Nalibang ako sa tanawin. I like houses with big windows and open air for sunlight, and this mansion is surrounded by it. For a moment, I got a feeling that one of these days, I might forget that I'm not here for a vacation. I'm here for a mission. But maybe I should treat the view as a consolation, huh?

"Taga Maynila ka, hindi ba?" Manang Cora suddenly asked.

Napalingon agad ako sa kanya. Kinakabahan ako kapag nagtatanong ang mga tao tungkol sa mga bagay-bagay sa akin. It was a mundane question but perhaps because I know I'm hiding something, I'm always cautious and in defense.

"Yes..."

"Saan ka nag-aral?"

"Enderun," because that's what's indicated on my resume.

Naningkit ang kanyang mga mata at bahagyang lumapit sa akin. Napakurap ako nang umikot pa siya habang nakatingin pa rin sa akin.

"Hindi ka ba modelo?"

I almost chuckled. "No..."

"May boyrfriend ka na ba, hija?"

I almost rolled my eyes. "No, I don't have a boyfriend, Manang Cora."

"Hmm..." humalukipkip siya at pinasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa.

"Uh, why?"

"Marami kasing pumasok na sekretarya ni Senyorito, iyon pala ang intensyon ay landiin ang Senyorito..." iling niya.

Now, I chuckled. As if!

"I will not flirt with my boss, Manang Cora," mariin kong sinabi. "It's unethical."

"Sigurado ka ba r'yan?" nilakihan niya ako ng mata.

"Of course," my brows furrowed.

Nagkibit-balikat siya at tumango. Inayos niya ang kanyang uniporme at pinasadahan ng tingin ang buong guest room. People here are so weird!

"Kung ganoon, maiwan na muna kita. Ipatatawag na lang kita kapag kakain na at dumating na ang Senyorito. Babalik si James mamaya para ibigay sa 'yo ang lahat ng dokumentong kakailanganin mo. Pati na rin ang schedule ng Senyorito."

"Alright. Thank you, Manang Cora..."

"O siya..." sinarado na niya ang pinto.

Doon pa lang ako nakahinga nang maluwag. I sighed heavily and let my body fall on the soft, bouncy bed. Malayo ang tingin ko sa tanawin sa hacienda. Malawak din ang backyard. Parang walang katapusan ang lupain nila.

I'm always away from my parents, but for some reason, I felt homesick. I prepared myself for this mission, but it's so different now that I'm actually here. Hindi ito magiging madali. Mailap si Conor Villacorta. Hindi tanga ang mga Villacorta para maisahan ko basta-basta. They've got all these connections while it's just me and my mother up against them.

Bago pa ako panghinaan ng loob, inisip ko na nagawang iwanan itong lahat ni Tito Salvador para kay Mommy. Nandito na ako kaya hindi na ako pwedeng umatras pa.

I sighed and got up. Inayos ko na ang aking mga gamit at nilagay sa maliit na walk-in closet. Pagkatapos ay nag-shower. Even the bathroom felt cozy. It was complete with amenities, and its interiors were filled with the most minute details of embellishments that made it so luxurious.

Nang matapos ay saktong nakarinig ako ng katok sa aking pinto. I opened it and saw a girl in her uniform.

"Kakain na raw. Bumaba ka na," supladang sinabi ng dalagang kasambahay.

Mukha siyang maarte. At sa salita pa lang ay alam kong maarte nga.

"Kababalik lang ni Senyorito galing hacienda. Hindi pwedeng paghintayin 'yon."

The Enchanted Knave (Casa Fuego Series #3)Where stories live. Discover now