"Napagod ako, okay?!" bulyaw ko dahil sa pangungulit nila.

Nagulat silang lahat. Ang mga reaksyon nila ay natatawa na parang ewan. Hindi pa naniniwala sakin. Tss. nakakainis 'yong mga tao na magtatanong tapos hindi maniniwala! Sana hindi na lang sila nagtanong.

"Funny mo naman," tumawa si Seth at ang karamihan.

"It's true," umirap ako. Ako lang ang hindi tumatawa.

Ang hirap talaga kapag hindi ka pinaniniwalaan, ano? Nakaka-frustrate at nakakairita!

"The question is... magpapatuloy ka pa ba?" tanong ni Elton at naupo sa tabi ko. "You deserve someone better," saka siya umismid.

Maraming nag second motion. Halos lahat naman ng kilala ko ay 'yan ang sinasabi. I should get rid of Zoren, ang palagi nilang linya. Dahil daw hindi naman maganda ang dulot sa akin. Pero ni isa sa kanila ay wala akong pinaniwalaan.

How would they know what's better and not for me? T

"He's the best for me," bored kong sagot at samu't saring reaksyon ang narinig ko. I made a face and shook my head. Bahala sila!

I planned to give myself a rest. Hindi ko alam kung kailan ko ulit guguluhin ang buhay niya pero sa tingin ko ay medyo matagal-tagal pa.

Ilang taon na rin naman akong naghahabol. Ano lang naman ang ilang panahon na pahinga, 'di ba? I deserve to breathe without thinking of Zoren and his girls for a while.

"Buti hindi ka na-te-tempt na sumugod, Ate?" si Kenzie habang inaayos ang seatbelt niya.

Sabay kaming uuwi ngayon dahil maagang nagpa-dismiss ang coach namin.

"Nate-tempt malamang," umirap ako. "Pinipigilan ko lang talaga."

Tumawa siya ng malakas.

"Paano mo naman nagagawa 'yon? Knowing you? Jusko!"

Nilingon ko siya at namumula siya katatawa. Iba pa naman 'to tumawa. Siguro kung marinig ni Ashi ay matu-turn off siya. Pinaandar ko na ang sasakyan ko.

"I reminisce about the words he said that day..."

"That must've hurt you a lot, huh?"

Hindi na ako umimik. Ang sakit naman talaga. He doesn't want to be claimed by me... After years of chasing and owning him... wala pa rin pala talaga.

Days have passed. Nag-focus ako sa studies at training namin. Pero walang oras na hindi pumasok sa isip ko si Zoren. He's like a design tattooed in my head. Ang hirap alisin. Permanent na yata.

Sabi ko magpapahinga ako malayo sa mundong puro Zoren. Pero sa mundong 'yon, doon pala ako nabubuhay.

"I advise na manood kayo ng matches sa intramurals nila," si coach nang pauwi na ako ng miyerkules ng hapon. Nauna na sa parking lot sila Covy.

Bukas na ang intrams nila Zoren. Pinutol na ang klase ng dean hanggang biyernes. Lunes na ulit ang usad nito.

"Coach, kabisado na namin sila," sabi ko at umirap pa.

Pero ang totoo ay ayaw ko lang pumunta roon. Too toxic for me. The people and the environment.

"May bago silang member. She's good. I hope you listen to me, Captain. Hayaan mo na muna ang issue mo kay Zoren." tumawa si coach at ginulo ang buhok ko.

"Tss." Umirap ako.

Napaka tsismoso naman ni sir. Karamihan talaga ng teachers ay pakialamera sa buhay ng mga estudyante nila, ano?

"Kelly, uwi na!" sigaw ni Elton sa likod namin.

Nilalaro niya ang susi ng sasakyan niya nang lingunin ko. Ang sling ng duffel bag niya ay nasa harap. Kakatapos niya lang mag-shower sa bathroom, sa gilid ng gym. Kahit malinis 'yon ay never pa akong nag shower doon. I feel so uncomfortable.

Mid-Air Ball   (The Athletes #1) PUBLISHED UNDER KPUB PHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon