntie: wala man e marami ding case na covid dito kaya di safe sa'yo ang mag stay punta ka na lang dito after pandemic.

Anne: ahh sige po Tita salamat.

Inisip na rin niyang magbakasyon sa Olongapo after she resigned to her previous job matagal na niya kasi di nakakasama ang pinsan niya pero lockdown at travel ban.

Ang dami dami niyang planong nasira her Olongapo at Baguio Trip.

Nag attend siya ng house blessing tamang nakikinig lang siya sa mga taong nagkukwentuhan she's just observing di siya relate sa mga pinag-uusapan nila.

Then her Ninang "ohh wala ka pa bang boyfriend?"

Her cousins starting to tease her "nag-cha-chat ba ako? Hindi diba? Wala akong boyfriend." Sagot niya

"manliligaw wala?"

"wala sinukuan na ako Maria Clara daw kasi ako."

"pa 27 ka na dapat mag boyfriend ka na para sa darating na panahon magka igihan kayo at magsama na kayo habambuhay."

"tama ka naman Ninang kaso sa tingin niyo may seseryoso pa ba sa akin? WALA so please lang huwag na natin pag usapan ang lovelife kong zero wala nga akong work e."

Lagi lagi siyang inaasar sa lovelife niya, naghihintay lang siya ng tamang tao hindi yun minamadali.

Nag-check na naman siya ng Telegram walang message from Troy, wala kinalimutan na ata talaga siya.

**

Troy is frenzied to his double job graveyard shift pa siya at may family gathering din siyang pupuntahan kaya kaunting tulog lang siya.

Rest day niya ngayon nasa kaniya ngayon ang baby niya ang cute cute talaga nakatitig lang ang baby niya sa kaniya at hinawakan niya sa pisngi.

"Did you miss Daddy? I miss you" at hinalikan niya ito sa buong mukha his baby just smiled.

Nakahiga silang dalawa hinihintay niyang matapos dumede ang baby niya nakatitig lang siya dito kamukhang kamukha niya talaga.

"I will work hard to give you a better future baby, just hold on okay? I love You."

hinahaplos haplos niya ang buhok nito para makatulog need niya kasi mag afternoon nap "sleep ka muna baby tapos bibilhan ka ni Dad ng Jollibee okay?"

nakikita niyang nahuhulog na rin ang mata ng anak sasabayan rin niyang matulog.

Pag gising nilang dalawa pinapanood niya ang kaniyang baby ng Cocomelon ma-LSS siya niyan sa mga nursery rhymes at sa mga boses ng PAW Patrol.

Tahimik lang ang anak focus na focus sa pinapanood "you really like them baby?" tumango si Baby as a response abala din kumakain ng biscuit.

Bumuntong hininga siya ayaw niyang matapos ang weekend kung siya lang ang masunod sa kaniya lumaki ang anak niya. 

YOUWhere stories live. Discover now