Ang Mundo

8 0 0
                                        

Ang sakit sakit. Para bang lahat ng pinaghirapan mo nawala. Lahat ng pagod at sakripisyo mo nabalewala. Parang gumuho ang mundo at gusto mo na lang tapusin ang sakit.

May mga taong makikisimpatya sayo pero sa loob loob nila, "Hay, buti na lang hindi nangyari sa akin yan, buti na lang sa kanya nangyari".

Minsan kung sino pa ang maraming sinasakripisyo sila pa ang nakakaranas ng hirap. Hirap, hindi man sa pera, pero sa pagtanggap sa kanila ng tao o pagrespeto sa kanila.

Yung iba maganda ang trabaho kaso hindi naman kagalingan, e bakit nandyan sa posisyon na yan?
Ah, kasi pinasok pala ng nanay o ng kamag-anak. Samantalang ung may kakayahan naman talaga sila ang pumapasok sa butas ng karayom.

HAHAHA. unfair ba talaga ang mundo o patas? Hindi natin maitatanggi na naging beneficiaries din tayo ng mga "kapit" na yan at some point of our lives.

Nasasabi natin unfair kasi hindi tayo ang napapaboran, tapos sasabihin natin fair kapag tayo ang napaboran.

Ano nga ba ang problema? Tao ba o sistema?

May iba rin na galing sa kilalang pamilya na gusto talagang patunayan ang sarili at hindi ginagamit ang pangalan ng tatay o nanay o ng kamag anak kaso parang bihira lang ata yan?

Kayo na ang humusga. Mabibigyan ba ng patas na trabaho ang isang simpleng Pilipino kung pati sa pagapply ng trabaho ay umiiral din ang dynasty?

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 27, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

May Dahilan Ba? Stories to obsess over. Discover now