"kahit saan basta kasama kita"
Malambing pa niyang sabi

Habang ang isang kamay ko ay hawak ang monubela ang isa naman ay hawak ang kamay ng aking mahal

"Naku ang lambing naman ng Love ko ha,alam ko na maglong drive nalang tayo hanggang sa makapag desisyon tayo kung saan magandang pumunta"

"Sige ba mas exciting yun love"
Pag agree pa niya

Mahabang mahabang drive,tigil sa magagandang view at picture doon

Kain sa mga restaurant na kakaiba sa aming dalawa

We are just enjoying this trip together.

Hanggang sa mapadpad kami sa isang tahimik at magandang beach na for lease.

"Ang ganda ganda naman nito sayang kung ibebenta hindi ba love"
Nanghihinayang pa niyang sabi

Sa totoo lang tama siya thou malayo pero worth it naman dahil sa ganda nito malinaw ang tubig at mukhang tahimik at masarap palagyan ng rest house.

"Tama ka,I don't know kung ano ang mali sa lugar bakit ibebenta"

"Hayst,kung ako ang may ari hindi ko ito ibebenta"

"Then why don't we ask her about the price"

"what do you mean?"
Nakakunot noo niyang sabi

"We can buy this naman para meron na tayong puntahan lagi"

I actually started to like beach because of her

Nahahawa na ako sa kaniyang hilig na naeenjoy ko din lalo na pag kasama ko siya.

"Baliw,ano ka ba we can visit naman for free hanggat hindi pa nabebenta e"

"ikaw bahala"
Tangi kong nasabi kaya hinila ko nalang siya para maglakad lakad sa tabing dagat.

END


"Alam mo hindi nakakasawang tumambay sa lugar na ito,lalo na at kasama ka,feeling ko ito yung pinaka safe na lugar"
Aniya habang nakahiga sa dibdib ko

"This is what I always dream of,having someone sitting by my side and watching the sunset....and I'm happy because I have you"
Dagdag pa niya

Those words na nagpapakilig sa akin ewan ko ba kung bakit ganito ang epekto niya

"Aray"
Sigaw ko pa na kinatayo niya

"Bakit anong nangyayari sayo"
Nag aalala pa niyang sabi

"Dito *sabay turo sa aking dibdib* dito ang bilis....ng mga kabayo"
Nakunot noo naman siya sa sinabi ko

"kainis ka akala ko kung ano pinakaba mo ako"
Kinurit pa niya ako at hinampas

"Ikaw kasi pinapakilig mo ako e"
Ani ko at niyakap siya

"Baliw"

"Sayo"

"Alam mo lasing kana ata"
naiinis pa niyang sabi

"Oo nga,nalasing na ako sa pagmamahal mo"

"Ewan ko bahala ka"
Aniya at tumayo

Kaagad ko naman siyang hinila hanggang sa mapayakap siya sa akin

"I love you love"
Ani ko at madiing hinalikan siya

Kasabay ng halik na yun ay ang paglubog ng araw

Matatapos ang araw na nagmamahalan kami pero sinisigurado ko na magbubukas ang panibagong araw na mahal pa rin namin ang isa't isa.

"Ang daya mo talaga"
kinagat niya ang pambabang labi ko kaya nahiwalay ito sa akin

UNDYING YOU Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang