Putek! May malaki talaga akong muta. Agad akong dumiretso sa banyo sa kanyang kuwarto para maghilamos. Thank God, di niya pinagdamot sa kin ang banyo niya.
Tumitig ako sa salamin at kung di lang ako sanay sa mukha ko ay baka nahindik na ako sa sarili kong repleksyon. Magulo at buhaghag ang aking buhok, tiyak mahihirapan na naman akong suklayin to ngayon. Buti na lang wala pang klase, hindi ko kailangang magmadali.
I got also dark spots under my eyes, kaya lalo tuloy naging obvious ang aking mga eyebags. Letch na stress na inabot ko this past few weeks.
At ang mas nakakahiya ay ang nagmamantika kong mukha, lalo na sa may bandang ilong. Anak ng patatas, pwede nang pagprituhan ng itlog.
Tinigil ko na ang pagkilatis sa mukha ko. Di naman na magbabago pa ito, basta alam ko sa sarili ko, maganda ako. Sabi rin kasi ng batang sinuhulan ko ng
candy eh, ang ganda ganda ko raw. Children don't lie, right?
Naghilamos na lang ako at nagmumog. Tsaka ako dumiretso sa kusina ng bahay ni Jake para manginain, nagrereklamo na kasi ang mga anaconda ko sa tiyan. Hindi kasi ako nakakain ng mabuti kagabi.
Lumapit ako sa may dining table at nakakita ako ng mga tupperwares na nakatakip. Binuksan ko ang mga yon at naamoy ko agad ang aroma ng sinangag na kanin, sunny side-up egg at hotdogs.
Akala ko ba hindi pa kumain yon. Nagda-drama lang ba si Jake kanina? Bahala na nga siya. Kumuha na ako ng pinggan, kutsara't tinidor at nagsimula nang pakainin ang mga pets ko sa tiyan.
~
Matapos kong hugasan ang mga pinagkainan ko, dumiretso agad ako sa banyo at naligo. Kahit na simple ang ayos niyon ay parang nagsusumigaw naman iyon ng karangyaan. Kumpleto pa siya sa toiletries. Pero ni isa kong gamit, wala. Buti naisipan kong bumili ng toothbrush ko sa nadaanan naming convenience store kagabi. Parang hindi ako welcome sa bahay na ito. Hmp!
Tinuloy ko na ang paliligo. Nakigamit na lang ako ng sabon at shampoo. Pati na rin lotion niya ay pinakialaman ko na rin. Ayoko namang maging dry ang balat ko.
Nang tuluyan na akong makapagpalit ng damit, naisipan kong iayos ang mga gamit ko na nasa maleta pa lamang. Basta na lang kasing nilapag ni Jake ang mga yon sa sala kagabi.
Binuksan ko ang kanyang walk-in closet at napa-wow na lang ako sa aking nakita. Ang daming damit, tinalo pa ako. Sa may baba naman ay mga sapatos nito. Nakakainggit din yon sa dami.
Sinimulan ko nang ipasok ang mga damit ko, shirts at pantalon ang mga karamihan doon. Hindi naman kasi ako mahilig mag-dress at mag-shorts. Tinabi ko na rin ang dalawang pares ng sapatos ko, isang doll shoes at isang chucks, sa mga sapatos ni Jake. Bahay-eskuwela lang naman ako kaya di ko kailangan ng maraming sapin sa paa.
Bahala siyang magalit sa pangingialam ko sa closet niya. Kesa naman hayaan ko lang sa maleta ang mga damit ko. Tsaka konting space lang naman ang inangkin ko eh.
Patapos na ako mang may mapansin akong nakasuksuk sa pinakababang drawer. Hinugot ko iyo at muntik nang nang makitang floral hankerchief iyon. Naninilaw na rin ito sa kalumaan. Hahaha! May tinatago palang ganito si Jake. Sentimental na tao pala siya.
Binalik ko na ang panyo at tinapos ang aking ginagawa. Saka ako lumayas sa kanyang kuwarto.
