Prologue

10 2 0
                                        

"Wag ka nang umiyak frenacel,di kana nasanay sa nanay mo."Tatawa-tawang sabi ni baste.

Tama nga naman di na ako nasanay,e lagi nalang ganito ang ginagawa ni nanay.Lagi na lang niya kinukuha yung pera ko,hindi na nga niya ako binibigyan ng pambaon pati ba naman yung kita ko sa pagtitinda ng turon,banana Q,kamote Q at palitaw kinuha pa niya.

Nakakaiyak!"tss!ikaw ba naman kase nasa kalagayan ko dikaba maiiyak ng ganito?"hagulgol ko,namumugto na yung mata ko kakaiyak.

Katatapos ko lang mag tinda.Araw-araw ubos lagi ang tinda ko pano ba naman kase naaaliw at nakakatuwa daw kase ako pag nagbebenta.Sumasayaw sayaw at pakanta kanta pa kase ako habang nagbebenta.

"Kaya nga ako nandito lang parati para sayo kase magkaibigan tayo at ayaw kong nakikita kang umiiyak."nakangiting sabi ni baste.

Napangiti at medyo gumaan ang pakiramdam ko sa sinabi ni baste.Ang swerte ko dahil meron akong kaibigan na kagaya niya.Masarap siyang kasama,totoong tao...i mean hindi mapagkunwari tulad ng iba.

Kaso nga lang pikunin siya sa aming dalawa.

"o'diba...ang ganda mo pag naka ngiti.Wag ka nang umiyak tignan mo oh!namamaga na yung bibig mo tsaka yung mata mo!Lumulobo na din 'yang pisngi mo hala ka acel!"Pang-aasar niya.

Tinampal ko siya sa braso"baste wag ako!Di gagana 'yang pang-aasar mo saakin."humalakhak ako.Napasimangot naman siya.Hahaha.Ang sarap talagang asarin ng isang ito. Ang bilis mapikon!

"Alam mo acel panira ka talaga e'no!Ngayon na nga lang kita mababawian sa pang aasar mo saakin sa bandang huli ako pa rin talaga ang naasar sa ating dalawa."nakasimangot na sabi ni baste.

Dahil sa usapan namin ni baste nakalimutan ko si nanay na kumuha ng pera ko.Araw-araw na niyang ginagawa iyon ang minsan natitira nalang saakin 10 kung hindi sampo,limang piso.Hindi tumataas sa bente.

Chasing Love (GLS#2)Stories to obsess over. Discover now