Akin ka Lang!

1.7K 39 0
                                    

   "Matulog ka ng maaga, pupuntahan natin Lolo at lola mo sa Ilocos bukas." sabi ni daddy.

               "Hindi na muna ata ako sasama, daddy. Madaming trabaho sa opisina." sagot ko.

               "Sa atin naman iyon, tsaka magpahinga ka naman." sabi ni daddy. "Eversince umalis yong crush mo naging busy ka na lang lagi, magkikita at magkikita naman kayo noon kaso, you never went back there!" sermon ni daddy.

                "Daddy, that was 8 years ago." sambit ko.

                "Exactly! That was 8 years ago and yet,you still haven't move on!" sagot ni daddy. "Come with.us tomorrow to Ilocos, you need to relax!" dagdag ni daddy at iniwan ako sa salas.

               Ako nga pala si Nadine Montes, 25 years old at ako ngayon ang namamahala sa itinayong kompanya ng daddy ko.

              You might be asking what happened 8 years ago. Well, 8 years ago, napilitan akong magdorm malapit sa school dahil pupunta sa ibang bansa sina mommy at daddy dahil gusto nilang magtravel around the world. Ayaw nila akong iwan sa mansyon dahil delikado daw na mag-isa ako doon kasama lang ng mga katulong kaya pinagdorm nila ako.Mahirap sa una pero noong nasanay ako ay parang wala lang. Sa stay ko doon ay may mga nakilala ako, may mga naging kaibigan at kaaway.

            "Mang-aagaw ka!" sampal sa akin ng babaeng hindi ko naman kilala.

            "T-teka ! Sino ka ba ?" tanong ko habang hawak hawak ang pisngi ko na sinampal niya. Bigla bigla kasi niya akong sinugod sa entrance ng dorm.

            "Ako lang naman ang girlfriend ni James, ang lalaking nilalandi mo!" sigaw niya sa akin.

            "Teka lang po ate, hindi ko po inaagaw sayo si James." sagot ko. Sasabunutan niya sana ako pero buti n lang at dumating yung guard na nagbabantay.

            "Ano ang nangyari dito?" tanong nang guard.

            "Ang malandi kasing babaeng toh, inaagaw ang boyfriend ko! Pati boyfriend ng ibang babae dito ay nilalandi niya!" sigaw niya.

             "Hoy! Sinong nagsabing nilalandi at inaagaw ni Nadine ang boyfriend mo?" biglang sigaw ng kararating na si Aira, isa sa mga kaibigan ko.

             "Iyong mga lalaki kaya ang lapit ng lapit kay Nadine eh!" dagdag naman ni Chloe. "Hindi na nakapagtataka kung bakit lapitin ng lalaki si Nadine dahil mabait, matulungin, maganda at sexy siya!"

              Lapitin nga ako ng mga lalaki noon at madaming nanliligaw sa akin pero iisang lalaki lang ang bumihag ng puso ko... Si Jason .. Ang lalaking laging umiisnob sa akin.

               "Jason, si Nadine oh!" sabi ni Mike, sabay turo sa akin.

               "Hayaan mo." rinig kong sagot ni Jerson.

               "Asus! Kunyari ka pa .. Alam ko naman na todo bant ----" Hindi na naituloy ni Mike ang sasabihin niya dahil tinapunan siya ni Jason ng death glare.

               Lumipas ang mga buwan at summer break na, ngunit hindi ko pa siya nakakausap. Ni hindi ko man lang nasabi sa kanya ang nararamdaman ko. At dahil doon ay hindi na ako bumalik doon.

               8 years na pero hindi ko pa din siya magawang malimutan. Tama nga siguro si daddy, I need a break.

               "Andito na tayo." sabi ni daddy. Bumaba ako ng sasakyan at laking gulat ko na lang at hindi ito ang Ilocos kaya pala parang ang bilis ng biyahe.

One Shot CollectionWhere stories live. Discover now