"Si Kuya Cedric naman isama natin sa picture!" suggest ni Aya.

Ako naman ang pinakuha nila ng picture. Habang kinukuhaan ko sila ng picture, hindi ko maiwasang mapansin ang ngiti ni Cedric.

That's the same smile he gave me the day before he left.

Dahil doon ay pakiramdam ko nanginig ang kamay ko, dahilan sa muntikan ng pagkabitaw ko sa camera. Mabuti na lang, hindi nila napansin.

Pagkatapos ko silang makuhaan ng picture, nagsilapit sila sa akin para tingnan ulit ang mga kuha nila.

"Si Ate Ella at Kuya Cedric naman kuhanan natin ng picture!"

Bigla akong kinabahan sa sinabi ni Aymie. The thought of being near him creeped me.

"Dali! Kayo naman!" tuwang-tuwa na sabi ni Aya at hinila kami ni Cedric sa magandang view.

Nang magkatabi na kami, lalo pa akong kinabahan at parang naninigas ako sa kinatatayuan ko. My breathing also is not normal. Parang in any moment, mawawalan ako ng hininga.

"Kuya Cedric, akbayan mo naman si Ate Ella!" utos ni Ayene na siyang magpi-picture sa amin.

Tumingin sa akin si Cedric na parang nanghihingi ng permiso kung pwede niya ba akong akbayan. Wala akong ibinigay na sagot sa kanya at tumingin lang ulit sa camera.

"Dali na, Kuya Cedric!" pilit pa ni Ayene.

Nagpapilit naman siya kaagad at inakbayan ako! Hinapit niya pa ako kaunti palapit sa kanya.

"Pasensiya na," he whispered to my ear.

Para akong nakuryente ng maramdaman ko ang init niya. Parang naalarma ang buong pagkatao ko.

"Smile!" sigaw pa ni Ayene.

Pilit na naman ang ngiti ko.

"Gaaah! Ang cute ng kuha niyo! Bagay na bagay talaga kayo!" sabi pa ni Ayene pagkatapos niya kami makuhaan ng picture.

Agad naman lumapit sa kanya yung dalawa pa niyang kaibigan para tingnan ang kuha namin.

Naglayo na kami ni Cedric at nakahinga na ulit ako ng maluwag.

"Yay! Sana hindi na sila maghiwalay! They look great!"

Natigilan ako sa sinabi ni Aymie. Tama ba yung narinig ko?

Napatingin ako kay Cedric and he has this apologetic look in his face.

The nerve! He told them na kami pa? Hah! Ang kapal ng mukha niya!

Saglit pa kaming naglakad-lakad at kahit na nawala na ang maganda kong mood ay pinipilit ko pa ding ngitian silang tatlo habang puro matatalim na tingin ang ibinibigay ko kay Cedric.

Maya-maya pa ay nagpaalam na din sila na kailangan na nilang umuwi dahil gabi na din. Hinatid namin sila sa parking kung nasaan ang mga sundo nila.

Nang kami na lang dalawa ang magkasama, katakut-takot na katahimikan ang ibinigay ko sa kanya sa loob ng kotse.

Uuwi na din kami dahil sarado na din naman ang boutique ko ng ganitong oras.

Hanggang sa makarating kami sa bahay ay wala ni isa sa amin ang bumasag ng katahimikan. Pulos buntong-hininga niya lang ang maririnig kanina.

Huminto kami sa tapat ng gate namin saka siya bumusina para pagbuksan kami ng guard. Pero hindi ko na hinintay na maipasok ang kotse sa bakuran.

Bumaba na ako at padabog na isinara ang pinto sa passenger seat.

"Ella," tawag naman niya sa akin at mabilis na umibis din ng sasakyan.

Hindi ko siya pinansin at malalaki ang mga hakbang na nagpatuloy ako sa paglalakad. Pero kahit ganoon ay naabutan niya pa din ako.

"Ella." He grabbed my arm.

"Ano ba?!" asik ko sa kanya kasabay ng pagpiksi ng braso ko pero hindi niya ako binitawan.

"Mag-usap tayo," he uttered in a calm and low voice.

"Mag-usap?! Tungkol saan?! Tungkol sa atin?! That you assumed na tayo pa din sa kabila ng ginawa mo?!" I shouted then I laughed sarcasticly while shaking my head. "Ang kapal ng mukha mo."

I saw the pain in his eyes that mirror mine also but I ignored it.

"Was it bad to let you grow up?" he asked. "Was it bad to let myself to fulfill my dreams that you haven't had any idea what was and you didn't even bother to ask before. Because you were busy fulfilling the castle you've been dreaming of with me without asking if it was what I wanted."

Napalunok ako ng makita kong tumulo ang luha niya.

"Am I that bad if I left you behind without a word because I was so afraid that I would hold back and would just stay here with you? Tell me, should I start regreting now when I could see that you grew up firmly and could stand on her own?"

Lumapit siya sa akin at hinawakan niya ang mukha ko.

"I'm sorry if I had to break your heart only to make you a better person and at the same time for sake of my own dream." His tears are streaming down his face and he didn't bother to wipe it.

Then he gave me a kiss on my forehead before turning his back. And that was the time my tears started to fall.

~~~o~~~

After couple of months, na-update ko ulit 'to.

Sana may nagbabasa pa. :)

♡ The Promise ♡Where stories live. Discover now