Chapter 3

281 18 0
                                    


Unedited

NAHIGIT ni Dominique ang hininga ng pagbukas niya ng pinto ng condo niya ay nabungaran niya ang gwapong mukha ni Aaron na nakatayo sa harap niya. He looks so handsome sa suot nitong itim na t-shirt at pinaresan nito ng kulay blue na maong na pantalon. At ng ngumiti si Aaron ng magtama ang mata nila ay napakurap-kurap siya. Bigla na lang din bumilis ang tibok ng puso niya.

"Hi." Bati ni Aaron sa bruskong tinig.

"You're early." Sabi niya sa halip na batiin din ito. Maaga kasi talaga ito ng dating sa oras ng usapan nilang dalawa. Sa sobrang aga nga ng dating nito ay kagigising lang niya. At...at hindi pa nga siya nakakapagsuklay ng buhok. Pasimple na lang niyang inayos ang nasa north at south na buhok. At alam ni Dominique na kahit hindi siya nakatingin sa salamin ay alam niyang namumula ang magkabilang pisngi niya lalong-lalo na ng makita niya ang pang-angat ng sulok ng labi ni Aaron habang nakatitig ito sa mukha niya.

Napag-usapan kasi nila ni Aaron na pumunta sa Pampangga upang bisitahin ang mga pamilya nila. Sa Pampangga kasi naka-settle ang mga ito, samantalang silang dalawa naman ni Aaron ay sa Maynila namamalagi. Sa Maynila kasi ang trabaho ni Dominque at nasa Maynila din ang nakabase ang negosyo ni Aaron.

"Early bird catches the worm." Sabi naman ni Aaron sa halip na sagutin nito ang sinabi niya. There was still an amusement in his eyes as he look at her. Bigla tuloy naglaho iyong hiyang naramdaman ni Dominique kanina. Hindi din tuloy niya napigilan ang sarili na mapangiti. "Hindi mo ba ako papasukin?" Mayamaya ay untag ni Aaron sa kanya.

"Oh!" Bulalas naman ni Dominique saka niya niluwagan ang pagkakabukas ng pinto upang anyayahang pumasok si Aaron. "Come in." Sabi niya. Nakagat ni Dominique ang pang-ibabang labi ng manuot sa ilong niya ang mabangong amoy ng binata ng dumaan ito sa gilid niya.

Why so yummy? And why so gwapo? anang malanding isipan.

Ibayong control nga ang ginawa ni Dominique sa sarili huwag lang niyang daluhungin ng yakap ang binata at amoy-amoyin ito. Lihim na lang na napangiti si Dominique. Ipinilig na lang din niya ang ulo para iwaksi ang pumapasok sa kanyang isipan sa sandaling iyon.

"By the way, nag-breakfast ka na ba?" Tanong ni Dominique kay Aaron ng maisarado niya ang pinto.

Tumingin sa kanya si Aaron. "Nope." Sagot ng binata. "Uminom lang ako ng kape." Dagdag na sagot nito.

Tumango-tango naman si Dominique. "Mauupo ka mo na diyan." Aniya sabay turo sa sofa sa kanyang sala. "Magluluto lang ako ng breakfast para may laman ang tiyan natin pag-biyahe."

"Tulungan na lang kita." Presenta ni Aaron.

Akmang magsasalita si Dominique upang tumanggi ng mapahinto siya ng magsimulang maglakad si Aaron patungo sa kinaroroonan ng kusina niya.

She just mentaly rolled her eyes and then she followed him.

"What do you want to eat?" Tanong ng binata ng nasa tapat na ito ng fridge. Sa halip na sagutin si Aaron ay kinuha niya ang nakita niyang ponytale sa ibabaw ng mesa at itinali niya ang buhok in a messy bun style. Pagkatapos niyon at tumingin siya rito upang tingnan ang laman ng fridge.

Saglit niyang sinulyapan si Aaron sa kanyang likod. "Uhm, ikaw ba ano ang gusto mo?" tanong niya kay Aaron. Umusog ng kunti si Dominique ng maramdaman niyang lumapit si Aaron upang silipin din kung ano ang laman ng fridge niya. Pigil ang hininga ni Dominique ng sumulyap sa kanya si Aaron. Ang lapit-lapit kasi ng mukha ng binata sa mukha niya sa posisyon nilang dalawa ngayon.

"Ano ba ang gusto mong almusalin?" Ipinaikot ni Dominique ang mga mata ng makita ang ngisi sa labi ni Aaron.

"Hay naku... hindi tayo matatapos kung nagbabalikan lang tayo ng tanong." Sabi niya sa natatawang tinig.

Runway Girls 2: Dominique ToledoWhere stories live. Discover now