"Siissss!" Tawag sa akin ni Briz. My gay classmate slash bestfriend.
Mas babae pa yan gumalaw kesa sa akin HAHAHA. Ako lang yung kaibigan niya dito sa campus kase yung ibang babae halos reypin na siya. Well he's or she's? Ay both na nga lang! Basta that gay is a good looking person.
"Pahiram liptint beh." Kinuha ko ang liptint ko at binigay sa kaniya.
"Bago 'yan beh 'wag mo ubusin ha? Yung isa kong liptint wala pang one month ubos na kakahiram mo." Kunwaring masungit na sabi ko dito. I really don't mind if he borrows my thing. Nagpapaalam naman si bakla eh.
"Love mo naman ako bhie eh HAHAHAHAHAHA!" Yawang bakla grabe humalakhak. May pahampas hampas pa.
"Eira? Pwede ba magpaturo?" Tumingin ako kay Kiro at tumango.
"Sure sure. Sa library tayo?" Tanong ko dito at tumingin kay bakla na nakatitig kay Kiro. Nainlove na naman ata si Brile Zeus, btw nickname niya yung Briz hehehehehe para daw sosyal.
"Sige tara na?" Nilahad ni Kiro ang kamay niya. May paganun ang kuya n'yo mga bhie HAHAHA prince charming ang peg.
"Hoy bakla sama ka?" Tumingin si Briz sa akin at binalik ang tingin kay Kiro.
"Sigi bhie taraletz." Naunang maglakad si Briz. Kumekembot pa si bakla habang naglalakad HAHAHA.
Pumasok kami sa library at pumirma. Kelangan kasi 'yun para malaman kung sino sino ang gumamit ng mga libro. In case daw na may mawala ganorn.
Umupo kami sa pinakadulo. Inilapag ko ang mga gamit ko sa table at umupo. Tumabi naman sa akin si Kiro. Si bakla naman kaharap ko.
"Patingin ako ng notes mo Kiro. Meron ka ba?" I asked.
Napakamot sa batok si Kiro at umiling.
"Ay ako bhie meron!" Kinuha ni Brizz yung notebook niya at ibinigay sa akin. I grab it and read his notes. Infairness malinis ang sulat ni bakla.
Sinimulan ko na ang pagtuturo kay Kiro. Paminsan minsan ay nagkakadikit ang ulo namin dahil sa sobrang lapit niya. Wala namang malisya 'yun kaya okay lang siguro?
"Cr lang ako bhie." Pagpapaalam ni Briz, tango lang ang isinagot ko sa kaniya.
"Wait lang may kukunin lang akong libro." Tumayo ako at pumunta sa mga nakahilerang libro. Nang makita ko ang librong hinahanap ko ay kinuha ko agad. Alangan namang titigan ko lang diba? Char.
"Ay palak—oh Briz ba't ka nandito?" Pisting bakla bibigyan ata ako ng heart attack.
He pinned me on the wall and intensely look at me. Shuta problema nitong baklang 'to?
"Don't you ever do that again." He...fvck what happened to his voice?! Pota ang manly hayop siya ba talaga 'to?
"H-huh? Ano bang pinagsasabi mo hahahahaha." I awkwardly laugh while avoiding his gaze. Lecheng bakla naman oh.
"Hindi mo na ulit tuturuan si Kiro. Ako lang dapat." Ano daw? Ang weird niya talaga ngayon.
"Bakit naman?" He took a deep breathe and leaned closer.
"I like you." My eyes widened. Pusangina izzaprank ba itetch?
"Ang hilig mo talaga mag joke HAHAHAHA—" Fowta yung...yung first kiss ko!! He stole my first kiss! Punyetang bakla.
"Do you really think that i'm a gay? No baby i was just pretending." Hala ka self nahulog ka sa patibong ni bakla. Anak ng tokneneng lalaki pala siya talaga?! I mean lalaki naman talaga siya pero yung ah basta!
"Malay ko ba! Siraulo ka." He just laugh. I can't believe this is happening.
"From now on i don't want you to get closer with some other guys okay?" Hinawakan niya ang kamay ko at nilagay sa bulsa niya ang isa niyang kamay. Pacool si bhie...bhietlog HAHAHA joke.
"Okay?" I gulped. Tumingin ako sa kamay naming magkahawak. Oh my gawd Lord forever ko na ba 'to?
Bumalik kami sa pwesto namin kanina at nakita kong bakante na ang inuupuan ni Kiro. Nakita kong may sticky note na nakalagay doon sa table.
"Congrats! Umamin na sayo si Briz 'no? Thanks me later, it's my plan dear. Btw pakisabi kay Briz dalhan niya ako ng burger at chuckie. Utang niya sa akin 'yun. From Kirogwapo." Basa ko sa sulat niya at tumingin kay Briz.
"Magkaibigan kayo ni Kiro?" Tanong ko kay Briz na nakataas ang isang kilay.
"Yeah, akala ko nga kanina popormahan ka nun kaya ako umamin. Fvck him." Naiinis na sabi niya. Natawa ako dahil sa inasta niya. HAHAHAHA takot maagawan eh?
"Uwi na tayo. Anong oras na pala." Niligpit ko ang mga gamit ko, ganun rin ang ginawa ni Briz.
"Ihahatid kita." I shook my head. Nakakahiya naman 'yun like my ghad i'm still shockenning mga bhie. Choss.
"'Wag na kaya ko naman hehe." Napatingin ako sa labi niya. Wala na yung liptint pfttt.
"Just let me." Hinila niya ako kaya wala na akong nagawa kundi magpakaladkad sa kanya.
Hindi ko talaga akalaing may gusto sa akin ang akala kong baklang kaklase namin.
