Chapter 3

2.4K 96 33
                                    

Absurd

"Halika na sa kwarto mo..." anyaya ni Manang Cora.

Naiwan ang aking mga mata sa bulwagan kung saan umalis si Conor. Mabuti na lang at hindi ko sila kaharap kaya hindi nila nakikita ang talim ng tingin ko. Kung hindi pa kumunot ang noo ni Manang Cora sa akin, hindi pa ako kikilos.

"Anong tinitignan mo r'yan?"

"Nothing, Manang Cora. So... where's my room?"

"Nasa ikalawang palapag lahat ng mga kwarto. Sa guest room ka matutulog. Ricki, pakiakyat ang mga gamit ni Miss Adelle sa kanyang kwarto..."

Agad tumango ang binata at inakyat ang mga bagahe ko sa enggrandeng hagdanan.

"Mauna na po ako, Miss Rodriguez. Tawagan niyo na lang po ako kapag may kailangan," paalam ni James.

"Thank you, James..." I smiled.

Ngumiti lang siya bago hinatid ng mga kasambahay sa labas. Halos mapatalon ako nang pagkalingon ko ay bumungad sa akin ang nakataas na manipis na kilay ni Manang Cora.

"Sa kwarto mo," simple niyang sinabi at nauna na.

I glanced back at James but he was already inside the car. Ngayong wala na siya, parang saka lang nag sink in sa akin lahat ng gagawin ko. I know I can pull this off as long as I put my mind into it, but I just can't help but acknowledge that I'm going against an established household and a prominent family.

My heels echoed as we ascended on the grand staircase. Nilingon ko ang baba at halos manliit ako sa lawak niyon. Malawak rin ang taas. Maraming pinto ng mga kuwarto na alam kong malalaki rin. Tanaw ko rin dito ang balkonahe kung saan tagusan ang hangin at sikat ng araw.

"Ang buong hilerang ito, mga guest rooms. Nasa baba ang kwarto ng mga kasambahay at iba pang tauhan. Sa kabila naman..."

Sinundan ko ang mga itinuturo niya.

"Nariyan ang mga kwarto ng mga miyembro ng mga Villacorta. Naroon din ang study. Sa dulo nitong hallway, ang library naman. Dalawang palapag ang library at may pinto rin dito at sa baba..."

Halos mahilo ako sa laki at sa dami ng kwarto.

"Kuha mo?"

Tinaasan niya ako ng kilay. I tried my best not to arch my brow at her, too.

"Yes, Manang Cora."

"Mabuti," tinalikuran niya ako.

Lumabas si Ricki sa isang guestroom at agad tumango kay Manang Cora. Iginiya niya ang loob. Nasa may pinakadulong hallway iyon.

"Handa na po ang mga gamit niyo, Ma'am Adelle..."

"Pumasok na tayo," sabi ni Manang Cora.

I smiled at the young and thin boy before going inside the room. I was so surprised that the guestroom is this large! In the middle of the left side of the room, there was a four poster bed, its curtain being gently blown by the wind. May isang bedside table, coffee table, vintage cabinet, sariling banyo, at may maliit pang walk-in closet!

"This is a guest room?" I couldn't help but ask.

"May problema ba? Pwede nating-"

"No... I was just amazed that the guest room is this huge..."

"Liliit ang tingin mo sa kwartong ito kung makita mo ang kwarto ni Senyora Ingrid at ng yumao niyang asawa."

Makintab ang wooden floor. Talagang highly maintained ang mansyon. Lumapit ako sa bintana at nakitang tanaw rito ang hacienda!

The Enchanted Knave (Casa Fuego Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon