Nasa gitna ako ng pag-aaral para sa nalalapit kong board exam nang biglang tumunog ang alarm ng cellphone ko.
Alarm 3:00am
Iyon ang nakalagay sa screen ng cellphone ko. Nagtataka ako kung bakit ito nag alarm, eh hindi naman ako nag-set nito. Pilit kong inalala kung kailan ko sinet ito. Hindi ko parin matandaan, kaya sa halip na sasayangin ko lang ang oras ko sa walang kwentang alarm na yo'n, ay ibinalik ko nalang ang atensyon ko sa librong binabasa ko.
Ilang segundo pa ang lumipas ay napatalon ako sa biglang pag-ring ulit ng cellphone ko na sinabayan ng tatlong malalakas na katok sa pintuan ng k'warto ko. Una kong tinignan ang cellphone ko na nagri-ring parin.
000. Iyan ang numerong tumatawag sa'kin. Balak ko na sana itong sagutin pero biglang may kumatok ng tatlong beses ulit sa pintuan k'warto ko. Mabilis, malakas, at marahas.
Tamad akong tumayo at lumapit sa pintuan ng k'warto ko habang nagri-ring parin ang cellphone ko.
"Sino ba kasi ang baliw na pupunta sa apartment ko ngayong disoras ng gabi?" inis kong tanong sa sarili ko.
Sabay kong sinagot ang tawag at binuksan ang pintuan ngunit bago ko pa man makita kung sino 'yong kumatok, ay agad niya akong hinila papasok ng k'warto ko. Sa sobrang bilis ng pangyayari ay hindi ko napansin na nagtatago na pala kami sa isang kabinet.
"Sino ka ba--" Hindi ko natuloy ang sinasabi ko nang bigla niyang tinakpan ang bibig ko.
"Tumahimik ka kung gusto mo pang mabuhay," makapanindig-balahibo niyang bulong sa tainga ko.
Kahit wala akong nakikita, batid kong may pumasok sa k'warto ko. Sumilip ako sa maliit na butas ng kabinet. Halos himatayin ako sa nakita ko. Naglibot siya sa buong kwarto ko na tila may hinahanap.
Sino ba ang hinahanap niya? Ako? Bakit naman? Ano'ng kailangan niya sa'kin?
Bahagya pa siyang yumuko at tinignan ang mga librong binasa ko.
"Lumabas ka!" Napatalon ako sa biglang pagsigaw ng nilalang na pumasok sa k'warto ko.
Nag-aalala kong tinignan ang lalakeng kasama ko ngayon. Kahit madilim ay kita ko parin ang mukha niya dahil sa siwang ng ilaw mula sa butas ng kabinet.
"Inuulit ko, lumabas ka!" Napapikit ako sa lakas ng sigaw ng lalake sa labas. Kahit na nanginginig na ako sa takot, ay sinilip ko parin ulit ang nilalang na pumasok sa k'warto ko. Sobrang laki ng pangangatawan niya at sa unang tingin palang ay para itong isang halimaw. May dala siyang makapal na patpat na gawa sa metal sa kanang kamay at isang kalawit sa kaliwang kamay. Magulo ang buhok nito at may malaking piercing sa ilong.
Hindi ko ito kayang tignan kaya bahagya akong umatras. Napansin ko ang cellphone ko na sinagot ko kanina. Akmang ilalagay ko na ito sa tainga ko nga biglang pinatay ng lalakeng kasama ko ang tawag.
Kunot-noo ko siyang tinignan. Hindi niya ako pinansin at sumilip ulit sa butas.
"Huwag mo'ng uubusin ang pasensya ko! Hindi ako nakikipaglaro dito! Lumabas ka!" sigaw ulit ng halimaw.
"Hawakan mo ang kamay ko at pumikit," muling bulong ng lalakeng kasama ko.
Nagdadalawang-isip ako kung gagawin ko ba 'to o hindi. Isa lamang estranghero ang kasama ko ngayon. Pwede niya ako iligtas at pwede rin niya akong patayin. Nakalahad parin ang dalawang kamay niya.
Mas lalo akong kinabahan nang makarinig ako ng malalakas na yabag na papunta sa kabinet na pinagtataguan namin. Tila nawala ako sa sarili ko at hindi ko alam kung ano ang gagawin.
YOU ARE READING
Once Upon That 3 Am | #AdAstraAward2020
Mystery / ThrillerKamatayan. Iyan ang bagay na kahit na anong gawin natin ay hindi ito maiiwasan. Pwede mong pahabain ang buhay mo sa pamamagitan ng pagiging malusog ngunit pagdating ng araw, mamamatay at mamamatay din tayong lahat. Kung ikaw ay mabibigyan ng pagkak...
