Prologue

564 19 0
                                    


"MOMMY.... DADA... " sigaw ni White Feather habang umiiyak.

Nakita nya kung paano pinatay ang kanyang mga magulang at nangyari pa yon sa mismong kaarawan nilang mag kambal.

Tinakpan kaagad ni Black Wing Gel ang mata ng kanyang kambal dahil nahihirapan ito huminga once na makita ng kapatid nya ang mga DUGO.

Tumakbo silang dalawa habang may blind fold sa mata ni White.. Malakas ang pakiramdam ni White kaya kahit na may blind fold sya sa mata Hindi sya na dadapa.

Hinahabol sila ng isang lalaki kaya binilisan panila ang kanilang pag takbo.
Mahigpit na nakahawak si Black sa kamay ng kanyang kapatid.

Nag tago sila sa isang puno at madilim na lugar.

"Kahit anong mangyari wag kang lalabas at wag kang mag iingay at maslalong wag mong aalisin ang Blind fold mo! You understand" utos ni Black Kay White tumango naman si White. Bago pa man makaalis si Black hinawakan sya ni White sa kamay.

"Balikan mo ko Black okay!" Sabi nito Kay Black.
Hinawakan din ni Black ang kamay ni White.

May kinuha si Black sa bulsa nya.. Ito ay ang kwentas na regalo sa kanila ng kanilang Dada.

May nakasulat sa bawat kwentas na iyon.

FIGHTER ang para kay Black. Dahil Palaban sya, napakatapang nya kumpara sa iba.

At BLOOD naman ang para kay White. Dahil takot sya sa dugo.

Doon lang sila ma di determine ng pinuno ng Gangster Hell kung nasakanila ang mga kwentas na iyon.
Susi yun para sa kanilang buhay.

Dahil yun lang din ang makakapag recognise sa kanila kung sino sa kanila si Black o si White dahil sobra silang mag kamukha. Halos wala silang pagkakaiba kung titingnan mo silang mabuti.

" I will" sabi ni Black habang sinusout ang kwentas sa kapatid. Dahil sa madilim at pag mamadali ni Black di nya namalayan na nagkapalit sila ng Kwentas.

"Hoy kalbo ako ba hanap mo?" Matapang na hinarap ni Black ang kanina pang sumusunod sa kanila.
Dahil kung Hindi nya ito gagawin pareho silang dead meat ng kambal nya.

"Aba matapang kang bubwit ka ha!" Sabi nang lalaki.

Nginisian lang sya ni Black kaya nag init ang ulo nito.

Sinipa nya below the belt yong lalaki kaya natumba ito.

Tumakbo si Black pero....

BANG...

.. Pinaputukan sya ng baril ng lalaki.

Narinig ni White ang putok ng baril kaya tinanggal nya ang blind Fold nya at nakita nya kung saan tumama ang bala ng baril.

Nakita ni Black na nakitingin sa kanya si White.

Nahihirapan ng huminga si White dahil sa dugo na nakikita nya Kay Black.

Kaya bago pa mawalan ng hininga si White hinayaan nya ang sarili nya na mahulog sa napakataas na bangin.

Kasabay non ang pagpatak ng luha nilang dalawa at ang pag ka walan ng Malay ni White.

sa murang edad na labing Dalawa ganito na ang sinapit ng kambal.

Paano nalang mabubuhay si White kung wala na ang kambal nyang mag tatanggol sa ka nya sa lahat ng oras

Kakayanin nya bang mabuhay mag isa sa kabila ng lahat ng Trahedya na nangyari sa kanya?

Author: kung gusto nyong nalaman ang susunod na mangyayari. Keep reading lang po and mag vote po kayo!! Kung maari lang follow nyo ako
Thanks in advance

@SongDayang

Black Rose(Gangster Story) Completed Where stories live. Discover now