"Bakit naman tayo napag-iiwanan? Bumisita ako kahapon sa milling. Halos bago naman ang mga makinarya. At mukhang masagana naman ang tubohan." sabi ko habang sumusunod sa'min ang ilang tauhan at pinapayongan kami.

"Oo po, Ma'am. Medyo sa azukarera po tayo bumabawi. Pero noong nag El Niño kasi ay tinamaan ang mga tanim. Tsaka po, maraming nagsisi-alisan na trabahante kaya kinukulang tayo dahilan para bumagal ang mga trabaho."

Napahilot ako sa sentido ko sa daming problema, kararating ko lang. "Bukod diyan, ano pa bang problema? Totoo bang tinitingnan ng gobyerno ang hacienda?"

Sandaling kumunot ang noo ni Mrs. Alfon at napakamot sa ulo. Nag-iisip at kalaunan hilaw na ngumisi. "Ah.. May isa pa pala Ma'am! May nagreklamo po kasi na hindi daw tayo nagbabayad ng tamang buwis kaya po chenecheck ng gobyerno ang hacienda. Naitawag po 'to sa'kin ni Sir Zaccarroz no'ng nakaraan.."

Napataas ako ng kilay. Something's wrong here. Bakit ba si Kuya Zaccarroz ang mas may alam kaysa kay Daddy? Hindi ba't masyadong busy siya sa kompanya kaya hindi niya matutukan ang hacienda?

"At? Ano nang nangyari sa pag-iimbestiga nila?"

"Hindi pa po tapos Ma'am. Kaya nga nagpapasalamat din po akong umuwi kayo para po sana, kayo ang pumunta sa munisipyo at ipakita ang dokumento. Masusuportahan ko naman kayo kasi may mga records at certifications tayo na nagpapatunay na nakakapag-bayad tayo ng tamang buwis."

Tumango-tango ako. "Okay. Prepare all the documents for me and bring it in my office this afternoon. Sa Assessors Office ako pupunta hindi ba? Because as far as I know, the Assessors office determines the value of a property for local real estate taxation purposes."

Mariing umiling si Mrs. Alfon na ikinagulat ko. "Kay Mayor po daw kayo makipag usap deretso, Ma'am. Sinubokan ko na 'yan isang beses pero pinabalik lang ako ng taga Assessors Office kasi raw po, dapat 'yong may-ari ang makipag harap daw po sa Mayor."

"Huh? Bakit kailangan pang dumaan sa Mayor? Malay ba niyan sa problema natin sa lupa e 'yong taga Assessors naman ang naka assign diyan hindi ba?" tanong ko.

"Iyon na nga po ang pinagtataka ko, Ma'am. Pero baka po kasi ang business permit natin ay tinitingnan din nila. Sa pagkaka-alam ko po, under ng Mayor's Office ang Licensing Department."

Medyo naalog ang ulo ko sa sinabi ni Mrs. Alfon. Ang dami ko pala talagang kailangan asikasuhin! At kailangan ko pang makipag harapan sa Mayor. Oh my God! Am I really gonna see him for this? Am I ready? Pero paano ang lupa kung hindi nga ako kikilos?

Is this a set-up? I need to call Kuya Zac immediately!

"Kuya!" bungad ko agad.

"What is it, Zaccary? I'm in a meeting and you're disturbing me." tunog bored niyang sinabi.

Umirap ako. "Hindi mo ba talaga kilala kong sino 'yang nag reklamo? At hindi ba pwedeng ang legal lawyer nalang natin ang humarap? Bakit kailangan daw dumeretso ako sa Mayor? Bakit at hindi sa Assessors office?"

Narinig ko ang buhakhak ni Kuya Zac kaya mas lalo akong nairita.

"Kuya? Are you laughing at me?"

Umubo-ubo ito. Napairap uli ako. Hindi alam kung nangtri-trip ba siya o talagang naubo siya dahil sa kakatawa.

"Uhh... No, no. Hindi ikaw ang tinatawanan ko." he cough again. "Uhh, 'yong nag reklamo? Hindi ko nga nakilala. Tsaka dapat naman talaga ikaw kasi ikaw naman may-ari. Tsaka si Hex naman ang Mayor. Mabilis lang 'yan. Magpakita ka lang sa kanya, ayos na ang problema mo."

Naningkit ang mga mata ko sa sinabi niya. Hindi ko alam kung guni-guni ko lang pero parang may iba pa siyang ibig sabihin sa mga huling sinabi.

"Hindi ba talaga pwede na ang lawyer nalang natin? Tsaka hindi ba't acceptable naman 'yan? Kaya nga may mga lawyer e dahil sila ang speaker at defeander natin!"

With All MightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon