"Miss mukhang nagmamadali ka"
Pagharang naman ng isa pang lasing na lalakiNapaatras ako pero nabangga ko pa ang lalaking tinatakbuhan ko kanina
"Wag kayong lalapit,sisigaw ako"
Pagbabanta ko pa sa dalawa na tinawanan lang ako"Akala mo ba may makakarinig sayo pag sumigaw ka e gabi na at tsaka wala masyadong bahay dito"
Maloko pang sabi nito"Huwag kang matakot nandito naman kami e,papasayahin ka namin miss"
SA SOBRANG TAKOT KO AY NAPASIGAW NALANG AKO AT TINAWAG ANG PANGALAN NIYA!
"LIANDRO"
malakas kong sigaw kaya napahawak sa akin ang dalawa habang nagpupumiglas akoisang malakas na suntok naman ang lumipad sa mukha ng lalaking mayhawak ng kamay ko
"Wag ang mahal ko mga bastos kayo"
"Liandro"
patakbo naman akong pumunta sa likod niya"Wow ano ito Romeo saves you haha hindi na yan uso mabuti pa hayaan mo na kaming matikman ang binibining yan"
"Oo nga at tsaka pwede ka naman sumali kung gusto mo basta ikaw ang huling yuyugyog"
Pambabastos pa nila at nag apir pa"Dito kalang wag ka aalis"
Nilayo layo niya ako sa dalawa at tatakbong sinuntok ang isa habang yung isang lalaki ay susugurin siya sa likod"Wag ang mahal ko tandaan mo"
Dere deretsong suntok ang pinakawalan niya dito na siyang kinahina nito"ang lakas mo ito ang sayo"
Naglabas naman ito ng kutsilyo at kaagad na sumugod
Mabuti nalang at naiwasan ito ni Liandro
Pero bahagya siyang nahagip nito sa kaniyang braso kaya nasugatan siya
"Mag ingat ka"
Nag aalala ko pang sigaw dito"Papatayin kita hayop ka! Binastos mo ang mahal ko sisiguraduhin ko na hindi ka na makikilala pa ng mga tao demonyo ka"
galit na galit na sabi nito habang bugbog sarado na ang mukha ng lalakiPilit kong pinipigilan siya pero ayaw nitong maawat
Mabuti at nagkita ako ng mga taong paparating na mukhang mga tanod kaya agad akong humingi ng saklolo!
"Mga kuya tulong"
"Kuya tulong awatin niyo na kasama ko ayun oh"
Paghingi ko pa ng tulong sa mga ito na kaagad inawat si Liandro"Sir tama na po,sir"
"Liandro tama na,tayo na"
Mabilis ko siyang hinaklit at niyakap ng sa ganun ay tumigil at kumalma siyaNaramdaman ko pa ang mabilis na tibok ng puso niya
Kasalanan ko kung bakit siya nagkaganito
Kung bakit nagalit at nakapanakit siya
"Mam okay lang po ba kayo"
"Okay na po ako na bahala sa kaniya"
"Sige po Mam,Sir pasensya na po mauna na po kami at madala ang mga ito"
Ani kuya na hawak hawak ang isang bastos na lalakiNaglakad kami pabalik sa lugar kung saan kami dapat makain
"Bakit ba ang hirap mo sabihan ha"
Naiinis ko pang sabi dito habang naglalakad kamiSa totoo lang naiiyak na ako,naiiyak ako sa takot dahil sa kung anong pwede mangyari sa kaniya
YOU ARE READING
UNDYING YOU
RandomWHEN YOU ARE WILLING TO FORGET ABOUT THE PAST BUT THE FEELINGS ARE STILL AND NEVER FADE IN YOUR HEART. Isang babaeng handang gawin ang lahat para lang sa buhay na binuo niya sa pamilyang hiniling niya at sa anak na buong buhay niya ang nilalaan. Si...
CHAPTER 7
Start from the beginning