Unexpected Soulmate Chapter 29

Start from the beginning
                                    

"Ako ang girlfriend niya.." wala sa sariling sambit ko. Kita ko naman ang panlalaki ng mga mata ng nurse pati na rin ng mga kasamahan niya na nakakarinig sa pag-uusap namin. "Sige..salamat sa pagbabantay sa kanya nurse.." sinsero paring sabi ko saka naglakad patungong kwarto ni Zion.

Pero hindi pa man ako tuluyang nakalapit sa pintuan ay bumukas na ito ay iniluwa doon si Eunice. Nakatalikod siya sa gawi ko habang sinara ang pinto. Hindi ko alam kung umiiyak ba siya o ano basta nakita ko siyang pinunasan ang pisngi at mata niya.

Nang pagkaharap niya sakin ay agad napalitan ang reaction ng mukha niya. Naging matalas ang paraan ng pagtingin niya sakin. Inaasahan ko na ang ganitong reaction niya kapag nakikita niya ako dahil ganito naman palagi mula noon.

"Should I say 'congratulations' for the both of you?" sarkastiko niyang sabi na diniinan pa ang salitang 'congratulations'.

"Hindi na kailangan Eunice dahil alam kong labag sa kalooban mo 'yon." malamig na sagot ko.

Ngumisi naman siya ng sarkastiko. "Masaya ka na ba? Dahil finally sayo na siya? Well.. sino namang hindi magiging masaya kapag nakuha ang isang Zion Diaz?" aniya na animo'y nag-iisip pa. "Pero..abot langit siguro ang saya mo dahil pinaghirapan mo 'yon diba? Ang hirap kayang mang-akit sa isang lalaking may girlfriend. Pero ang weak ni Zion dahil ilang araw mo lang siyang nilandi bumigay na agad! Hiniwalayan na ako at pinalitan!" ngumisi pa ulit siya ng sarkastiko sabay ikot ng mata.

Lumingon pa muna ako sa nurse station. Baka pinagtitinginan na kami rito at makikinood sa letseng taping na 'to.

Pabuntong-hininga akong bumaling sa kanya saka tiningnan ng diretso mata. Ayokong gumawa ng eskandalo dito dahil wala bokabularyo ko ang makipag-away sa public.

"Eunice, kung..andito ka lang para manggulo, pwedeng umalis ka na? Bigyan mo naman ng respeto si Zion? Ayoko ng gulo kaya kahit ano pang sasabihin mo diyan..hinding-hindi kita papatulan." mahinahong sabi ko pero sobrang pagpipigil sa sarili na ang ginawa ko.

"Ha!" singhal niya. "Siguro..nakuha mo si Zion sa pagbabait-baitan mo? Ang galing mo naman Precious! Hindi ko alam na ganyan pala ang taste ni Zion.. mabait pero may tinatagong landi!"

"Eunice, pwede ba tama na? Para sabihin ko sayo, hindi ko nilalandi si Zion. Kailan man hindi ko ginawa 'yon." ngimisi pa muna ako kunwari. "Siguro.. kaya mo nasabi 'yan dahil gawain mo 'yan, tama? Sa pagkakaalam ko, hindi ka naman kusang minahal ni Zion e dahil natutunan ka lang niyang mahalin." diretsong sabi ko at kitang-kita ko naman na natitigilan siya. "Ngayon mo sabihin sakin na ako ang malandi at hindi ikaw.."

"Ang kapal ng mukha mo! Ano bang gusto mong ipalabas? Ha? Na ako ang malandi dahil natutunan lang akong mahalin?!" giit niya.

"Wala akong sinabing ganyan..Ikaw na bahalang umintindi dahil hindi ko na problema 'yon.." pagkatapos kong sabihin iyon ay diretso ko siyang nilampasan para pumasok na sana sa loob ng kwarto ngunit hinawakan niya ang siko ko para pigilan. Tiningnan ko ang kamay niya saka nag-angat muli ng tingin sa kanya.

"May kailangan ka pa?" sarkastikong tanong ko. Hindi naman niya ako sinagot sa halip ay tiningnan lang niya ako ng masama. "Hands off, please?"

Parang hindi niya narinig ang sinabi ko dahil patuloy lang siyang nakatitig sakin. Kaya pabato kong kinuha ang kamay niya saka diretsong tinalikuran siya at pumasok. Sinara ko ang pinto nang hindi man lang siya liningun.

Nagpakawala muna ako ng malalim na buntong-hininga bago nagtuloy sa paglapit kay Zion. Nakatingin lang siya sakin ng diretso kaya binigyan ko siya ng pilit na ngiti saka lumapit sa mesa at inilapag ang mga pagkain.

"Good morning, baby! Kanina ka pa gising?" pilit kong hindi ipahalata sa kaniya na may bumabagabag saking isip.

"Good morning, baby.." parang matamlay ang pagkasabi niya. "Nakasalubong mo ba siya?" sa halip na sagotin ang tanong ko ay binigyan din niya ako ng tanong. Alam ko kung sino ang tinutukoy niya kaya tumango ako saka pilit na ngumiti.

"Galing pala siya rito.." yun lang ang nasabi ko saka bahagyang tumalikod sa kanya at isa-isang inilabas ang mga pagkain sa paperbag.

Narinig ko pang bumuntong-hininga siya. Pero hindi ko na siya binalingan pa dahil nasa mga pagkain na ang atensyon ko. Inilagay ko sa bowl ang binili kong lugaw para sa kanya. Saka palang ako humarap at lumapit sa kanya.

"Kain ka na," sabi ko saka umupo sa gilid niya para subuan siya.

Sumabay na akong kumain sa kanya. Pagkatapos ko siyang subuan ay saka naman ako kakain.

"May sinabi ba siya sayo?" biglang tanong niya habang ngumonguya.

"Wala naman.. galit lang siya. Hindi naman na bago sakin 'yun.." sabi ko sabay subo na naman ulit sa kanya.

"Huwag mo ng pansinin 'yon. Hindi na 'yon babalik pa dito.."

"Wala din naman akong pakialam sa kanya.." nakangiwing sabi ko na ngumonguya pa.

Wala na muling kumibo samin hanggang sa matapos kaming kumain. Pinainom ko siya ng tubig saka pinaghihiwa ng prutas.

"Baby?" tawag pansin niya sakin.

"Hmm?" lumingon ako sa kanya pero ibinalik ko din kaagad ang tingin ko sa hinihiwa kong prutas.

"Ba't ang tahimik mo?"

"Wala naman.. may iniisip lang ako." sabi ko saka tinuhog ang isang sliced ng apple sa tinidor at ibinigay sa kanya.

Kinain naman niya ito saka ngumuya-nguyang nag-angat muli ng tingin sakin. "Kasama ba ako sa iniisip mo?" nakangiting aniya.

Napatawa naman ako. "Oo naman.. palagi ka namang nasa isip ko e pati dito.." sabay turo ko pa kunwari sa puso ko.

"Talaga? So pwede ko bang malaman kong anong iniisip mo? Total..kasama naman ako diyan diba?"

"Inaalala ko lang 'yong time na.. magkasama tayong hinahanap ang totoo mong pagkatao. 'Yong time na..hindi pa kita kilala." sinabi ko sa kanya kung ano talaga ang nasa utak ko.

"Oo nga no? Ang galing talaga ng tadhana kasi do'n pala magsisimula ang lovestory natin.." nakangising sabi niya at ngumiwi naman ako.

"Ang gwapo mo parin kahit kaluluwa no? Aaminin ko nagagwapohan ako sayo noong una kitang nakita bilang kaluluwa pero.. hindi talaga mawala ang takot ko do'n.." sabay tawa ng mahina.

"Unexpected ba?"

"Syempre, Oo! Kaya dahil do'n naniniwala na ako sa 'soulmate'.."

"At ako ang soulmate mo." taas-noo pa niyang sabi.

"UNEXPECTED SOULMATE KO.." sabay piningot ang ilong niya.

"I love you baby.." yun agad ang sinabi niya saka humalik pero yung smack lang.

"I love you too, baby." matamis na ngiting sagot ko.

Bahagya siyang bumangon saka hinagkan ang noo ko ng matagal. Nakangiti akong nakapikit. Ito kasi ang pangarap ko, ang mahagkan sa noo ng taong mahal ko. Isang pangarap ko ang tinupad ni Zion.

Pagkatapos ay hindi ko inaasahan na pingotin niya ang ilong ko kaya napasigaw ako at siya naman ay natawa.

Natigil lang ang tawanan namin nang magbukas ang pinto at iniluwa doon si..Rhanz. Binigyan niya kami ng ngiti at medyo nagtagal pa itong nakatingin sakin.

"Hey bro.." parang matamlay ang boses niya nang batiin niya si Zion.

"Hey.." sabay tapik sa likod ni Rhanz.

"Hi Precious," baling sakin ni Rhanz. Pero naninibago ako dahil hindi pa man ako nakasagot ay ibinalik na niya agad ang tingin niya kay Zion.

Tiningnan ko siya at pansin ko na parang wala siyang tulog. Parang ang puyat ng mukha niya. Ano ba talagang nangyari sa lalaking 'to?

To be continued.....

Unexpected SoulmateWhere stories live. Discover now