"Ang ingay mo naman cyst! Tss, early in the morning? Ano na naman ba? " anya habang tinutuyo ang mahabang buhok dahil bagong ligo sya! Akalain mong sa pagitan ng pag sigaw kong iyon ay nakaligo na sya?

"Peste! Nakaligo ka na sa iilang minuto?! Segundo pa lang ng pagtawag ko! Iba ka talaga cyst! " sarkastikong sabi ko dito! Nginiwian nya naman ako.

"Oh eh bakit nga? Aga aga alam mo yun! "

"May hindi makapasok! At lagot tayo kay papa pag nag kataon! "

"Ano?! Pano—ay hala! Kaya pala sobra yung pass at I.D. dun! Tatlo yun! Fvck! Bat ngayon ko lang naalala? Teka mag bibihis na ako! " at biglang sinarado ang pinto ng napakalakas!

'ayos ugali neto ah? '

"Oh ano gising na ba si Insan? " baling ko kay Bih.

"Oo naman! Sa lakas ng sigaw mo eh magigising 'to ng wala sa oras! " pareho pa kaming natawa.

Pipihit na sana kami sa aming mga kwarto para mag ayos na rin ay biglang bumukas ang pintuan ni Insan st napahagalpak kami sa tawa!

"Anong ayos yan Insan? HAHAHAHA! " ako yan!

"Letse! Grabe ba nainom mo't ganyan ka na? HAHAHA! " si Bih naman na halos lumuha na sa kakatawa.

Biglang lumabas si cyst kaya lalong lumakas ang tawa namin.

"Stop it! Nagmamadali kayo diba? Dali na ready na ako! " sigaw nya kaya mas lalo kaming natawa.

"Ayos ka lang ba? Mukhang wala ka sa ulirat ng mag ayos Insan? HAHAHA! ano ba naman at hindi magkapares ang sapatos mo? HAHAHA! " hagalpak ko.

"Oo nga! Putakte! Nakapagsuklay ka ba? Daig mo pa sumakay ng tricycle na ke bilis bilis mag patakbo kaya pati buhok mo na jetlag! " pang aasar naman ni Bih. Pano kahit basa ay makikitang basta lang tinuyo ng blower at nag kanda taas taas ang mga ito sa ere na dun na nag stay. Hindi talaga sinuklay.

"At ano yan?! Bagong style mo?! Naka skirt pero naka sando na pambahay at naka blazer? What the hell Yumi! " si cyst na.

"Tss! Ano ba?! Magmamadali kayo tapos... " nahinto sya sa pag sasalita at tiningnan ang sarili nya. Napanganga sya at napatulala sa may skirt nya.

'natatawa ako sa kanya pero anong tinitingnan nya? '

"Bakit Yumi? " natatawa pero nagtatakang tanong ni cyst.

"A-ano... Kasi parang... Parang hindi ako na-nakasuot n-ng u-under—undergarments... " naiiyak nyang sabi at napanganga kaming tatlo.

'ano?! Pero—ano lang suot nya? '

"Ano ang suot mo?! Wala?! Tang'na naman Yumiko oh! " pero naunahan ako ni Bih mag tanong.

Umiiyak si Insan at hindi sya matahan. Anong? Bakit ba? Kasalanan ko ba? Aish! Hindi naman diba?

"Meron naman! Kaso cycling na pala! Akala ko nasuot ko! Eto kasing si Sham! Makasigaw akala ko wala na naman sa hulog, kaya nag madali na ako *hikbi*  Akala ko manenermon na naman kaya para makaligtas ay binilisan ko na! Sawang sawa na ako sa umagang puro panenermon nyan! Jusko! Ay ewan! Susunod na lang ako! Takte! " sabi nya habang pinapahid ang mga luha dahil sa kahihiyan at napa upo na lang sa sahig dahil sa panghihina.

"Kaya pala parang malamig sa maselang part ko kasi walang saplot tang'nang katangahan yan oh... " umiiyak pa nyang dagdag. Napa nganga naman kaming lahat.

Love is like a WarWhere stories live. Discover now