House of Annika Freud

54 2 1
                                    

Prologue

"You can rest now, Annika." The smile on his face contradicts the tears on his eyes. It is falling like a river... it would not stop that it pains me. I wanted to wipe his tears so bad but I cannot even move my tiny fingers. This man... he always cry for me. He always does.

"Stop crying... I'm here." I barely said those words as blood leaks out of my mouth; I coughed. He panicked so he immediately wiped the blood using his bare hands... now, we are both bloody like hell. A tear escaped my eyes seeing the love of my life trembling in front of me, crying like the world will stop right now. I am the only one who's dying, he can save himself and live the life I didn't have.

"Annika... bakit ang sakit-sakit naman nito." He burst out already. Tanging hagulgol niya at ang malalalim na pag-hinga ko ang namayani sa malamig at madilim na lugar kung nasaan kami ngayon... this house. This cursed house.

"Clark, promise me you'll live after this. You still got the chance, Clark. Use it, okay?" I used all the strength that I have to say those last words. Last words... dahil randam kong hindi ko na kaya. I have been fighting a good battle all my life. Pagod na pagod na ako. Mas lalong lumakas ang hagulgol niya kasabay ng matinding panginginig ng buong katawan niya. Ramdam na ramdam ko ang bawat galaw ng katawan niya dahil yakap niya ako sa mga bisig niya. I am resting on his chest and he is embracing me tightly like he wouldn't let go of me. But it's too late, I need to go now.

Pinagmasdan ko and duguan niyang mukha dahil sa mga natamo niyang sugat bago ako napapikit. I am losing it all. Sa huli ay natalo pa rin ako.

"Hindi ko kaya... ayoko..." he slightly slapped my face but I don't want to open my eyes anymore. I do love him but the pain and sufferings I've experienced outweighed that love. In the end, I am still miserable. No love can cure me.

"A-ack!" muli akong napa-mulat ng mga mata ko nang marinig ko siya. A lot of blood are coming out of his mouth...

"H-how..." I was stunned for a moment. I stared at his chest with a knife on it. Mabilis siyang natumba at nawalan ng malay. Halos hindi ako makahinga... mas masakit makita na mamatay sa harap mo ang mga taong mahal mo kesa sa buhay mo ang kunin.

Naulit na naman.

Hindi ko na kaya.

Bakit ako pa? Sa dinami-rami ng tao sa mundo, bakit sa 'kin ipinaranas 'to?

"A-annika..." he was coughing badly but still managed to call my name. Wala na akong lakas para sagutin siya. Na-manhid na ako ng sakit. "Mahal na ma-mahal kita."

"ANNIKA!!" bigla akong napa-mulat ng mata dahil sa sobrang gulat.

"Hala, kuya naman e..." mabilis akong bumangon sa higaan ko dahil may dala pa siyang sandok na pinapalo niya sa kaldero kaya ang ingay.

"Huy, bakit ka umiiyak?" pumasok din sa kwarto si Kuya Andrew kasunod ni Kuya Adrix na napa-hinto sa pag-iingay sa kaldero. Biglang kumunot ang noo niya saka ako nilapitan sa kama samantalang si Kuya Andrew ay nakatingin lang sa amin.

"Napa'no ka? Nanaginip ka na naman ba?" tanong niya saka inilapat ang palad sa noo ko. "Wala ka namang lagnat."

"No, Kuya. I'm fine, just a bad dream again," I answered shortly.

"You know what, I've watched a series where the lead character experiences consistent dreams like you, and he turned out to be a reincarnation of someone. Those dreams were his past self's memories." Kuya Andrew also sat on my bed while seriously telling us his story.

"Corny mo talagang ugok ka!" binato ng sandok ni Kuya Adrix si Kuya Andrew na agad naman nitong nasalo. Napa-iling na lang ako. They are always like this. Si Kuya Adrix ang pinaka-matanda sa amin pero parang hindi. Ewan.

"Kakain na raw ng almusal! Kayo, tatawagin niyo lang si Annika napakatagal niyo pa!" sigaw ni Kuya Aris na kakapasok lang ng pinto ng kwarto ko.

"Si Drix sisihin mo," turo ni Kuya Andrew.

"Wow sino kaya ang may kwentong reincarnation? Tama na kakanuod uy! Nakaka-aning 'yan!" pambawi naman agad ni Kuya Adrix. Lumapit si Kuya Aris sa amin at sabay na piningot ang mga tenga nina Kuya Adrix at Kuya Andrew.

"Kayong dalawa lagot na naman kayo kina Mom at Dad! Annika, baba ka na rin," hinila niya ang dalawa na sigaw nang sigaw dahil sa mga tenga nilang na-pingot.

Bumaba na rin ako matapos kong maghilamos at nandoon na silang lahat sa dining table, mukhang ako nalang ang inaantay.

"Kelan kaya mauuna sa dining table si Annika? Ha, hija?" pagbibiro sa 'kin ni Dad kaya napa-kamot ako sa ulo ko. Sorry naman, ang sarap kaya matulog pero masarap din kumain. Pwede namang kumain habang natutulog...

"Sleeping beauty raw siya, Dad," Sagot ni Kuya Andrew.

"Sleeping lang," sabat ni Kuya Adrix kaya sinamaan ko siya ng tingin. "Oh sorry sorry, sleeping beauty it is."

"Tama na nga 'yan. At dahil makulit ka Adrix, lead the prayer," utos ni Mom kaya agad na kaming nag-pray at kumain. This family is really the best. We've grown with integrity and righteousness because of our parents. They are the best!

"Ako maghahatid kay Annika ngayon," paalala ni Kuya Aris na para bang hindi naman alam ng lahat ang schedule ng paghahatid sa akin. They are really protective of me, kahit saan buntot sila e.

"Oo alam namin Aris, 'wag ulit-ulit." pambabara ni Kuya Adrix kaya muntik na siyang mabatukan ni Kuya Aris kung wala lang sina Mom and Dad sa harap nila ngayon. Takot sila e.

"Ako bukas," paalala rin ni Kuya Andrew kaya napailing na lang talaga ako. Ewan ko ba sa mga kuya kong ito.

"Ba't ba kasi ako ang last sa paghahatid kay bunso, ha? Sabagay, ako naman favorite niyang kuya," mayabang na sabi ni Kuya Adrix.

"'DI KA SURE." sagot no'ng dalawa.

"Sure ako!" at nakipagaway pa.

"Hindi ka sure." Kuya Aris.

"Sure ako!"

"Hala, manahimik nga kayo," pagbabawal ko sa kanila.

"Galit ka na niyan, bunso?" pang-aasar ni Kuya Adrix.

"Ah galit na ba 'yun? Parang iyak lang ng manok e," pakikisali rin ni Kuya Andrew. Ako na naman napag-tulungan!

"'Wag niyong bullyhin kapatid niyo, parang 'di niyo pinag-pray na lumabas 'yan ah? Ta's gaganyanin niyo," pakikisali pa ni Mom. That's the best thing about being born, that you were a product of a prayer.

"Mahal namin 'yan si bunso kahit pangit 'yan!" segunda ng Kuya kong pinakamapang-asar. Sino pa ba?

Iminulat ko ang mata ko at katahimikan ang bumungad sa akin. I looked around our house that looks so empty now. This is not our house... this is not ours. Hindi ganito ka-lungkot ang bahay namin.

"Miss na miss ko na kayo Kuya, Mom, Dad..." I cried silently on the corner. Sobrang sakit. Mag-isa na lang ako. I do not know how will I survive this situation.

"Annika," I saw him slowly walking near me.

"Clark."

Soon...

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 15, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

(Psych Academy Series #1) House of Annika FreudTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon