Kumaway muna siya bago umalis.

Kumaway din ako pabalik sa kanya na may ngiti sa labi. (Plastik lng mga dre.) Para hindi magmukang bitter hihihi.

Habang nasa klase hindi ako nagpahalata na lutang ako baka palabasin pa ako ng guro namin..

Instead pinaglaruan ko nalang ang ballpen kung click ang taas.

*click*
*click*
*click*
*click*

"What the hell is that annoying sound!" Napamulagat ako sa sigaw ng guro namin.

Halos lahat ng mga kaklase ko ay lumingon sa direksyon ko.

Tapos ang isa ay tinuro pa talaga ako.

Si kilay is life... Aba dzai kung lalabas siguro tung titser na to aba siguro na ahit ko na kilay mo..

"Sorry Sir" paumanhin ko sa titser.

"Are you lutang?" Tanong niya. Ay conyo taray nito. Akala niya english subject namin. Oi! Filipino tayo Filipino.

"Di po" sagot ko.

"Para kang mag aanu na aanu"

Anu daw!?

(A/N: Kung may ka klase akong nagbabasa nito alam niyo na ang ibig sabihin ng nasa taas hihi)

Pilit kung binabaling ang atensyon ko sa naglelecture sa harap kahit na nagdedaydream ako ng future namin ni French.

"Oi, oi" tawag ng tanghalan.
Tawag ng katabi ko.

"I'm Margaret Ynezz Reasol" sabay lahad ng kamay ko sa kanya.

Napataas ang kilay niya sa inasta ko.

"Ha?" Tanong niya

Umiling lang ako. Ang slow naman niya daig pa niya ako.

"Ahhh ok, witty bibi" sabat niya.

"Anung bibi. Bibingwasan kita gusto mo?" Ako.

"Ah no, no" sabi niya sabay iling.

Punyeta siya nag dedaydream pa ako ng future ko tapos siya ginising pa ako. Tsk very bad!

Binaling ko ang atensyon ko sa harap na nagkukunwaring nakikinig pero nananaginip na naman ako ng gising.

But instead of French si Kimuel na ang nakita ko.

Wait?? Ewww ayaw ko sa kanya like dzuh!!..

Umirap nalang ako at sabay ng pagtunog ng ring.

Agad akong lumabas ng room at tumungo sa canteen para mag meryenda.

Nang pumasok ako madami ng tao ang kumakain at umoorder.

Luminga linga ako sa paligid para hanapin si Judy. Pero wala pa siya, siguro hindi pa tapos yung klase niya. Pero nakita ko si Trishia na pumipila sa counter.

Linapitan ko siya at tinanong.

At ang sinabi niya lamang ay hindi pa daw ito pumapasok at may letter daw siyang pinadala na mag eexcuse muna para makapagpahinga.

KIMUEL DUANE's GIRLWhere stories live. Discover now