Chapter 1 "DIARY"

70 3 10
                                    

“DIARY” CHAPTER I

SAM: Five years na akong naghihintay

Sam’s P.O.V:

Hi! I’m Sam nga pala, 16 years old na ako at senior high school student. Medyo nakakaangat lang kami but not totally rich. INVISIBLE sa mga tao sa school, except sa mga teachers… that’s me. Actually, nerd ang tawag nila sa’kin, honor student din kasi ako

Malapit nang magtapos ang school year pero hindi pa rin ako pinapansin ni Ethan, ang crush ko na sikat na soccer player sa campus. Wala na naman akong mapagsabihan kaya sulat nalang ako nang sulat sa diary ko.

Mr. Diary,

Kailan ba talaga niya ako mapapansin? Almost five years na akong naghihintay para lang mapansin niya. Paano nga naman niya ako mapapansin eh bukod sa maganda at maputi kong kutis at maganda at hanggang balikat kong buhok, wala ng maganda pa sa’kin. Nakikita ko naman ang kagandahan ng mukha ko ‘yun nga lang ay kung hindi ko sinusuot ‘tong salamin na sa kanunu-nunuan ko pa namana. Maliban rin sa libro at numero, hindi ako magaling sa lahat ng bagay, idagdag pang wala akong alam sa pananamit at ‘tong salamin sa mata ko na halos nao-occupy na buong mukha ko sa laki. Habang siya, sikat na, napaka-athletic pa. Kailangan ba talaga ang pakapalan ng mukha, wala ako ‘nun eh. Palagi ko siyang napapaniginipan at kapag nagigising ako, naluluha nalang ako kasi mare-realize ko na hanggang panaginip na lang talaga siya. Hanggang dito nalang muna Mr. Diary.

-samnobody82-

Ethan’s P.O.V:

Nakakatawa diba? All of my friends thought that I’m so cool, but then, nagsusulat din pala ako ng diary.

Diary,

Bdw diary, theres’s a girl na noong freshman pa lang ako ay pansin ko na talaga. Ang pagiging iba niya sa lahat ng babae shows more existence to me. She’s nerd, that’s true but that doesn’t mean na hindi siya maganda. She’s simple yet very beautiful. Gusto ko nga sanang makipagkaibigan sa kanya, kaso lang, hindi ko magawa. Hindi sa takot akong mapahiya but nauunahan lang talaga ako ng pagka-torpe ko.

Malapit na ang end ofschool year kaya dapat ko nang lakasan ang loob ko. Whoo!!! Ready na talaga ako!

-nathaniel-

          Tapos na akong magsulat sa diary ko. Naglalakad na ako patungong lobby. Maya-maya, nagkasalubong kami. Tumigil ako sandali para sana puntahan siya nang natorpe na naman ako. Ano ka ba naman Ethan, ang torpe-torpe mo talaga!! Hindi ka naman ganyan dati! Sa tingin mo ba papansinin ka ‘nun nang basta-batsa?! At sino ka naman para pansinin niya? Eh sikat ka lang naman at magaling sa pagsipa ng bola, habang siya…….hayyyyy.

       I tried to look at her, but she looks on the other side. Hindi talaga nya ako mapapansin. Pa'no ba naman kasi, hanggang titig lang naman 'tong ginagawa ko. Ewan ko ba kung ano ng nangyayari sa sarili ko. Be a big man Ethan. Kaya mu 'yan!

        Teka ..... kilala nya rin kaya ako? Hmmm ...

Bret: Hoy pare, okay ka lang?

Ethan: "Ahh…ano?"

James: "Sino ba’ng tinitingnan mo? Kanina pa kita napapansin ah."

Ethan: "Ahh….naku, wala naman ah."

Ray: "Kunwari ka pa. Don’t tell us you like that nerd? Napapansin din kita kanina pa."

Ethan: "Haha! Nakakatawa kayo. That’s not possible bro! Kung anu-anong pinagsasabi niyo. Tayo na nga."

Beautiful TragedyWhere stories live. Discover now