Suplado lang siyang naglalakad. Hindi naman mabilis kaya kahit papaano ay hindi ako napapagod kasusunod.

"If answering your question will only make you at ease, then I won't."

"So, hindi mo siya gusto?" I asked when I thought of his statement.

Nagulat ako nang may biglang sumulpot sa amin mula sa kaliwa. Nagulat din ang babaeng kinaiinisan ko ngayon. Halata sa itsura niya na hindi niya ako inaasahang makita!

"What are you doing here? Hanggang dito ba naman? You're really one hell desperate!" sigaw niya.

Wow, attack agad?! Inis na inis? Sino kaya ang nang-aagaw?

"Yes! I fucking am!"

"Let's go outside. Ayaw ko ng gulo rito sa loob," malamig na sabi ni Zoren at nagmadaling naglakad palabas.

Wala akong magawa kundi ang sundan siya. Habang naglalakad kami palabas ay nagsasagutan kami ni Dimples. Si Zoren naman ay parang walang pakialam, parang sanay na sa mga ganitong sitwasyon.

"Bumalik ka na nga sa school mo! Napaka desperada mo!"

"The hell you care? Do you fucking own this school? And FYI, I don't accept orders from low class bitches like you," irap ko at hinarap si Zoren nang makalabas na kami ng school. Medyo malayo na kami sa gate pero marami pa rin namang estudyante rito.

"Did you just call me a bitch?!" she gasped.

Ew. Hinarap ko na lang ng mabuti si Zoren. Hindi naman siya ang pinunta ko, bakit ba siya nakikisali?

"Zoren naman! I've been fencing you for a long time now! Hindi ka pa rin natuto!"Sa kanya ko binuhos ang frustration ko.

He just stared at me. He didn't even give me a word! Just breaths! Puro hininga! Anong gagawin ko sa mga hininga na 'yon?!

"I don't want you entertaining girls or even paying them attention! Tapos malalaman ko na kasama mo 'yang ipis na 'yan sa library?" halos maiyak kong bulyaw sa kanya.

Galit na galit talaga ako. Lalo na't nandito sa harap ko ang kalandian niya kanina. Nagpakita pa talaga?! Ang kapal ng mukha niya, hindi ba?

"Hayaan mo na siya Zoren. You promised me a lunch—" pinutol ko kaagad iyon dahil klarong klaro sa tenga ko ang narinig!

"Ay, wao, putang ina may pa lunch date pa kayo?!" sarkasmo ko at hindi ko na mapigilan ang sarili ko. I've already been controlled by my emotions as of now and I don't think I can stop myself any longer.

Ito ang pangalawang beses na sobra akong nagseselos. Ang una ay noong sumama siya sa bahay ng girl classmate niya to do a pair activity. Silang dalawa lang sa isang bahay! I remembered being so aggressive before.

"Can you watch your mouth?" inis na sabi ni Zoren at ngumisi si Dimple.

"How can I watch my mouth when I couldn't even see it?!" dahil sa galit ko, pinilosopo ko na siya.

"Bumalik ka na nga sa school mo!" inis na sigaw ni Zoren sa akin.

Nagulat ako nang tinulak ako ng ipis. Napaatras ako ng kaunti. My mouth opened a bit. I glared at her, and Dimples grabbed Zoren's blazer like a tiny kitten. Now you're scared? After you threw violence first, do you think I'd let the chance to hurt you slip away?

Hinugot ko ang buhok niya ng walang pakundangan. Tumili ito sa sakit at walang magawa. Umaawat na si Zoren pero dahil sa galit ko ay ayaw ko siyang bitawan. I can already hear her sobs. Ayaw na ayaw kong pini pisikal ako dahil babawi at babawi talaga ako!

Naramdaman kong may bumuhat sa akin sa bewang. Nasama pa si Dimple ng bahagya. Sa takot na maisama ang ulo niya ay binitawan ko na ang buhok niya.

"What the fuck, Kesian!" sigaw ni Zoren na nakapagpagulat sa ibang taong naroroon.

Mid-Air Ball   (The Athletes #1) PUBLISHED UNDER KPUB PHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon