*Kaguluhan 45*

2.3K 103 10
                                    

Gabriel Feñoso

After a month...

"Nasaan na yung iba?" nakapamewang kong tanong sa estudyante ko.

"Parating na daw sila Sir," imporma ni Hennes sa akin.

Tumango ako bago naglakad sa isang pang van na pagmamay-ari ng pamilya ko.

"Na-check niyo na po ba ang lahat Mang Kanor? Eh yung preno po?" bungad ko sa kaniya.

Si Mang Kanor ang driver ng pamilya namin. Siguro, siyam na taong gulang ako nang magtrabaho sa amin si Mang Kanor.

Sa ngayon, siya muna ang magda-drive ng isang van na dadalhin dahil hindi naman pwedeng ang estudyante ko ang mag-drive noon.

"Ayos na iho. Nasaan na ba ang mga bata mo?" tanong niya habang nakatingin sa likuran ko.

"Nako, hindi pa kumpleto Mang Kanor, maghintay muna tayo ng kaunti," natatawa siyang tumango sa akin.

"Aba! Ang yaman naman ni Sir!" napalingon ako sa sigaw ni Vincent. Hindi ko alam kung maiinis ako sa suot niyang neon green o matatawa.

Kailan ba ako hindi na-stress sa kanila?

"Tanginang jacket 'yan, nakaka-bulag!" iritableng komento ni Eyan. Pero tinawanan lang siya ni Vincent at saka dumeritso sa tabi ko.

"Sa inyo ba 'yang dalawang van, Sir?" curious niyang tanong.

"Syempre," pagmamayabang ko.

"Ang yaman niyo talaga sir eh. Parang gusto ko na lang magpa-ampon sa inyo," untag niya na ikinatawa ko.

"Hindi ka aampunin ng magulang ko. Masyadong matigas ang mga ulo niyo," sagot ko.

Pero tumawa lang siya. Maya-maya lang din ay lumapit na siya sa mga kaklase niyang nagkakagulo.

Pinagmasdan ko ang mga estudyante ko. Lahat sila ay nagsasalita, ang iba ay sumisigaw pa. Hindi ko namalayan na nakangiti na pala ako habang pinapanuod ang pagkakagulo nila.

"Tanggalin mo nga 'yang jacket mo! Tangina ang sakit sa mata eh!" sigaw ni Jenny at halos siya na mismo ang naghubad ng jacket ni Basdien.

"Uy! Uy Teka-rape ba 'to!?" aligagang sigaw ni Vincent. Maya-maya lang ay binatukan siya ni Villa.

"Umayos nga kayo, aalis na tayo oh!" sita nito sa dalawa.

"Bakit ako lang ang binatukan mo!?" kaagad na tanong ni Basdien pero hindi na siya pinansin pa ni Villa.

Ilang beses akong bumuntong hininga bago ko inayos ang pagkakasuot ng sumbrero ko.

"Kumpleto na ba kayong lahat?" tanong na nagpatigil sa kanila.

"Teka, kumpleto na ba tayo?" tanong ni Fernandez sa mga kaklase niya.

"Wala pa si Zenon at Chris, sir!" sagot ni Damus.

"Tanga ka ba?" untag ni Manlangit na mukhang na-irita sa sinabi ng kaklase.

"Hahaha nandito na pala si Zenon. Si Chris na lang," agad niyang bawi.

"Tanga. Nandito na rin si Chris," asik ni Leo sa katabi.

"Kumpleto na po Sir!"

---

Halos isang oras ang itinagal namin sa daan bago nakarating sa airport. Nauna kami bumaba bago ang nasa ibang van.

"Sa wakas, makakasakay na rin ako ng eroplano!" bulalas ni Oson habang sakbit-sakbit sa balikat ang malaking bag-pack.

Section Z | ✓Onde as histórias ganham vida. Descobre agora