Lumayo siya sa akin na para bang nag iisip sa pwedeng mangyari pero hindi ako pinanghinaan ng loob na umamin sa kaniya

Tulad nga ng sabi nila kapag mahal mo ang isang tao gagawin mo ang lahat

Aamin ka ng totoo at tatanggapin mo ang kaniyang maging desisyon.

Para sa akin ang pagmamahal ay hindi tinatago o iniiwasan bagkus pinaparamdam at sinasagawa ng buong puso.

"Liandro ano ka ba,ilang buwan lang ba tayong nagkakilala mukha ngang wala pang isang buwan. Sasabihin mo na gusto mo akong mapasaya? Sa anong kadahilanan"
Medyo may inis pa niyang sabi at akmang lalakad palayo ng napatigil siya sa sinabi ko

"Dahil mahal kita Belinda,mahal na kita Ms.Tan! Oo siguro mahirap paniwalaan pero yung puso ko kasi isa lang ang gusto sabihin na ikaw lang yung taong nagpalambot sa puso ko."
Naiiyak ko ng sabi

"You didn't know how happy I am ng nakilala kita. I love the way you smile,I love your care,your lips,your eyes I love everything about you. I love you yun ang alam ko"
Dagdag ko pa na hindi kinaya ng mga luha kong magsilandas

Dahan dahan akong lumapit sa kaniya at marahang hinaplos ang namamasa niyang pisngi

"Bakit ka ganyan? Akala mo ba ikaw lang ha? Ewan ko pero natatakot ako na baka katulad ka rin ng iba,na baka mapagod ka rin sa akin kasi ako yung taong nagiging unfair dahil masyado akong subsob sa work and ikaw,Liandro ayokong maranasan mo yun ng dahil sa akin"

"Mabuti kang tao,at napatunayan ko yun sa maiksing panahon na kasama kita kaya masasabi ko na you deserved someone better,yung papahalagahan ka at hindi makakaramdam ng pagkukulang sa taong mahal mo"
Dagdag pa niya at kumalas sa pagkakahawak ko

"Belinda please al..."

"Liandro please nakikiusap ako,baka nabibigla lang din tayo sa nangyayari"
Nakangiti pa niyang sabi at tuluyang umalis

Para akong napako sa kinatatayuan ko at hindi alam ang gagawin. Paulit ulit para akong ilang beses binusted ng taong mahal ko.

Tanggap ko ang takot at desisyon niya.

Pero hindi ko sinabing titigil na ako sa oras na magdesisyon siya

Ramdam ko na mahal niya din ako at papatunayan ko sa kaniya na iba ako sa mga taong nakilala niya.

Belinda's POV

Tanga ka!

Tanga Belinda

Alam mo yung si Homer Liandro Santos lang naman yung tinanggihan mo!

Yung taong kita ko na handa akong mahalin pero......

Belinda Tan ano bang nasa isip mo baliw ka!!!!

Napatigil naman ako sa paglalakad ng mapansin ko na masyadong madilim at wala ng tao sa paligid ko

"Baliw ka talaga selp ni hindi mo nga alam ang lugar na ito tapos nag walk out ka pa"

"Ano na gagawin ko"
Pabulong ko pang sabi..

Natatakot na ako seryoso dahil paunti din ng paunti ang bahay na nadadaanan ko at hindi ko alam kung tama ba ang nadadaanan ko

Binilisan ko nalang ang lakad ko para makarating sa bus stop kung meron man

"Psst....miss"
mas binilisan ko pa ang lakad ko ng maysumisitsit sa aking lasing na lalaki

Naaamoy ko ang alak na parang pinanligo niya sa sarili niya dahil siguro sa sobrang kalasingan

UNDYING YOU Where stories live. Discover now