As I Fall -48

8 4 0
                                    

11:32am

Ashley: Nakauwi kana ba?

Shera: Oo

Shera: Nga pala kayo na bahala muna dyan ha.

Ashley: Sure no problem

Shera: Salamat ha. Hindi ko talaga alam kung ano ang gagawin kung wala kayo eh.

Ashley: Wala 'yon magkaibigan naman tayo kaya okay lang. Ang importante makapag pahinga ka rin muna. Kami na ang bahala kay prince charming mo dito hehe.

Shera: Ay naku hindi ko prince charming 'yan ha.

Ashley: Sus sinabi kaya ni Karyl kanina na magkapit bahay lang kayo ni Aziel.

Shera: Grabe pati pangalan alam mo na agad ah.

11:48am

Ashley: Syempre ako pa ba magpapahuli sa balita hahaha. Anyway matulog kana muna para may energy ka mamaya para bantayan si sleeping prince mo.

Shera: Oo na po mama hahaha.

11:55am

Shera: Ash?

Ashley: Oh?

Shera: May tanong sana ako

Ashley: Ano yon?

Shera: Iyong friend ko kasi may problem

Ashley: Sinong friend? Si serlene ba?jerlyn, karyl?  lovelyn?

Shera: None of the above

Shera: Basta friend ko sa work

Ashley: Okay. Tapos?

Shera: Yun nga ang friend ko may kachatmate siya.

Ashley: Tapos?

Shera: Sandali nga pataposin mo kaya muna ako no?

Ashley: Ay okay hahaha sorry cge pagpatuloy mo.

11:59am

Shera: So ayun nga magkausap daw sila ng ilang months thru chat. As in everyday magkausap sila ay mali everynight pala. Tapos dahil sa naging busy ang friend ko hindi niya namalayan na hindi na pala siya na replyan ng kausap niya sa chat. And she find it weird kasi si lalaki ang laging unang nagmemessage sa kanya. Tapos ngayon walang paramdam as in nada. Ano sa tingin mo ang problema wala kasi akong magandang maipapayo sa kanya eh.

Ashley: Naku patay kang bata ka

Shera: Ha, bakit? 

Ashley: Ghosting tawag diyan sis

Shera: Ghosting?

Ashley: Oo iyong lagi kayong magkausap na parang may something pero wala namang label. Tapos bigla na lang hindi nagparamdam iyan ang ghosting.

Shera: Duh! Wala naman silang something naguusap lang sila ganun.

12:04pm

Ashley: Meron iyan hindi magtatagal ang usapan niyo ng lalaki kung walang something. Alam mo kasi tayong mga babae, hindi tayo magsasayang ng oras kung hindi tayo interesado sa isang lalaki.

Shera: Eh paano kung makulit lang talaga ang lalaki kaya napipilitan siyang mag reply.

Ashley: Tawag diyan sis in denial.

Shera: Hindi ako in denial ah.

Ashley: Hindi ko naman sinabi na ikaw, iyong kaibigan mo diba siya iyong pinag uusapan natin.

Shera: Ah oo siya nga

12:10pm

Ashley: Ows?  Hahaha mukhang hindi eh huwag mo na nga akong lokohin. Si Jeon iyang tinutukoy mo no?

Shera: Hindi! Pake ko naman sa kanya no. Kaibigan ko nga ang may problema hindi ako.

Ashley: Okay sabi mo eh. Basta ito lang masasabi ko sis huwag na magpakipot at magpakita kana sa kanya. Mukhang mabait naman siya eh.

Shera: Paano mo na sabi hindi mo naman siya nakausap.

Ashley: Syempre natiis niya ugali mo eh hahaha. Kahit na tinatarayan mo at laging siniseen hindi parin siya sumuko.

Ashley: Kaya ngayon it's your turn naman, do some effort huwag sitting pretty sis. Tandaan si Mulan, Pocahontas at si Merida tayo lumalaban hindi nagpapaka damsel in distress. Kaya go follow mo lang kung ano ba talaga ang gusto mo. Stop being in denial kung alam mo naman ang totoo. Baka mahuli ka at maghosting ka talaga ng tuluyan hahaha.

12:18pm

Shera: Hindi naman ako in denial or what sadyang bago lang talaga sa akin ang feeling na ganito. Iyong may lalaki na maglalaan ng oras para sa akin para ano kausapin ako?

Ashley: Syempre sis meron talagang lalaki ang nakatadhana sa atin na gagawin ang lahat makuha lang ang atensyon natin. Isa pa you deserve every attention you can get.  Maganda ka, mabait topakin lang minsan pero pwede na hahaha and may trabaho ka o di ba ano pa ang hahanapin niya.

Shera: Okay na sana eh akala ko tuloy-tuloy na ang positive na word ang sasabihin mo tukol sa akin. But anyway pag iisipan ko lahat ng sinabi mo.

Ashley: Sis,  love is all about taking risk.

Shera: Wait wait anong love?

Ashley: Love is the strong feeling that you feel towards that person. In tagalog pagmamahal yan sis.

12:26pm

Shera: Tanga alam ko ang ibig sabihin ng love what I mean is bakit napunta na sa love ang topic natin.

Ashley: Ay hindi mo pa ba love si mysterious guy mo?  Hahaha akala ko ang pinag uusapan natin eh kung saan aamin ka na sa feelings mo.

Shera: Shunga mo talaga tinanong ko lang kung ano ang problema bakit hindi na siya nagparamdam tapos napunta na tayo sa love.

Ashley: Sorry naman excited ako eh hahaha magkaka love life kana kasi ulit.

Shera: Sige na nga matutulog na ako. Huwag mo sabihin sa iba ang sinabi ko sayo ha.

Ashley: Yes ma'am my mouth is sealed hehehe.

Shera: Sa tamang oras kapag handa na akong sumugal na masaktan ulit saka ko pa lang siguro hahayaan ang sarili ko na mahulog ng tuluyan sa kanya. 

As I FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon