Chapter 32: Foreswifts

73 14 0
                                    

Chapter 32: Foreswifts

Chapter 32: Foreswifts

¡Ay! Esta imagen no sigue nuestras pautas de contenido. Para continuar la publicación, intente quitarla o subir otra.

Levi's POV

     "Mamayang alas sais ng umaga natin siya ihahatid pabalik."

     Nagising ako sa ingay ng pag-uusap ng mga tao sa paligid ko. Unti-unti kong minulat ang mata ko at unang tumambad sa akin ang antiquated look ng kisame. Ini-angat ko ang katawan ko pero hindi ko iyon magawa dahil nawawalan ako ng lakas.

     "Oh, gising ka na pala hija?" Tanong ng sa tingin ko ay isang matandang lalaki.

     Pinilit kong bumangon mula sa pagkakahiga. Medyo nagkakaroon na rin ako ng lakas. Nang maipuwesto ko na ang sarili ko ay agad kong nakita ang buong kuwarto. Inilibot ko ang paningin sa buong silid at maiging pinagmasdan ito. For sure, this is not our dorm. Maliit lang ang espasyo ng kuwarto. Isang kama, cabinet sa bandang kaliwa ng kama at isang lamesa na nasa kanan ng kama ang nandito sa silid. Mayroon ring mga lumang mga larawan ng lalaki at babae na nakadikit sa dingding.

     Wait, nasaan ba ako? Anong nangyari? Umihi lang naman ako kanina sa cr. Hindi ko na matandaan kung anong nangyari ng sumunod. Ngayon, nandito na ako sa hindi pamilyar sa akin na kuwarto.

     Napatingin ako sa matandang lalaki na nakatitig lang sa akin sa tabi ng kama ko. Matanda na nga talaga ang kaniyang panlabas na kaanyuan at marami na ring kulubot ang kaniyang balat. Dagdag pa sa pagiging matanda niya ang pagsusuot ng salamin.

     Ngayon ko lang na-realize na baka ako ay na-kidnapped. Bigla naman akong napa-atras sa kama at unti-unting lumayo mula sa matanda. Bigla namang sumakit ang ulo ko sa hindi ko malamang dahilan.

     "Aray!" Daing ko sa sakit at napahawak sa ulo ko.

     "May problema ba hija?" Tanong niya.

     "W-wala po, sumakit lang uli ko. N-nasaan po b-ba ako? Bakit ako nandito?" I asked while still keeping a distance away from him.

     "Huwag ka mag-alala, hindi ka naman namin sasaktan hija," aniya.

     "P-pero bakit po ako nandito?"

     Huminto siya nang panandalian at saka ngumiti sa akin. "Mamaya na namin ipapaliwanag sa'yo. Sumunod ka sa akin hija."

     Pagkatapos niyang sabihin iyon ay lumabas na siya ng kuwarto at iniwan akong mag-isa. "Should I go outside? Tumakas na lang kaya ako? Baka mabait naman sila."

Mageia Academy: The Revelations [#Mus-alonlymAward20] [#F&ACOMPETITION]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora