CHAPTER 2 : BUTTERFINGERS

94 0 0
                                    

Nagulat ako hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Kaso bigla siyang umalis ewan ko kung bakit, basta nung nalaman kong may gusto siya sa akin parang gusto kong lumayo na ayaw ko.

Nung gabing yun pumunta siya sa bahay

“Nicole” (inabot yung box ng butterfingers.)

“HAHA! Isang box na ah.”

“hehe.”

“Pasok ka.”

Habang nandun kami sa may sala, parang naiilang ako sa kanya. Grabe! Kasi yung tingin niya parang matutunaw  ako.

Hinampas ko si mico sa braso.

“Bakit ka ba ganyan makatingin sakin.”

“Ang ganda mo pala talaga”

Nung lumapit yung mukha niya sakin, parang iba ang nararamdaman ko. Biglang niya akong hinalikan sabay bumulong ng mahal kita.

“Mahal din kita mico.”

Niyakap niya ako. “Ayokong mawala ka, you’re my everything.”

Pag gising ko wala na siya sa tabi ko.

Pag pasok ko sa eskwelahan hinanap ko si mico, pero wala siya. L Para siyang bula, biglang nawawala. Limang araw bago ulit siya magpakita sa akin.

“Mico.” Niyakap ko siya.

Inalis niya yung yakap ko. “May klase ka pa diba?”

“Oo, kaso ayos lang yun.”

“Tss. Punta muna akong gym.”

Parang nanibago ako kay mico, parang nanlalamig ata. MAHAL PA BA NIYA AKO?

-

Biglang  may sumagi sa isip ko, maraming kumakalat na tsismis kaya daw hindi nagpapakita sakin si mico dahil may iba na daw 'tong babae. Sinundan ko nga si mico sa gym para makasigurado. Nakita ko nga siya dun, biglang may lumapit na babae sa kanya at hinalikan siya. Umakbay naman si mico sa kanya.

Ang sakit! Ang Sakit-Sakit pala. Lalo na kung ikaw mismo ang nakakita.

Gusto ko mang lumapit pero hindi ko magawa. ;(

GIGIL NA GIGIL AKO hanggang sa pag uwi ko. Parang wala nang silbi ang buhay ko, kapag wala si mico.

Tumawag siya sa cellphone, pero binababaan ko. Dahil inis-na inis talaga ako. Bukas na pala yung monthsary namin, ano kayang gagawin ni mico?

Wala na kaya siyang pakialam sa akin?

MAHAL NIYA PA KAYA AKO??

Palalagpasin ko muna yung ginawa niya, kahit masakit sa kalooban ko.

BUTTERFINGERSWhere stories live. Discover now