Chapter 10: Lorenzo

4.8K 143 74
                                    

Chapter 10:  Lorenzo

“I told you Gail, sasama ako!” narinig kong boses ni James sa likod ko.

Nag-aayos ako ng gamit dahil nililipat ko na ang gamit ko sa kabilang kwarto.

Yes, we’re back to the fact na we have different rooms although we are married. I sighed.

“James, I also told you na sandali lang ako Kayla Mama.” Sabi ko sakanya at nilagpasan siyang nakasandal sa bukas na pintuan na kwarto niya.

I entered my room and settled the boxes on the floor. I will fix them later pero for now, I have to get ready dahil pinapapunta ako ni mama sa bahay namin dahil may gusto daw makita ako at ikakatuwa ko daw iyon?

No one ever crossed my mind. Si James lang. Pero andito siya. Weird. Paano, puro si James lang ang laman ng utak mo.

God, I am going insane.

“No. Sasama ako, its final. I’ll wait for you downstairs.” Sa totoo lang hindi ko alam kay James kung bakit ba ang kulit nyan, pagkauwi ko kasi ng bahay kanina, nagulat nalang ako nasa sala siya at nakaupo lang ng prente sa aming sofa. Parang may inaantay ito.

He told me kung may pupuntahan daw ba ako and kung may tumawag daw saakin.

He’s too weird. Kasi para siyang manghuhula. “Yes may pupuntahan ako, kaila mama, pinapapunta niya ako, tumawag siya kanina.” Yan pa ung sabi ko sa kanya habang weird na nakatingin sa kanya.

May alam ba siya?

Darn, nababaliw na ko. Malamang instincts lang yun ng isang James. Hays.

Mabilisan lang akong nag-ayos dahil alam kong mainipin si James and no one would want to see him angry. Takot ko lang. Ayoko na sana siyang abalahin pa dahil alam kong sunod sunod ang meetings niya sa company dahil nakipagmerge siya sa corporation ng kanyang pinsan na si Mrs. Joshua Steven Hoa. I heard that he is now a happy family man, dahil buntis ang asawa nitong si Mrs. Hoa na naging kliyente ko. Napangiti nalang ako ng mapait. She deserved happiness. Sana ako rin.

“Hey, matagal ka pa ba dyan?” sigaw ng asawa ko. Damn, ilang minutes pa lang ha. I told you, napakamainipin niya.

“Pababa na!!”  sigaw ko pabalik at muling nginitian ang sarili sa repleksyon ng salamin.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 09, 2015 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Lucky Wife of a Cassanova Where stories live. Discover now