Nabighani sa Ganda

33 0 4
                                    


intended for spoken word poetry. 


Sabi ko hindi ako makata, di marunong tumula

pero bakit nung nakita ka, biglang natulala 

na hindi nga napatula, ang puso naman ay napakanta 

Sa pagsilay ko, minasdan ko iyong mga mata 

na para bang bintana, magandang loob nag-iimbita 

Oo, maraming maganda, pero ugali naman hindi nakahahalina. 


una ko palang kita sa iyo, ako ay hindi na mapakali 

kapag nasasalubong ka hinihintay iyong ngiti 

at kapag sumilay na ang mabining ngiti, 

bakit kaya parang pinitpit na luya, walang masabi

ganito na nga ako, sa ganda mo natotorpe

lalong-lalo na kapag gusto ko ang babae. 


isang araw nakita ko na lang may kasama kang lalaki. 

hawak kamay, nakaupo sa tabi-tabi

o anong saklap, bakit ganito ang nangyari

Maglalakas na sana ng loob para ikaw ay makausap

Para masabi ang ang nararamdaman at kalooba'y huwag na maghirap

kasi ikaw nga ang babaeng pinapangarap 

Pero sa pagkakataong ito damdamin na naman ay palpak


kung magkukrus ating landas ako na lang ang iiwas. 

hahanap na lang ng paraan upang damdamin ay magwakas. 

Pero kung ikaw, hindi na mahalin ng lalaking iyong iniibig. 

tandaan mong ang pagtingin ko sa iyo kahit puno ng ligalig 

sa iyon lang taimtim itong pag-ibig 

kaya pag nakita ka, hindi man ako mapatula, ang puso ko na lang ang aawit. 

BalintatawWhere stories live. Discover now