Sophia

17 4 1
                                    

Rozelle's POV

Dalawang araw na ang nakaka lipas simulang nabalitang nawawala si Sophia Grace. Hanggang ngayon walang nakaka alam kung nasan sya. Ang alam namin yung parents nya nireport na sa Police but untill now wala pa ring balita. Ang daming chismis na kumakalat na baka dinukot sya dahil maraming pera ang pamilya nya. Kaso ang nakaka takot na balitang kumakalat sa school ay baka patay na sya. Ang daming kaibigan ni Sophia ang nag tutulong tulong mahanap sya. May nag post na nga sa Facebook and Twitter ng about sakanya.

Nung una wala naman talaga akong pake kay Sophia pero habang tumagal mapapa isip ka kung nasan ba talaga sya at kung ano ang nangyari na sakanya.

Nandito ako sa may Cafeteria ng school nag papalipas oras kasi may vacant akong 2 hours. Kaya ang ginagawa ko dito nanunuod lang ng Teleserye sa YouTube. Mahilig kasi ako sa drama kaya pati buhay ko madrama na. Lol.

"Pwede ka ba mainterview?" Napalingon ako sa nag salita. Lalaking naka jacket at naka suot ng eye glasses ang bumungad sakin. At mukhang nasa 30s na to. "Wag ka mag tataka. I'm Detective Clifford Cruz. I'm here to investigate Sophia's case. Alam mo namang dalawang araw na syang nawawala." Tumango ako sa sinabi nya.

Pina upo ko sya sa harap ko. May dala syang maliit na notebook and isang metal na ballpen. May sinusulat sya doon pero hindi ko makita kung ano yun. Pag tapos nyang mag sulat humarap sya uli sakin.

"Gaano mo kakilala si Sophia?" Tanong nya.

"T-teka po. Mawalang galang na po Mr. Detective pero bat ako po yung tinatanong nyo about dito kasi sa totoo lang hindi ko po sya kilala.. I mean never ko sya naka usap. Oo nakikita ko sya dito but never kaming nag kausap ni Sophia." Sagot ko. Naguguluhan kasi ako.

Bigla nalang may susulpot na detective sa harap ko. Ano to Movie? Sa movie ko lang to nakikita eh.

"My bad. Hindi ko na explain sayo iha. Nag sasagawa kami ngayon ng mga interview sa mga estudyante na naka sama nya bago sya mawala at sa mga schoolmate nya. Baka meron kaming masagap na matibay na ebidensya sa pagka wala nya... " Narinig ko syang mag buntong hininga. "Sa totoo lang.. ang meron lang kami ay ang CCTV footage sa parking ng school. Doon sya huling nakita."

"Sir--"

"Call me Clifford."

Tumango ako. "Ah yes. Clifford ano ba matutulong ko dito sa kaso na to." Tanong ko. Kasi ako wala naman akong maisip na maitutulong kasi di naman kami nag uusap ni Sophia ever since nag aral ako dito.

"Sa totoo lang nandito lang ako para mag tanong sayo. Kilala mo ba yung boyfriend nya? Yung taga Marketing department." Tanong nya.

Huh sino yun?

"Po? Diba yung boyfriend nya artista? Yun kasi yung balita dito sa school." Naririnig ko lang sa chismis. Pero hindi ko din sigurado hahaha

May tiningnan sya sa notebook nya. Parang may mga naka sulat dun na sya lang ang nakaka intindi.

"Hmm.. iba iba ang sinasabi nyo." Tumingin sya sakin. "Eh si Zico Martin kilala mo ba yung taong yun.

Agad akong umiling sa tanong nya. " Sa totoo lang po Clifford iilan lang kilala ko sa school na to. Hindi ko kilala yung Zico na yan. Promise po and kapag may alam naman ako sasabihin ko kaagad sainyo. "

Biglang tumunog yung phone nya mukhang may nag text. "Ah sige kailangan ko na rin umalis. Salamat sa oras mo.. sorry ano nga uli pangalan mo Miss?"

" Rozelle. Rozelle Ortega" tumango sya at ngumiti sakin.

Pag tapos nun nag paalam na sya na aalis sya. At sakto naman ng pag alis nya ay kailangan ko na pumunta sa susunod kong klase. Buti nalang hindi nalate kasi hindi ko na malayan yung oras.

--
Dismissal na. Buti nalang natapos na yung klase ko makakapa hinga na ako. Kaso nung nag lalakad na ako dito sa hallway may mga kumpulan ng mga estudyante. Mukhang may pinag kaka guluhan sila dito.

Kaya ako naki tingin na rin ako at sinilip kung ano pinag kaka guluhan nila.

Papalapit palang ako pero biglang may humarang sakin. Si Ronie. Shock yung mukha nya. Kaya nag taka ako. "R-ronie ano meron dito?" Pag tataka ko.

Nanghina si ronie at yinakap ako. "Rozelle... Patay na sya. Natatakot na ako dito." Sabay ng pag iyak nya.

Patay na.

Teka.

"Si sophia?" Pag tataka ko.

Umalis sya sa pag yayakap sakin. At pinunasan yung luha nya. Dinala nya ako sa pinaka malapit na bench para umupo at makapag usap kami.

"Bes, hindi namin alam kung sino gagawa ng ganon ka baboy sakanya. Napaka bait nyang tao. Wala syang nakaka away dito. " Anya ni ronie. "Yung gumawa sakanya non..." Huminga syang malalim. " Napaka hayup." Dagdag nya.

"Ano bang nangyari? Pwede mo ba ikwento sakin para malinawan ako." Tanong ko. Hindi pa klaro sakin ang mga nangyayari dito.

Tumango si ronie. "Nakita ng pulisya ang bangkay ni Sophia sa isang bakanteng lugar. Malayo dito. Narinig ko lang kanina nakita daw yung katawan nya sa may hanalili Lakeside. Yun ay napaka layong lugar kung saan sya huling nakita which is dito sa school."

"Bat naman sya mapupunta don?" Tanong ko bigla. Alam ko yung lugar na yun. Kailangan mo sumakay ng bus papunta doon at aabutin ka ng isang oras mahigit para lang maka punta don. Kaya imposibleng pumunta don basta basta kung wala ka naman pupuntahan sa lugar na yun.

At konti lang ang mga naka tira doon kahit sa kabilang barangay non kakaonti lang ang tao. Mas maraming pang puno kesa sa tao.

"Yun nga pinag tataka nila. Sabi ng mommy nya wala naman syang kamag anak doon na naka tira bat sya mapupunta sa lugar na malayo." Sumang ayon ako sa sinabi ni Ronie. " And eto pa. Natagpuan si Sophia na kompleto ang suot nyang damit walang motibo ng pang gagahasa sakanya. Ang pinaka malala lang na nangyari is nakita sya ng walang buhok."

Napa lingon ako kay ronie nung sinabi nya yun. " Huh? Ano ibig mong sabihin na walang buhok?"

Nag buntong hininga sya. " Ayon sa nag balita kanina. Mukhang binalatan sya ng buhay... Tinanggal yung buhok nya. Hindi nila ma explain bat ginawa yun. Bat tinanggal yung buhok kasama ang anit. Pero hindi yun yunh kinamatay nya. Kundi ang tatlong saksak sa dibdib."

Nabigla ako sa sinabi nya. Binalatan ng buhay?

"Ano! Sino gagawa non?! Napaka ganda nyang babae. At yung long black hair nya tinanggal mismo sakanya para saan?" Pag tataka ko.

Sinong taong gagawa non? Bat kailangan gawin yun? Anong meron sa buhok nya?

Bakit naguguluhan ako ngayon. Bakit kailangan ko maging sobrang affected sa nangyari.

Natatakot na tuloy ako. Pero ang tanong bakit nya ginagawa yun?! At sino sya?

---
New Character:
Zico Martin
Clifford Cruz

Vote and Comment.

Gusto ko mabasa yung mga thoughts nyo dito sa chapter na to. Open ako sa mga suggestions kaya comment lang.

Love you guys.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 28, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

100 DaysWhere stories live. Discover now