Prologue

24 2 0
                                    

"Makakalaya ka na, Laurier."

Naputol ang imahinasyon ko nang marinig ang isang baritonong boses. Gulat akong napatayo mula sa kinauupuang kama at kumapit sa rehas na pumapagitan sa aming dalawa.

"Talaga?" halos hindi ko makapaniwalang sabi. Akala ko hindi na ako makakalabas. Akala ko aabutin na ako dito ng kaarawan ko at totoong kulungan na ang bagsak ko.

Sinamaan niya ako ng tingin bago tumango. "Oo, kaya lumabas ka na dyan bago pa magbago ang isip ng mga opisyal."

Inikot ko ang mga mata habang pinapanood si Manolo na buksan ang seldang pinagkakakulungan ko. Ilang beses na akong natulog sa kwarto na ito. Hindi ko na 'rin mabilang kung ilang beses akong nakapasok at nakalabas sa pasilidad na 'to. To be honest, this is kind of like my second home already, but with much less freedom.

Ngumisi ako nang mabuksan niya na ang pinto.

"Don't miss me too much, Manolo," kinindatan ko siya nang makatapak sa labas ng selda. Pero hindi pa ako nakakalayo ay hinagip niya ang braso ko at pinihit sa kanyang direksyon. Nagtataka ko siyang tiningnan. "What? I thought I'm out?"

"Iba ang ngayon. May ibang plano ang mga opisyal para sayo at sa tingin ko..." tumikhim siya bago nagpatuloy. "Sa tingin ko ay ito na ang huli. Hindi ka na makakabalik pa dito kahit kailan."

Kumunot ang noo ko. Hindi na ako makakabalik? Bakit? Ibibitay na ba nila ako? Tuturukan ng lason? Ilalagay sa silya elektrika? O ipapatapon na talaga sa totoong kulungan?

Well, no, thank you. Anything but the last one.

Tiningnan ko sa mata si Manolo at nakita ko ang pag-aalala sa mga mata niya. Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang may mapagtanto.

"You're joking, right?" Nagsimula akong pagpawisan dahil sa kabang nararamdaman. Nang hindi siya kumibo ay tuluyan nang nakumpirma ang iniisip ko. "Oh, you're not."

"Let's go."

"Oh, no, no, you're not doing that." Bumalik ako sa selda at ako mismo ang nagsara ng pintuan. "Just keep me in here, Manolo. Let's just forget we ever had this conversation, alright?" sabi ko pa gamit ng matamis na boses.

I am not going to jail. I may be a criminal in the making, but I'll never let myself end up in jail.

"Laurier—"

"No! It's—it's not even my 18th birthday yet!" halos magmakaawa ako sa kanya. "Two weeks pa, Manolo! Two weeks! Bigyan niyo ako ng panahon para magbago! I promise you, I'll be better! I won't vandalize, I won't attend underground fights, I will even stop stealing dimsums from Pepita's store, just let me—"

"Manahimik ka nga, Laurier. Ano bang pinagsasabi mo? Hindi ka makukulong."

"—change for the better and I swear, you'll never see me in this shithole again—wait, what?"

Para akong nabingi. Did I hear things right? Hindi ako makukulong? Iyon ang sinabi niya, 'diba?

"I'm not?" Tinuro ko ang sarili. "Why not?"

Bumuntong hininga siya at sapilitang binuksan ang pintuan na sinara ko kanina. Hindi siya nagsalita kaya mas lalo akong nagtaka.

"Bakit hindi, Manolo? Bakit hindi ako makukulong?"

"Mas gusto mo bang dumiretso sa bilangguan?"

Umiling ako bilang sagot.

"Thought so," sabi niya. "Sundan mo ako."

Nagkibit-balikat nalang ako at sumunod sa kanya. May pagtataka at pangamba parin akong nararamdaman pero isinantabi ko na lamang iyon. I'm not sure if I could trust Manolo, but then I've already known him for years. The first time we met was when I smashed my principal's car and ended up sleeping in juvie for the first time. That was 6th grade, by the way. And of course, I had my reasons. Hindi ko naman magagawa iyon kung wala.

BorderedWhere stories live. Discover now