We started eating habang kung anu-ano ang itinatanong nila sa amin. Sagot lang kami ng sagot ni Cedric. Mga common question sa mga bagong kakilala lang naman kasi ang tinatanong nila sa amin.

"Yay! Ate Ella, Kuya Cedric, bagay talaga kayo. Ang perfect niyo tingnan in any angle!" bigla na lang nasabi ni Aymie between our conversation.

Napaubo naman ako dahil doon.

Kami bagay? Huh! Fine, bagay kami pero hindi ibig sabihin na kapag bagay, nagkakatuluyan. Kung dati siguro may nagsabi ng ganyan sa amin baka nagtatalon ako sa tuwa.

Argh! Why I am talking like this?

"Water," wika ni Cedric at inabutan niya ako ng tubig.

"T-thanks." Kinuha ko agad yung baso ng tubig na inaabot niya at uminom ako ng kaunti.

"Ayiiee! Ang sweet naman ni Kuya Cedric!" And she giggle. Hindi ko alam kung sino sa kanilang tatlo iyon, because I was so damn nervous and I don't know why.

Parang pinamulhan pa ako ng mukha dahil sa narinig ako and I hate it. I hate being like a teenager who have seen her crush in a moment.

Nakakaasar!

Hanggang sa matapos kaming kumain, they are talking about us as if we were not there in front of them.

Pero hindi pa nagtatapos doon. They also invited us to have some walk at the garden of the mall.

Naging calm naman ulit ako at kinalimutan ko muna yung sinabi nila na bagay kami, a while ago.

Napapangiti ako sa kanila habang naglalakad-lakad kami. Naalala ko yung dating ako, who was so playful and hyper. But the thought that I have changed made my heart felt the familiar pain.

Ano kaya kung hindi ako iniwan ni Cedric? Would I still be the same Ella as I was before? Would I be the same enthusiastic kid I was? Would I be the same helpless girl who would ask Cedric for a ride? Would I be the same Ella, asking what should I do in times of shortcomings?

Napalingon ako kay Cedric na tahimik na nakasunod lang sa amin. When our eyes met, nag-iwas din ako agad ng tingin. Nakatingin din pala siya sa akin at seryoso ang mukha niya.

Still the old Cedric who rarely smile.

"Ate Ella, let's take pictures there!" aya sa akin ni Aymie at itinuro niya yung part ng garden na may mga cute bench ng korteng icecream.

"Sure." Ngumiti ulit ako.

Nagpunta kami doon at nagpa-picture sila isa-isa na kasama ako. Para lang akong artista at sila ang mga fans ko.

Nakakahiya sa mga taong naglalakad sa parteng iyon ng garden. Pero parang wala lang sa akin dahil naaliw ako sa mga batang kasama ko.

"Kuya Cedric, may you take us a picture?" Ayene asked.

Tipid na ngiti ang isinagot ni Cedric at kinuha niya ang camera kay Ayene.

He focused the camera to us. "Okay, one, two, three, smile!"

Nag-smile ako pero parang hindi yata mukhang smile yun dahil nailang ako bigla na siya ang kumukuha sa amin ng picture.

"One more!" he said and he raised his one hand with his forefinger.

Nag-iba naman ng pose yung tatlo habang ako gumalaw lang ng kaunti sa pwesto ko.

"One, two, three, smile!" Then he click the camera.

Ganoon pa din ang ngiti ko at alam ko na ang pangit ko sa mga shots na kinuha niya.

Nagsilapitan naman agad yung tatlo kay Cedric para makita yung mga pictures namin.

♡ The Promise ♡Where stories live. Discover now