BUTTERFINGERS.

214 1 0
                                    

Ako si Nicole, nagmamadali akong pumunta sa klase ko, nung nabanga ko si mico. Napatingin ako sa kanya. Parang may hiwaga akong naramdaman. Gwapo nga talaga akala ko hindi totoo yung mga pinagsasabi nila.

Kinuha niya ang libro ko at sinabing “next time, wag kang tatanga-tanga.”

Napatingin lang ako sa kanya at umalis.

Akala ko mabait, pero grabe parang hindi babae ang kausap niya. Pagkatapos ng klase ko dumeretso ako sa canteen. Habang nagbabasa ako ng libro nagulat ako. May nag abot sakin ng paborito kong chocolate “BUTTERFINGERS.”

“Pasensya ka na kaninag umaga ah, mainit lang ang ulo ko.”

“Ok lang. Gusto mong umupo?” (Umusog ako.)

Tumabi siya sa akin

“2 hours kong nilakad yang tsokolate.”

“Weh, Natawa ako.”

Ang daming nakatingin sa amin, varsity kasi si mico sa school. Nahihiya na nga ako kasi ang dami talagang nakatingin.

Tumayo ako. “Sige, Alis na ako salamat sa chocolate.”

Hinawakan niya ang kamay ko. “Dito ka muna.”

“May klase pa ako, nagmamadali pa ako.”

Bat ganun yung nararamdaman ko kay mico, parang kakaiba. Nahuhulog ba ako sa kanya o naguguluhan lang ako sa nararamdaman ko. Two weeks niya na akong binibigyan ng butter fingers.

“Oh, para sa’yo Nicole.”

“Salamat ha.”

Natawa si mico, ewan ko kung bakit.

“Bakit ka natatawa?”

“Buti hindi ka nagsasawa diyan?”

“Favorite ko kasi eh.”

“Ah.” Napakamot siya sa ulo.

“May boyfriend ka na?

“Wala eh, pag aaral muna ang inuuna ko.”

“Mabuti naman”

Inexpect ko na ang sasabihin ni mico ay MANLILIGAW NA SIYA pero hindi pala, sobrang nasaktan ako. Siguro sa kakaexpect sa kanya.

“May nagugustuhan ka dito?”

“Meron.”

“Sino?”

“IKAW.”

BUTTERFINGERSWhere stories live. Discover now