Chapter 9

47 32 18
                                    

"Anak, bumili ka nga ng corn beef." Tumayo kaagad ako, dahil inutusan ako ni mama, kinuha ko na kaagad 'yung pera at sinuot ko 'yung jacket ko dahil malamig na sa labas, dahil gabi na. Hindi naman masyadong madilim sa subdivision namin since bukas pa 'yung mga ilaw. Nag-madali pa rin akong pumuntang tindahan para makauwi kaagad. Nang makabili na ako ay agad na rin akong nag-lakad. Napatingin pa ako sa park, madadaanan ko kasi 'to bago ako makarating sa bahay, napatigil ako dahil may naaninag akong tao. Nag-lakad ako papunta ro'n at nagulat ako nang makilala s'ya. 



"Why are you here? gabi na ha." I said, na patingin ako sakan'ya dahil sobrang gulo ng buhok n'ya at nakaupo lang 'to sa lupa. Napatingin naman s'ya sa'kin, sobrang pula ng mga mata n'ya at halatang umiiyak 'to. "R-rhant? what happened?" tanong ko rito at inalalayan ko s'yang makatayo. He held my shoulder at hindi niya ako sinagot. "Please, mag-salita k-" na patigil ako dahil bigla n'ya akong hinalikan. Tinulak ko s'ya kaya napaatras 'to. "Rhant! ano bang problema mo, bakit mo ginawa 'yon?" hinampas ko siya pero nakatitig lang 'to sa'kin.



"I-Im jealous, Ainsley" he said calmly, napatigil naman ako rito. I bit my lip at seryoso ko s'yang tinignan, "I'm fucki-" nagulat ako dahil bigla s'yang natumba kaya agad ko 'tong inalalayan. "Rhant!" I yelled, napatingin ako sa gilid n'ya dahil may bottle ng beer do'n, uminom siya? "Rhant, hoy, hindi kita kaya!" niyugyog ko s'ya pero hindi 'to magising. Kinuha ko 'yung phone ko at tinawagan ko si kuya pero hindi 'to sumasagot. "Rhant, please" napatingin ako sakanya at nanlaki ang mata ko dahil tumatawa pa 'to, he held my head and he suddenly kissed me.



"Hey, Ainsley, wake up!" nagising ako sa sigaw ni kuya kaya tinignan ko 'to, kinuha ko 'yung cellphone ko para tignan 'yung oras. Napabangon naman ako dahil late na akong nagising. "Kuya, bakit ngayon mo lang ako ginising?" I asked him, kinuha ko 'yung towel ko at tinignan s'ya. "Late ka umuwi last night, saan ka ba galing?" he asked, napaisip naman ako, bakit gano'n 'yung panaginip ko? parang totoo. "What do you mean? pag-dating ko galing school, natulog kaagad ako." I said. "You have amnesia, you forgot? sinundo kita sa bahay nila Akiya." he said, nag-taka naman ako, mag-tatanong sana ako pero bigla na s'yang lumabas ng kwarto ko. Paano ako napunta kala Akiya?



Mabilis akong pumunta ng cr para maligo, and after that nag-bihis agad ako, and inayos ko 'yung hair ko, hindi na ako kumain dahil late na late na rin ako, nauna na si kuya sa school kaya nag-tricycle nalang ako. Nakakainis! iniwan n'ya ako, ang bagal ko raw kasi kumilos. Pag-pasok ko ng campus agad akong pumunta sa field dahil nando'n daw 'yung mga kaibigan ko, hindi naman ako nahirapan na hanapin sila dahil tanaw na tanaw ko na sila malayo pa lang. Tumabi naman ako kay Akiya at tinanong ko 'to. "Akiya, sabi ni kuya sinundo n'ya raw ako sain'yo kagabi, can you please tell me what happened?" I asked.



"Uhm... Nakalimutan mo?" she asked. "Mag-tatanong ba ako sa'yo kung alam ko?" sabi ko rito, tumawa naman 'to. "HAHAHA, ano kasi..." seryoso ko lang 'to tinignan. "Hoy! gawin na natin 'to, mamaya na kayo mag-chismisan." Sabi ni Abi, napatingin naman ako sakan'ya at inabot n'ya sa'min 'yung art materials. "I'll talk to you later." I whispered to Akiya. Nang matapos na kami ay niligpit na namin 'yung mga ginupit namin, tinignan ko si Akiya, at halata na umiiwas 'to sa tingin ko.



"Let's play!" sabi ni Avery. "Truth or Dare!" suggest naman ni Aeiona, umupo na lang ako sa tabi nila kahit hindi ako umagree na makipag-laro. "Sige, ako 'yung host, isa-isa na muna ha" sabi ni Avery at umayos ng upo. "Azra, Truth or Dare?" tanong ni Avery, napatingin naman kami kay Azra. "Hmm... Truth na lang." she said calmly. "Sino crush mo?" mabilis na tanong ni Avery, nagulat naman si Azra sa tanong n'ya at halata sa mukha n'ya na kinakabahan s'yang sagutin 'to. "Wala" sabi nito, kaya binatukan s'ya ni Aeiona.



"Anong wala? sino 'yung kinikwento mo sa'kin na seni-" hindi na n'ya natuloy 'yung sasabihin n'ya dahil kinurot s'ya ni Azra. "Luh! ang daya mo naman, sabihin mo na magka-kaibigan naman tayo rito, crush lang eh." sabi ni Abi. "Fine, crush ko si Isaac." nagulat naman kami rito at sabay-sabay silang tumingin sa'kin. "HAHAHA, sabi ko na nga eh!" sabi ni Akiya. "Crush mo si kuya?" tanong ko rito. "Please, ate, h'wag mo nalang sabihin sakan'ya huhu" sabi nito at lumapit sa'kin kaya tumawa naman ako. "Senior pala gusto mo ha." pang-aasar nila Liyah. "Crush lang naman eh, hmp!" sabi ni Azra at nag-pout.



Hate at first Sight (Dashiell Series #1)Where stories live. Discover now