Ashirah Gray : Chapter 1

21 22 11
                                    

Naalala mo ba? o naaalala mo pa ba kung kailan o kung paano tayo unang nag kita?

Isang Gabing wala akong magawa.. nang maisipan kong mag bura ng mga mensahe sa Messenger ko. Nakaka ilang back read narin ang nagawa ko sabay delete nito. Nang mapansin ko ang isang App kung saan maari mong maka chat ang mga dimo kilalang tao.
May kung anong kalokohan ang pumasok sa utak ko at inumpisahan i open ulit ito.

Pinindot ko ang "Chat " at lumabas ang nag sisilbing profile ng isang babae .. profile mo.

Yay! Found you a chat
Ashirah 24
🚗 69 km away
🏠 City of Urdaneta

Chat long enough to reveal photos and names😍

Type END ( to end this chat)
FRIENDS (reveal pics)
REPORT (report user)

"Hi! " Unang chat ko sa kanya.. pero hindi agad siya nag reply. "Hi mare" chat ko ulit and then Bemh! Nag Reply ka ng "Hi" "Mare?" hindi man kita nakita batid kong napakunot ko ang nuo mo

"Kamusta buhay buhay Sis?" Chat ko ulit sayo, na papa ngisi nalang ako dahil sa kabaliwang sinasabi ko sayo.
"Sis?" Takang reply mo, "Ayaw mo? sige Love nalang!" Pabirong reply ko Masaya ako dahil napatawa kita.. sa unang pag kakataon sabay reply mo ng "Nakakatakot" "Smooth hahaha kamusta?" muli kong chat sayo.. tapos nag reply ka.. hanggang sa inabot na tayo ng umaga..

Nakaka tuwa kang ka chat, sinabihan mo ako ng walang sense kausap, kahit ganoon ka rin naman noong una, napatawa mo ako kahit mga waley ang jokes mo, dinramahan mo ako napa iyak mo ako sa mga kwento mo tapos lumabas picture natin.. Hindi ko sukat akalain na totoong picture ng tao ang lalabas duon kadalasan kasi ay mga anime lang o mga picture ng sikat na artista.

Sandali kong tinitigan ang mukha mo. Ang ganda ng mahaba at medyo naka wave mong mga buhok ang ganda rin ng kilay mo, mala chinita ang yong mga mata, katamtamang tangos ng ilong mapula at manipis mong labi.

Isa kang simpleng babae, mukhang anghel at inosente.. ikaw yung babaeng mahirap maging girlfriend, parang ang seryoso mo kasi at di madaling biruin, pero habang tumatagal ay mas nakilala pa kita.

Malalim ka pala, napapanganga nalang ako sa mga sinasabi mo, buti nalang at nasasakyan ko, kinikilabutan ako pag kausap kita, pakiramdam ko ay maiihi ako sa kaba. Ang ganda kase ng boses mo, kinikilig tuloy ako.

Naging mag Friends tayo sa face book at nag patuloy ang conversation natin.
Minsan hindi na kita na rereplyan dahil marami na akong pinag kaka abalahan. Hanggang sa isang araw tuluyan kanang hindi nag paramdam.

Hindi kita masisisi dahil kasalanan ko naman, di kita matanong kung bakit dahil alam kong ako ang dahilan. Ako ang unang hindi naka reply, ako ang unang nag kulang. Gusto kitang i chat, gusto kitang itext gusto kitang tawagan. Pero hindi ko nagawa.

Hindi ko nagawa dahil natakot ako, natakot na sumbatan mo ako, natakot na baka baliwalain mo ako. Na takot na baka masaktan ako pag narinig kung anong sasabihin mo. Patawarin mo ko! Kasalanan ko, patawarin mo ako.. kung sa unang pag kakataon na Duwag ako.

ASHIRAH GRAYWhere stories live. Discover now